Chapter 94

114 9 0
                                    

Mia's POV

Pagkagising ko ay hindi ko maintindihan ang tinitibok ng buong katawan ko. Masakit, ngilo at para akong kinakarate, lalo na sa tiyan.

Hindi ko rin alam kung ilang oras akong tulog, nagtagis ang aking mga ngipin pati ang aking mga talukap sa mata dahil tuwing gagalaw ako ay napakasakit!

Jusko, ano ba ang nangyari sa'kin?

Humugot ako ng isang napakalalim na hininga, saka tina-try na pakalmahin ang sarili. Habang nakapikit ay napahawak ako sa aking tiyan. Pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang hindi ko na maramdaman ang mga anak ko.

Napabalikwas tuloy ako ng bangon, "Ang mga anak ko!" sabay sigaw, sigaw na tipong kinakapos talaga ng hininga.

Ngunit, ang unang bumungad sa'kin...

"Wow, gising na si Mommy mga anak." si Ace na may kargang bata, at tinatawag niya itong anak.

Anong nangyari?

Napatingin ako sa aking tiyan, at sinilip ang ilalim ng aking duster. Habang ginagawa ko 'yun ay tawa naman ni Ace ang pumukaw sa'kin.

"Anong ginagawa mo, Mia?" natatawa niyang tanong. Hele niya pala ang bata.

Nangunot ang noo ko. "Sino ang batang 'yan?"

Mas napatawa pa siya ng malakas. Samantalang ako ay nakabusangot. Pero, habang nakatitig ako sa kaniya ng matagal ay unti-unting nagbalik sa'kin ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. At ng moment ko sa delivery room.

"N-Nanganak na ako?" habang sinasabi ko 'yun ay nakatuon naman ang mga mata ko sa batang karga niya. May pink itong lampein at may naka embroidered na pangalang Cassy.

Kusang nanubig ang mga mata ko.

"Oo, isang araw mahigit ka na ring tulog." marahan na sagot ni Ace sa'kin. Pagkatapos ay lumapit din sa'kin. "Heto na ang baby girl natin, gaya ng napagkasunduan natin, Cassy na ang ipinangalan ko sa kaniya."

Tinanggap ko si baby Cassy at hinele sa aking bisig. Grabe ang cute niya, namumula pa 'yung pisngi. Yung balat naman niya ay may pagka crema. "Hi baby, it's me, your mommy." bagama't tumulo ang aking mga luha sa sobrang pagkasabik.

Ang gaan niya at maliit. Mahimbing siyang natutulog, at hindi ko naman mapigilan ang sarili na mapagmasdan ang kaniyang mata, may pagka insik ito na tantya ko ay namana niya kay Alexus.

Ang kaniyang ilong naman ay matangos gaya ng kay Alexus. Matangos din naman ang ilong ko pero hindi gaya ng kay Alexus na matangos talaga.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi, at masasabi ko itong sa'kin nagmana. Maganda ang kurbata at may pagka mapula. Heart shape ito at ang liit din ng kaniyang mukha.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nadarama ko ngayon. Walang mapaglagyan, gayo'ng nasa bisig ko na si Baby Cassy.

Hindi ko na rin pinigilan na halikan siya at amuyin. "Ang bango mo anak." litanya ko.

"Shempre, si daddy ang nag-alaga eh!" Pag po-promote ni Ace sa kaniyang sarili. Natawa ako sa kaniya lalo pa't nag ala Mr Muscle pa siya. Ngunit, ang tawa ko ay napawi nang maalala ko na kambal ang mga anak ko.

"Nasaan si Jace?"

Nangunot naman ang noo ni Ace, kapagkuwan ay nagkasalubong. "Sinong Jace?" maintriga niyang tanong.

Inirapan ko siya, dahil daig pa niya ang nagseselos na asawa. "Jace ang pangalan ng baby boy natin. Huwga ka ngang praning diyan."

Agad siyang napangisi, sabay kamot sa batok.

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now