Chapter 22: Soul Reaper

373 37 0
                                    

Unang dinala ng mga kaibigan ni Alexus si Mia sa Eiffel tower, kagaya ng mga ginagawa ng mga turista ay inikot-ikot nila ang park. Kumuha ng maraming litrato. Naghahabulan at nagtatawanan. Mia is like a princess of seventeen men surrounded by her. Hindi lang 'yun, they treated her like a princess.

"Hey, Mia. Gusto mo ng ice cream?" Tanong ni Reden.

Napalingon si Mia sa iba, "Kapag gusto nila, gusto ko rin." Hindi pa naman siya gano'n ka unfair para hindi isipin ang iba nilang kasama. At ang iba ay sumang-ayon naman kaagad. Ang mukha ni Reden ay parang pinagsakluban ng lupa dahil sa dami pa naman nila.

"Libre ni Reden! Grab na ang grasya!"

"We want ice cream too, buddy!" -Leon

"Vanilla ice cream for me!" -Ian

Pati si Phoenix na hindi fan ng ice cream ay napapataas ng kamay at sinabing, "May magnum ba dito? Para sulit naman ang libre." Humalukipkip din pagkatapos. Basta libre ang pag-uusapan ay magbo-boluntaryo kaagad silang lahat dahil minsan lang naman sa kanila ang manlilibre. Pareho kasi silang kuripot kahit na sa kabila ng yaman nila ay napapasaya sila ng mga maliliit na libre.

Gano'n din si Iuhence na pangti-trip lang malakas. "I want strawberry flavored ice cream." Dahil sa sinabi nito ay kaagad na napalingon ang lahat dito na may gross na emosyon sa mukha.

"Ang sagwa mo, strawberry talaga?" Sita ni Z at naiiling.

"Lewd." Pag-sang ayon ni Jeff na tila nandidiri din. Same din ng iba na hindi tipo ang strawberry. Kasi para sa kanila ay pangbabaeng flavor lang 'yun.

Kumunot ang noo ni Iuhence, "Ano bang masama sa strawberry? Ignorante niyo naman." Anggil nito at pinagbabatukan ang nasa malapit na kaibigan. Pero gumanti naman ang mga ito at mukha na silang siraulo sa harap ng madla. Samantalang si Mia ay natatawa nalang sa kanila bago naunang lumapit kay Reden.

"Ganiyan ba talaga kayong magkakaibigan?" Tanong niya rito, kahit na dismayado si Reden ay napapangiti nalang dahil sa kabaliwan nila.

Naiisip naman ni Mia na mayayaman ang mga ito, pero kung umakto ay parang mga elementarya. 'Yung tipong makakapagdalawang isip ka talaga kung mature ba ang mga ito, o kalalabas lang sa mental. Ngayon lang siya nakaka-engkuwentro ng ganito karaming kalalakihan na nagmamachohan at nagsusumigaw sa ka-guwapohan pero ang mga ugali ay pang tambay.

Well, iba naman ang sa kanila ng ka-tropa niya dati. Mahirap sila at minsan naiinip sa buhay kaya nagsasama-sama at naglalaro nalang sa tabi ng kalye para iwala ang anxiety tungkol sa buhay.

Ang bago lang ngayon ay napagtanto niyang hindi lang pala mahirap ang mga baliw. May mga mayayaman din pala na nababaliw sa mga maliliit na bagay.

Sigh.

"Kind of. I can say that it's natural on us. We used to this kind of bonding."

Napangiwi si Mia nang makita si Iuhence at Martinez na naghahabulan. Binato ni Iuhence ng sapatos si Martinez na sumibad lang patakbo sa arc at pumasok sa ilalim ng Eiffel tower.

"Gago ka talaga, Martinez! Isauli mo ang gahibla ng buhok ko na tinanggal mo!"

"Hahaha! Hangal, hindi na 'yun maisasauli. E-glue ba natin?"

In the end, bago sila umalis at nagpunta sa susunod na spot ay binilhan sila ni Reden ng Ice cream. "Maglakad nalang kaya tayo? Malapit lang naman 'yung River Seine di'ba?" Suhestiyon ni Mia habang nakatingin sa pumplet.

"Nakakatamad maglakad, Madam. Magsasakyan nalang tayo."

"Oo nga, Mia. Sasakyan nalang tayo." Unang nagreklamo si Dion na sinundan naman ni Von at ng iba pang tamad na maglakad. Kaya wala ring choice si Mia kundi ang pagbigyan ang mga ito.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now