Before the night reached it final second, the four idiots from the idiotic podium of Alexus's circle has arrived. Tulog na no'n si Monique at Mia sa kuwarto nang dumating ang apat. Tanging si Ace at Jeff nalang ang natitirang gising sa sala.
"Finally, nakarating na din tayo." Tila ba nakakahinga ng maluwang si Race nang diretsong umupo sa sofa. Gayo'n rin si Adam, habang si Raven at Reden ay diretso ang punta sa kusina at naghalukay ng pagkain sa refrigerator.
"Wala ka bang pagkain dito, Ace?" Reden questioned. Wala ba naman siyang nakikita sa lamesa na pagkain.
"Marami, naroon sa ref." Sagot ni Ace habang abala ang atensyon sa kuwentong pambata na pinapanood nila ni Jeff.
Sinarado ni Raven ang ref, "Snacks lang nandito. Wala bang ulam or some foods na makakabusog?" Bagsak ang mga balikat at maasim ang mukha. Panay pa ang pag-ngiwi dahil sa pangbubugbog ng bituka sa tiyan niya.
"Wala na. Ubos na." Si Jeff ang sumagot, nakahalukipkip pa rin sa inuupoan. Kani-kanina lanag ay hindi maampat ang utak sa kaka-isip. He's doomed! Totally doomed at a certain reason, ni hindi niya alam kung anong gagawin! He was shocked! Hindi niya inaasahan iyon.
"Kay malas nga naman, bakit hindi kayo nag order in advanced? Eh, alam niyo naman na dadating kami?" Maktol ni Reden. Wala na sa mood nang maupo sa isang silya sa dining.
"Gutom na ako, tang'na. How do we resolve this tiny sh't inside our stomach." Pabagsak na napapaupo nalang din si Raven.
"May pagkain naman diyan sa refrigerator, ano bang mali diyan?" Makahulogang wika ni Ace, saka napapatayo at napapakamot sa batok habang tinungo ang refrigerator. "May de-lata naman dito. Century tuna, corned beef na argentina. Ulam pa rin 'to, choosy pa kayo."
"Seriously? Papakainin mo kami niyan?" Hindi makapaniwalang komento ni Reden, samantalang si Adam at Race ay tulog na dala ng pagod.
"Do we even have a choice? Alangan naman gigisingin natin ang kusina ng hotel para lang sa inyu?" Sarkastikong pahayag ni Ace at sinarado ang ref. "Bahala nga kayo diyan, kayo naman ang gutom. Sisihin niyo ang mga sarili niyo na hindi nagbili ng pagkain sa fast food no'ng papunta kayo dito." sabay martsa papunta sa hagdanan ng penthouse.
"Hoy! Tanga ka ba? Walang estasyon ng fast food sa himpapawid!" Pamumunto ni Raven, dinuduro si Ace.
"Ayy, hindi ba kayo nag-kotse galing airport?"
"Abnormal ka, helicopter ang pinadala mo. Hindi kotse!"
Natawa nalang si Ace. Natatawa siya sa ekspresyon ng mga kaibigan ng pinsan niya na kaibigan na rin ang turingan niya sa mga ito. Tama nga ang kalkulasyon niya at myembro ito ng adult na may batang isip. Lakas maki-bangayan eh. "Paano ba 'yan? Nakalimutan ko. Should I apologize?" na binara pa niya ng pangbu-buwesit sa mga ito.
Mabilis na hinubad ni Reden ang sariling sapatos at ibinato kay Ace na mabilis din namang naka-ilag. Pero sabay na napa-pitlag si Reden at Raven nang tumama ang sapatos sa isang tao!
"Mia!" Si Ace ang unang nag react. Jeff held his gaze up and found Mia in daze. Kumunot ang kaniyang noo. "Ayus ka lang ba? Kamusta si Baby? Oh, sh't!" hindi pa nga nakasagot si Mia ay matalim na binalingan ni Ace si Reden. "Walanghiya ka, Reden! Tumingin ka naman sa pinagbatuhan mo! Fvck!" Hinawakan ni Ace ang tiyan ni Mia at hinimas-himas iyon. "Ayus ka lang ba, baby?"
Nagulat din si Reden at awtomatikong napapatayo. Gayo'n din si Raven. Pati yata ang dalawang kakatulog lang ay napapabangon.
"Bakit ka ba kasi umiwas?!" turo ni Reden kay Ace.
"Bakit ako pa ngayon ang may kasalanan, ha?" puna ni Ace. "Eh, ikaw itong pikon!"
Bago pa makapagsalita si Reden ay nakiki-apid na si Jeff. "Did you just mentioned about a baby?"
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...