Chapter 82

181 13 2
                                    

Sumapit ang gabi sa kaparehong araw ay matiwasay na nagbalik sa kaniyang mga trabaho si Alexus. Sa mga nakalipas na buwan kasi ay marami siyang naiwanan na trabaho, much more on their investments at farm business ng kaniyang mga kapatid. 

Kasalukuyan niya ring ka meeting ang kaniyang sekretarya na mula sa farm, ni re-report nito ang bawat detalye ng mga kaganapan sa farm simula ng absences niya. 

"Tungkol naman po sa pag import ng mga goods natin sa iba't-ibang rehiyon, Sir ay maayos na nai-deliver ang mga ito, so far wala pa naman tayong natatanggap na mga bad feedbacks at reklamo mga produkto natin." pahayag ng kaniyang sekretarya na ka-video call niya. "Ang sa farm naman, Sir ay maganda ang ani at tubo ng mga taniman natin. Dumadami na rin ang bilang ng ating mga niyog, rice fields, mga puno ng prutas at gulay. Nag propose nga po pala ang kabilang owner ng lupa sa farm natin Sir na ibebenta na daw nila ang lupa sa'tin." 

Napatigil sa kaniyang binabasa si Alexus at napatingin sa sekretarya niya, "Pumayag na si Mr Paradiang? Hindi ba't ayaw nilang ipagbenta ang mga lupain nila sa'tin?" ito kasi 'yung may-ari ng katabing lupain ng farm nila na masyadong strikto at ayaw ipagbili ang lupain nito no'ng una niya itong kinita sa isang meeting. 

"Yun na nga po Sir eh, ang balita ko ay na ospital ang bunso niyang anak at kinakailangan ng malaking halaga na pera para sa operasyon nito. Kaya si Mr Paradiang po mismo ang lumapit sa'tin upang ipagbili ang kaniyang lupain sa'tin." sympathetic naman ang sekretarya sa pag report ng rason ng client sa kaniya. 

Marahang napatango-tango si Alexus, "I see, I got it. Set up a meeting with Mr Paradiang by tomorrow, ikaw na ang aatasan ko sa pagbili ng lupa. Tungkol sa presyo at details ng lupain, send it to me right after the meeting para mapirmahan ko virtually." 

"Copy that, Sir. Babalitaan ko na lang kayo tungkol sa resulta ng agreement after mismo ng meeting." sambit ng sekretarya habang may isinusulat sa pad nito, ngunit, habang nagsasalita ito ay bigla namang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina. 

"Alexus!" 

Napaangat ng tingin si Alexus kay Jeff, sabay hubad ng suot niyang anti-radiation glasses. "Meeting adjourned, Miss Rosales. Goodnight." winakasan niya na rin muna ang meeting at sinarado ang laptop without leeting his secretary to bid her goodbyes. "Don't you know how to knock, Jeff?" malamig niyang sambit habang nililigpit ang mga files.

Humahangos na pumasok si Jeff, "That's not important now. You have to see this." at mabilis na nilapat ni Jeff ang sariling cellphone sa lamesa ni Alexus. "This is an event that happened today, your sister was seen here beneath the huge commotion. Look at that." 

Una ay ayaw niyang tingnan ang cellphone ni Jeff, pero nang marinig niya ang mga sigawan mula sa cellphone na may kasama pang iilang pagputok na hulma niya ay galing sa mga baril at iilang pasabog na bomba, ay napapatingin siya dito. 

"Ang 'The Belmonts' Enterprise ay nalugi sa negosyo dahil sa nakaraan nilang import goods at nag sanhi ng food poisoning sa mga taong bumili ng mga ito. Samantalang, umalis ang matandang Belmonte matapos ng kasal ng kapatid mong si Keihzza. From then on, siya na ang nagpapatakbo ng kompanya kasabay ng pag-aaral niya. At ang event na 'yan ay victory party para sa pag-ahon ng negosyo, unfortunately nangyari 'yan. Sinabihan ko na rin si Von na isaliksik ang nangyari sa likod ng komosyon."

Mahabang nagpaliwanag si Jeff at lahat 'yun nakuha ni Alexus. Nararamdaman niya na lang din ang sarili na malalaki ang hakbang na binabaybay ang daan palabas ng opisina niya at maging mismo sa bahay niya. 

"Ilang oras na ang lumipas mula ng mangyari 'to?" sumakay siya sa kaniyang kotse, mabilis naman na pumasok si Jeff s a front seat. 

"The event began at 3pm, the commotion began almost 2 hours ago." Nag seatbelt pa lang si Jeff nang biglang lumipad ang kotse sa sobrang bilis. 

WIFE CORPORATION: MIA KASSIDY BORROMEO Where stories live. Discover now