"Ma, tawagan mo ako kapag nagka problema sa hospital at sa mga kapatid ko, okay?" Yakap-yakap ni Alexus ang kaniyang ina habang sinserong nagpapaalam.
Nasa NAIA airport sila ngayon, dahil ngayong araw ang balik ng mga ito sa South Korea. Dapat nitong huling dalawang linggo pa, pero dahil sa naging komplikasyon at problema nila ni Mia, nagdesisyon ang mga ito na ipagpaliban na muna ang pagbabalik.
"Alexus naman, kaya na namin ng Papa mo doon. Tiyaka, naniniwala kaming maayos ang magiging paggaling ng mga kapatid mo. Nando'n rin naman ang iba mo pang mga kapatid mo, kaya huwag mo na kaming alalahanin." Wika naman ng kaniyang ina at nginitian siya, ngumiti din si Keileigh sa kaniyang manugang na si Mia.
"Kahit na, Ma. Tumawag pa rin kayo. Kahit huwag na lang kung may problema, kahit update na lang tungkol sa nga lagay ni Keihzza at Reign." Pagpupumilit ni Alexus, saka humiwalay sa yakapan.
Napabuntong hininga na lamang si Keileigh, dahil alam niyang hindi rin talaga siya titigilan ng panganay niyang anak. Natural na maaalalahanin ito sa kanila at sa pamilya. "Okay, sige anak. Kung 'yun ang makakapagpanatag ng loob mo. Mag u-update kami sa'yo araw-araw."
Again, Alexus pulled his mom for an embrace which Keileigh didn't budge to decline. Niyakap na rin ito pabalik. As soon as they parted, Alexus kissed her on the forehead at napapatingin sa kaniyang ama.
"Dad, kindly take care of Mom. Siguro, sa susunod na buwan ay susunod rin kami ng asawa ko." Hinapit ni Alexus ang maliit na bewang ng kaniyang asawa. Mia obliged and let him be himself towards her in public.
Sa kanilang kinaroroonan ngayon, maraming dumadaang tao, hindi rin maiiwasan na may mga mata ring halos dumikit na kay Alexus. Mia was not comfortable with all the attention that her husband got. Naiinis siya, to the point na gusto niya na lamang isilid sa sako ang asawa niya para hindi na pagkakanulo-an ng mga babae.
Aside sa nagka-feeling possessive siya towards her husband, may part din sa kaniya na proud maging asawa nito. Ayy, sino bang hindi?
Ang isang napaka-guwapong Monteiro at rare na mapulot ay pag-aari na niya ngayon. Mainggit na lang ang mainggit.
And when her husband sneaked his arms to her waist and glided her closer to him, her worries automatically flashed away.
A part from her worries, Alexus noticed how uncomfortable she was, kaya minsan niya ng pinagtuonan ng kaunting pansin ang nasa paligid niya.
"I'm yours, love. Only yours." He whispered to her ear before kissing her just above her ear.
Tagong napapairap at napapangiti si Mia, dahil nasa harapan pa naman nila ang mga magulang nito. Patago niya rin itong kinurot, hindi naman ito umigik o nagpakita ng affection sa ginawa niya, pero kagaya niya, Alexus was hiding that ghost smile as well.
Ang harot lang nila.
"Even if you do not remind me, son. Aalagaan ko pa rin ang Mama mo." Alexander was smiling all ears as he hugged his wife from the side. He looked at his daughter-in-law after. "Alagaan mo rin ng mabuti ang asawa mo, masyado na kayong maraming pinagdaanan kaya hangga't may oras bumawi kayo sa isa't-isa. Palakasin niyo pa ang pagsasama ninyo, dahil iyon ang sekreto tungo sa isang matibay na pamilya."
"Tama ang dad niyo, huwag niyo sanang pagdamutan ang mga sarili niyo ng oras." Sang-ayon naman ni Keileigh.
"Hindi bale ng masundan kaagad ang mga apo namin, tatanggapin naman namin at kung kailangan niyo ng mag-aalaga... Aba pwede kami kahit kailan niyo gusto ipaalaga sa'min." Dagdag pa ng ama ni Alexus na siyang ikinaawang ng bibig ni Mia. Hindi iyon biro, but the tone of voice was a kind of joke.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomansaHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...