Kababalik lang ni Alexus sa Zytopia Empire nang wala siyang maabutan sa silid ng kaniyang kapatid. Bigla ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba at pag-aalala tungkol sa biglaang pagkawala nito.
Inihabilin niya kasi dito na hintayin siyang makabalik at huwag maglabas hangga't wala siya.
Ngayon ay hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Gayo'ng hindi rin siya pwedeng makita sa loob ng Emperyo. Delikado, lalo na kay Benroe.
Napahawak siya sa kaniyang sentido habang hindi naman siya mapakali na naglalakad-lakad sa puwestong kinatatayuan niya malapit sa kama.
Not until his eyes caught a piece of paper placed above the two seater dining table. Nilapitan niya ito at pinulot.
"Kuya, punta lang ako kay Mama. Titingnan ko siya kung maayos lang ba ang lagay niya. I also want to see my twin. If you're looking for me at kung sakaling hindi pa ako nakabalik, ay nando'n lang ako." - ito 'yung nakasulat sa papel.
Naikuyom ni Alexus ang papel, kasama na rin do'n ang papel.
"Damn, siguraduhin mo lang na walang masama na nangyari sa'yo ngayon." sambit niya sa sarili sabay silid ng nakusot na papel sa kaniyang bulsa. Wala rin siyang sinayang na panahon para mag stay sa silid ng kapatid at lumabas para sundan ito.
Just like before, maingat niyang binabaybay ang daan papunta sa kinaroroonan ng kaniyang ina, lumipas ang sampung minuto, ligtas siyang nakarating sa bahay, ngunit ang pintuan ay bukas nang kaniyang madatnan, bagay na ikinagulat niya at ikinabalisa.
Patakbo niyang tinawid ang kaniyang pagitan at ng bahay, pero pagkapasok niya sa bahay ay tanging ina niya lang ang nadatnan.
"M-Ma?" umiiyak ito nang kaniyang tinatawag. Sinusubokan na makawala sa rehas, kahit na masyado ng mahina.
"C-Czar?" sa reaksyon nito ay siguradong hindi nito inaasahan na makita siya.
Habol ng kaniyang paghinga si Alexus. "Pinuntahan ka po ba ni Keihzza dito, ma?" imbes na ipakita na nag panic siya, pinilit niyang maging kalmado dahil sa ayaw niya ring mag-alala ang kaniyang ina, subalit...
Humagulhol ng iyak si Keileigh nang tinanong siya ng kaniyang panganay na anak. Umiling siya habang panay naman sa pag-agos ang kaniyang luha.
"Bakit ma?" naguguluhan na tanong ni Alexus sa ina.
"P-Patawarin mo ako, anak..." in between her sobs, she apologized. Certainly, hindi maintindihan ni Alexus iyon.
Bagkus ay tsineck niya ang labasan at nang makita na walang tao ay naisipan na niyang kalagan ang kaniyang ina. "I'll get you out of here first, Ma. Itatakas kita."
Mabilis na kinalagan ni Alexus ang ina gamit ang dala niyang alambre, hindi niya kasi hawak ang susi sa nga rehas kaya self-made alambre key na lang ang ginamit niya.
"Ahh..." mahinang daing ng kaniyang ina nang hindi niya sinasadya na mahawakan ang pasa nito sa braso.
"Sorry, ma. Kakargahin na lang po kita." paghingi niya ng pasensya dito at kinarga sa kaniyang bisig niya.
Masaya si Keileigh na makita ang anak niyang si Czar, but that was not enough to fade her worries. At habang karga siya ng kaniyang anak sa bisig nito ay hindi niya maiwasan na mapatitig sa mukha nito.
Ngayon lang niya ulit naramdaman ang init ng panahon, nasisilaw siya dahil nga sa tagal ng pananatili niya sa dilim.
Malaki na si Alexus at mas nagiging mukha pang guwapo, macho at mature. That serious face of her son, hindi niya maiwasan na maalala ang kaniyang asawa. Dahil hawig talaga ito ni Alexander no'ng kabataan nito.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...