Chapter 1

3.7K 91 31
                                    

JANE's POV

"Hinay-hinay lang sa pagtatrabaho, Jane. Parang may sampung pamilya kang binubuhay ah."

Si Manong Edmund talaga. Hindi na natigil sa pang-aasar sa akin.

"Kailangan mag-ipon, Manong Ed. Malapit na ang birthday ni Lola. Aba! Dapat magarbo ang selebrasyon."

"Halla sige at 'yong darating na kotse e ikaw na rin ang tumingin. Suki natin 'yon."

"Areglado, Manong! Hati tayo sa tip. Haha!"

Teenager pa lang ako, tumatambay na ako dito sa talyer nina Manong Edmund. Nakikinood-nood lang ako dati hanggang tinuruan na niya ako ng mga basic. Dati, nagpapalit-palit lang ako ng mga gulong e. Ngayon nagtu-tune na ako ng mga kotse. Amazing! Haha.

"Hoy, Nano! Hahaha!"

Bueset 'tong si Brian talaga kahit kailan! Ihagis ba naman sa akin ang tuwalya niyang napakaasim na sa pawis! Anak siya ni Manong Edmund. Pareho kaming criminology graudate pero sa kasamaang palad ay hindi pa nakakapasok sa PNP. Sadyang, hindi yata naayon sa amin ang magandang kapalaran.

"Gago ka ba? Problema mo?"

"Meryenda tayo. Patapos ka naman na diyan 'di ba?"

"Wala akong pera." Masungit kong sagot saka ko muling binalikan itong nililinis kong motor. "Kita mo nang nagtatrabaho ang tao e."

"Libre ko nga. Malaki tip sa akin noong customer kanina e."

"Teka."

"Sus! Haha! Nakarinig lang ng libre."

E sayang din 'yon! Makakatipid ako sa araw na ito. Binalik ko na ang mga piyesa ng motor. Umaalburuto na ang tiyan ko. Bastos din talaga ang mga alaga ko. Nakakainis!

"Bossing Gors, okay na. Good as new na 'yan."

"Thank you." Inistart na niya ang makina. Ilang beses ding nirebolusyon. Tinetesting siguro niya kung swabe ang tunog ng makina. "Bilib na talaga ako sa'yo. Napaka-smooth ng tunog ng makita."

"Aba naman, Bossing! Alangang ipahiya ko si Manong Ed." Pagyayabang ko siyempre. "Irekomenda niyo po sa mga kumpare niyo itong talyer ha? Para more blessings! Haha!"

"Palagi naman. Oh ito tip. Thank you ulit, Neng."

Tumataginting na dalawang daang piso ang tip ni Bossing Goryo. Regular customer siya dito. Siya may-ari rin ng isang babuyan sa kalapit na barangay. Baka nakabenta 'yong nga malaki kya bigtime din ang tip. Sana more benta to come! Haha!

Nagpunas na ako ng kamay. Nasiksik na sa kuko ko ang mga grasa. Hay naku! Bale at dito ako kumikita kaya tiis-tiis na lang. Hindi na pala ako nahintay ni Brian. Bumili na siya ng dalawang litrong softdrinks at ilang supot ng tinapay. Siguro malaki ang kinita niya ngayon.

"Naks! Bigtime ah. May sugarmommy ka 'no? hahaha!"

Grabe siya kung mandiri. Nag-abot agad ang kilay niya e. Iniiwas pa ang pagkain sa akin.

"Hoy! Pahingi! Hindi na mabiro e. Sensitive mo naman parang pigsa. Haha!"

Sinitsitan na kami ni Manong Ed kaya tumigil na kami sa pambubueset sa isa't-isa. Hinablot ko nga ang isang tinapay. Spanish bread yata 'to pero hindi na gan'ong kasarap.

"Nano, ubusin mo 'yan. Baka tirhan mo pa si Lola Rosita. Ito sa kanya." Itinabi niya ang isang tinapay. "Bawal siya sa softdrinks 'no? Magtubig na lang siya. Criminal water! Haha"

Nilagay ko na sa sling bag ko ang tinapay. Mamaya bibili ako ng ilang sachet ng gatas para naman may panulak si Lola dearest. Habang wala pang customer ay sinamantala ko na ang pagkakataon para maghanap ng ibang pwedeng raket sa Famebook. 'Yong sa mga malalapit na lugar lang.

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon