Chapter 110

152 13 4
                                    

Pagkababa pa lang ni Mia sa escalator ang mga mata niya ay kusa nang rumerekta sa kinaroroonan ni Alexus. Kahit na no'ng naglakad siya papunta sa baby things' store ay panay hanap niya dito. Kung may mga pagkakataon man na hindi niya ito nahahanap ay para siyang mababaliw dahil hindi niya ito mahagilap.

Kahit na sabihin niyang, 'hayaan na nga lang,' it's as if nobyo niya ito or someone closer to her. Wala naman silang label, hayaan na lang na lumandi sa ibang babae.

Pero everytime na pinapakain niya 'yun sa kaniyang isipan, ay parang gusto niyang magpapadyak-padyak sa inis. Because she knew na hindi niya naman kayang panindigan ang mga bagay na 'yun.

Hayaan? That must be something na hindi niya kayang subukin na subukan.

Napabuntong hininga na lamang siya at sinubokan na lamang na pakalmahin ang kaniyang sarili, kaysa abalahin ang sarili sa kabaliwan niyang hagilapin si Alexus. Kanina pa siya ganito eh.

"Good noon, Ma'am." bati ng isang store staff. Isa itong malaking store na ang mga tinitinda ay para sa mga pambata.

"Good noon." nginitian niya ang store staff na bumati sa kaniya at nagtuloy-tuloy na sa loob.

"How can I assist you, ma'am? Bagong panganak po ba kayo?"

Nakangiting umiling si Mia, "Sort of? Mag isang buwan pa lang mula no'ng nanganak ako. Actually, kakabalik lang namin dito sa Pinas kaya I'm searching for baby stuffs na magagamit, dahil mostly sa mga gamit namin ay naiwan sa ibang bansa." mahaba niyang litanya. For at least, tinutulongan niya ang sarili na hindi muna ma distract sa isiping may kasamang ibang babae si Alexus.

"Ahh, I see. Kung gano'n po, tutulongan ko na po kayong mamili, ma'am." masaya nitong alok, "I'm sure our products here will be suitable to your baby." which is hindi naman tinanggihan ni Mia.

Una silang nagpunta sa crib section. "These are our available cribs as of the moment, ma'am. Kung gusto niyo naman pa ng hindi masyadong malaki na crib, ay meron din ho kami. There are also for twins' crib na double ang laki sa single one. May kasama pa siyang accessories, kagaya nitong table, mosquito quilt at laruan na binibitay-bitay."

May nakita si Mia na isang crib na kulay blue at pink ang kulay. Kung baga isang crib lang siya, ngunit ang kulay ay parang ice cream na may two in one dlavor. May quilt, may eating table, at laruan din. Mukha naman siyang matibay, maganda rin ang mga kagamitan na ginamit nito sa pagbuo.

"Nice choice, ma'am. Ito po ang limited edition twinning crib namin. Nag-iisa na lang po 'yan." ulat ng sale staff na kanina pa sumusunod kay Mia.

"Oo, nagagandahan ako." hindi niya matiis na hindi hawakan. Sa paghawak niya pa lang ay pumasok sa kaniyang isip ang imahe ng kaniyang mga anak na mamahinga sa crib na ito.

"Hindi po gaya ng ibang cribs natin dito, may additional freebie pa po 'yan na twinning lampein cloth at twinning pillows. If kukunin mo po 'yan, you'll be able to get those in one set."

Maganda naman talaga ang crib, pero pag tingin niya sa presyo, parang napapangiwi na siya sa sobrang mahal.

"Kukunin mo po ba, ma'am?" agaw pansin ng staff.

Napalingon si Mia dito at naiilang na ngumiti. "Uhm, pwede bang tumingin muna ako sa iba-"

Ngunit ang hindi alam ni Mia ay nakabuntot na pala sa kaniya si Alexus at Anna. Ni hindi niya na magawang matapos ang isinasalaysay niya nang pumaibabaw ang baritono at malalim nitong boses. "We'll be getting this crib."

"Okay, sir."

Awtomatikong napalingon si Mia kay Alexus, pero si Alexus ay kaagad siyang tinalikuran at likuran na lang nito ang bumungad sa kaniya. Naglalakad ito papunta sa ibang gawi kasama si Anna na hawak pa rin nito sa kamay.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now