Chapter 26

402 38 0
                                    

Sa dalawang araw na inilagi ni Mia sa hospital ay hindi naman siya gano'ng naburo, napapansin niya kasi na hindi madalas na ring umaalis si Alexus kaya't nilibang niya nalang ang sarili sa panonood ng lakorn drama. May subtitles naman kaya't naintindihan niya pero 'yung mata niya baba dito angat doon, buti hindi pa natutuliro ang mga mata niya at naaliw pa siya sa kakapanood ng romance na drama na pinaresan niya ng pag-kain ng grapes at sliced na mga prutas which is gawa ni Alexus bago umalis.

Nakakapagtataka nga lang kasi simula kahapon ay hindi na bumabalik ang mga kaibigan nito sa hospital upang dalawin siya. Though, hindi naman siya nag-aalala dahil malabong masaktan ang mga 'yun.

Isa pa, napag-alaman niya rin na naka-confine si Chance sa katabing silid, kaya nang matapos ang pinapanood niya ay bumaba siya sa bed niya at lumabas. Total ay wala na siyang dextrose at benda na dapat inda-in or akay-akayin.

"Gago! Ang panget ng disenyo niyo, gumagawa ba kayo ng Disney house, ha?" Hindi pa siya nakakapasok at kakatok pa lang sana nang bumukas marinig niyang nag-reklamo ito. Napagdiskitahan niya na munang tumayo sa pintuan.

"Palitan niyo! Mga gunggong, hindi ba kayo marunong mag search ng love design and portraits para sa taong surpresahin ang girlfriend niya?" Mukhang iritado ito at hindi niya naman alam kung sino ang kaaway nito.

[Walanghiya ka, Chance! Ikaw kaya dito!]

[Oo nga! Wala kang ibang alam kundi mag-reklamo, wala ka namang ambag!]

Sumunod naman ang tawa mula sa bibig ni Chance na mukhang natawa talaga sa mga kaibigan nitong nag-reklamo din sa ka-reklamadoran niya. "Oh, kasalanan ko pa ngayon? Buti nga at naging honest ako! Baka nais niyong ma misinterpret kayo ni Mia diyan?" Nakahilig lang si Mia sa pintuan at naiiling sa mga ito. Dinig pa nga niya ang boses ni Iuhence at Xerxes na mukhang na-buwesit ng bongga. Hindi niya alam kung ano ang initial na pinag-uusapan ng mga ito, pero narinig niya ang pangalan niya at parang may ginagawa ang mga ito na hindi niya rin alam. Napapakamot nalang siya sa kaniyang batok.

[Pota ka talaga, Chance! Umalis ka diyan sa hospital at ikaw na ang gumawa ng lahat ng 'to!]

[Hangal, nilaglag mo ang mga sarili natin Z! Tayo kaya ang nag-suggest ng tulong kay King!]

Pumaibabaw ang pilyong tawa ni Chance, lumakas pa nga iyon. "Kita niyo namang kaawa-awa ang tao, pagta-trabahoin niyo pa--hi! Mia!" hindi natuloy si Chance sa pagsasalita nang mapansin si Mia na pumasok.

"Narinig kita mula sa labas, mga kaibigan mo ba ang kausap mo?" Maligalig at makulit na pagtatanong ni Mia habang itinuturo ang pintuan saka mabilis na nakisilip sa cellphone.

[Ayy, yawa! Huwag niyo itutok ang camera diyan!]

[The fuck! Ilipat mo ang camera Dion, makikita niya ang ginagawa natin!]

Naging magulo ang camera at hindi maaninag ng maayos ni Mia ang nasa kabila. Naka-video call kasi ang mga ito. "Uy, anyare sa inyo?" Tiyaka siya nagtanong na may nangungunot na noo. Samantalang si Chance ay kinuha rin ang cellphone mula sa paningin niya.

"Mukhang busy yata sila, Mia. Kita mo naman 'yun." Sabi ni Chance sa kaniya na pangiti-ngiti, pinipigilang matawa. Siya naman itong nagkasalubong ang kilay.

"Gano'n?" Tipid niyang sagot tiyaka nagpunta sa lamesa ng silid ni Chance.

"Oo, hayaan na mo na muna sila. Dadating rin naman 'yun dito bukas para sunduin tayo." Oo nga't makakalabas na sila bukas. Grabe nabuburo na siyang magkulong sa kuwarto ng hospital nang walang ginagawa na makakapagpa-pawis sa kaniya. Hindi kagaya no'ng nasa bahay siya nila Alexus na parati siyang abala sa kusina, sa loundry o hindi kaya sa paglilinis. Ang takaw pa naman niya at puro higa at upo lang ang ginagawa niya simula no'ng makarating sila dito sa Paris.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now