Kahit madaling araw pa ay umalis si Alexus nang hindi nagpaalam, binigyan lang niya ng tahimik na halik si Mia bago umalis para sa pakikipag sapalaran niya na mahanap ang kaniyang kapatid.
Ang hininging isang linggo ni Jeff ay hindi man lang naging isang linggo, kung baga tatlong araw lang.
Nagdadalawang-isip siya na maniwala, at baka trip lang talaga siya ni Jeff, pero habang binabalikan niya ang mga panahon kung kailan hindi siya nito binigo, ay nag uudyok sa kaniya na I push through na ito.
Ang Spartle Dynasty ay isang traditional na kaharian na tanging sa North Korea lang matatagpuan. Sa paglayun ng mga henerasyon, ay nanatili pa rin itong nakatayo.
Ang sabi, naitayo lamang ito sa maagang panahon ng 1990's, matapos ng pagkabagsak ng naunang imperyo na ngayon lang din napag-alaman ni Alexus.
Ang Zytopia.
Dala niya ang kaniyang duffel bag, na naglalaman ng scope, armas, paunang lunas, at tiyaka iilang damit at pagkain. Kung sakali man na gutomin siya.
Sumakay siya sa Ruse Classic Motorcycle na kaniyang binili, bago ito pinatakbo papunta sa nasabing emperyo, which is mag take ng dalawang oras na byahe.
Eksaktong pag bukang liwayway ay nakarating siya sa isang bayan na may mga sinaunang kabahayan, tianggean at iba pang klaseng pamumuhay na related sa mga luma.
Iniwanan niya ang motor niya sa isang parking space, katabi ng mga kariton at iilang sasakyan ng mga tagabuhat ng mabibigat na bagay.
Ikinawit niya ang bag sa kaniyang balikat at nagsimula ng maglakad, may iilang tao ng gising at abala sa kani-kanilang mga gawain. Halos lahat ng mga nakakapansin sa kaniya ay na weirduhan sa kaniya, lalo na sa pagdating ng kaniyang pananamit, kakisigan at ng kaniyang lahi.
Sa gwapo ba naman niyang ito ay himala na lang na walang mahuhumaling. Kahit mga matatandang babae ay ina-admire siya.
May iilan pang mga dalagingging na kagigising lang at hindi pa nakapag sipilyo at hilamos ay nagtutulakan na para lang agawin ang atensyon ni Alexus.
Samantalang si Alexus ay tuloy lang na naglalakad at naghahanap ng posible niyang matutuloyan habang napaparito siya sa bayan ng Spartle.
"Uhm, magandang umaga!"
Napatigil si Alexus sa kaniyang paglalakad nang may dalawang dalagita na humarang sa kaniyang daanan. Binati siya nito sa lengguwaheng makalumang Korean.
At dahil, lumaki si Alexus sa South Korea ng ilang taon, ay kahit papaano, naiintindihan niya ang lengguwahe nito.
"Magandang umaga." sabay tango niya sa mga ito.
"Naghahanap ka ba ng matitirhan? O kaya naghahanap ka ba ng tour guide?" lalakad na sana si Alexus nang muli naman siyang harangin ng makulit na dalaga.
"Kung naghahanap ka, makakatulong kami sa'yo, Sir!" sabi naman ng isa pa nitong kasama at nginitian siya.
Napapaisip naman si Alexus, at habang nagiisip siya ay may sumulpot namang iilang matatanda at bigla na lang siyang hinawakan sa braso na ikinagulat niya ng husto.
"Ahh?"
"May bahay panuluyan kami para sa kagaya mong turista, halika!" at para din kasi sa mga tao ng bayan na 'to, ay isang jackpot si Alexus. Dahil lingid sa kaalaman nila, mayayaman ang mga turista at bongga kung magbigay ng tip.
Wala ng nagawa si Alexus nang siya'y mapag-pyestahan. Basta ay pinagkukumpol-kumpolan siya ng maraming tao na nakakakita sa kaniya.
"Ito ang bahay na sinasabi ko sa'yo, sapat lang 'to sa inyo, lalo pa't nag-iisa ka lang naman." sabi ng matanda.
YOU ARE READING
WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO
RomanceHIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging...