"Anak, ano ba kasi ang nangyari?" Nasa kuwarto niya si Mia at tahimik na nakaupo sa gilid ng kama. Nakatingin lang sa labas, pinagmamasdan ang papalubog na araw.
"Bakit kayo nag away ni Alexus? Kanina naman ay okay pa kayo ng umalis kayo." may dalang tubig si Miranda at binigay ito kay Mia nang makalapit. Tumabi din si Miranda sa kaniya ng upo.
Wala sa sarili na nilingon niya ang ina at tinanggap ang ibinigay nitong tubig. Napabuntong hininga din siya at napapikit ng mariin. Napayuko naman pagkatapos. She felt really guilty. "Nagpunta kami sa shopping mall, Ma. Hinintay ko lang siyang matapops mag park tapos pagbalik niya ay nakita ko na lang na may kasama siyang ibang babae." kuwento niya sa mababang boses.
"Ah, kaya pala. Dahil sa selos." konklusyon ni Miranda sa naging kuwento ng anak sa problema nito. Hinawakan niya ang likuran ng anak at marahan itong hinimas. "Ayus lang 'yan anak, natural naman talaga ang may hindi pagkakaunawaan sa relasyon. Tiyaka, sabi naman ni Alexus ay hindi ka niya susukuan. Kaya huwag ka na masyadong mag-alala, okay?"
Muling napapaangat ng tingin si Mia sa labas. Kaunti na lang at lulubog na ang araw. "Sumusobra na ba ako, Ma? Masyado ko na ba siyang pinapahirapan? Panget po ba talaga ang ugali ko? Hindi ko alam, Ma. Hindi naman kasi mapigilan na magalit."
Napabuntong hininga si Miranda, sa loob ng kuwarto ay sila lang dalawa ang naroon, maliban sa kambal na natutulog. "Hindi naman, Anak. Pero hindi ko sasabihin na lahat ng ginawa mo ay tama."
"Bakit po, Ma? Ayaw mo pa rin po ba ang tipo ng ugali na meron ako?" she sound deadly disappointed to herself.
Marahan na napatawa si Miranda. Hindi niya in-expect na itatanong iyon ng anak. "Minsan ko na 'yang nasabi sa'yo noon na ayaw ko ang pag uugali mo, pero alam mo ang totoo, anak? Kagaya ng naramadaman mo ngayon, dala ng galit ay kayang manumbat ng tao ng kahit ano-anong salita para lang masaktan ang taong kinagagalitan mo. Subalit, hindi lahat ng galit ay kayang e judge ang isang tao. Marahil ay kagaya niyo ni Alexus? Imbes na magsiraan tungkol sa capabilities niyo as tao, pinili niyong pagtalunan ang isang paksa na malapit sa relasyon ninyo." mahabang litanya ni Miranda sa sinsero na tono ng boses. Inalis niya ang kamay sa likuran ng anak at hinawakan ang isang kamay ni Mia na nakapatong sa hita nito. "Sa isang hindi pagkakaunawaan, Mia. Alalahanin mong madadaan sa masinsinan na pag uusap ang lahat. Kausapin mo si Alexus nang walang kaakibat na galit. Dahil anak, marami ka ring dapat malaman kay Alexus. At sinasabi ko sa'yo ngayon, once na magkausap kayo ng masinsinan ay magagawa mo rin siyang maintindihan kung bakit siya gano'n tungo sa'yo."
Napalingon si Mia sa ina at napatingin sa magkahawak nilang kamay. Sa naging presensya ng ina, kahit papaano ay naibsan ang dinadamdam niya. Mula kasi kanina na umalis si Alexus sa bahay ay hindi na mapakali ang utak niya sa kakaisip kung saan ito nagpunta ngayon.
Kasalanan niya talaga ang nangyari. Tama ito, siya ang nag set ng rules and that gives him the freedom na makihalubilo sa iba. Hindi na rin siya magtataka kung magmahal man ito ng iba. Lalo pa't napakaganda ni Anna. Malayong-malayo siya dito, at kung titingnan siya ngayon, para siyang walang ka kulay-kulay na inahin.
Harsh noh? Pero 'yun talaga ang tingin niya sa sarili niya ngayon. Hindi niya matiis na hindi ma insecure. Kahit pa sa kabila ng over the top niyang confidence. Ito na nga yata ang pinakamabigat na pagsubok sa confidence niya bilang babae, kung noon ay hindi siya naniniwala sa dala ng fashion, ngayon parang gusto niya ng alagaan ang sarili niya.
Hayy, ano ba itong iniisip niya?
"Ma, may alam ka po ba sa mga nangyari kay Alexus noon?" umaasa na nagtanong si Mia sa ina. Umaasa na may alam ito.
"Mas makakabubuti kung tanungin mo siya, anak. Dahil kahit na may alam ako, wala din ako sa lugar na mag kuwento." tama nga ang hinala ni Mia. May alam ang mama niya. Kasi dati, kahit na hindi niya kasama ang mama niya, marami itong alam patungkol sa kaniya.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
Storie d'amoreHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...