JANE'S POV
Pinag-apura ako tapos tulog pa daw siya sabi ng kasambahay nila. Very good naman talaga! Napuyoko ako. Naisuporta ko ang mga kamay ko sa tuhod ko. Hindi ko na na-plantsa 'tong suit ko sa pag-aapura. Tsk! Mapawis-pawis na ang kililikili ko sa nerbyos habang nagmamaneho kanina ha. Wala rin palang saysay dahil issaprank lang ang lahat!
"Bumangon na siya kanina pero ewan ko. Bumalik sa kwarto e." sabi ni Ate Leony. "Ganyan 'yan si Ma'am. Hindi ikaw ang first time na na-prank."
Saktong lumabas ng bahay si Sir Paolo. Natuwid ako ng tayo. "Good morning po, Sir Paolo."
"Aga mo naman, Jane. 1:00 pa daw ang alis niyo ni Regina."
De nasabi ko na bakit ako maaga. Natawa pa siya e. Hindi naman ako nag-joke.
"She's doing it again. You'll receive an incentive kung makatagal ka ng one month, Jane. Kayo ni Asher."
"Weh? Hindi nga po?"
"Naku. Ganyan din noong nakaraan si Sir." Pagkumpirma ni Manang Leony. "Sa awa ng Diyos wala pang tumatagal kay Ma'am Regina."
"Laging may first time, Manang." Mayabang kong tugon. "Sayang din 'yong incentive. Cash po ba 'yon, Sir Pao? O benefits? Huwag niyo akong i-judge sir ha? Hindi ako mukampera. Nag-iipon kasi ako."
Okay. Nangiti si sir. Carbon copy siya ni Ma'am Regina! Mas mature lang si Sir Pao. Gawa na rin siguro ng edad.
"I understand. Kahit sino kailangan ng pera. And I heard from Brian, nag-iipon ka daw para sa lola mo?"
Tsismoso naman talaga niya kahit kailan!
"Ah. Opo. Magbi-birthday na kasi siya. Gusto ko siyang ipaghanda ng medyo bongga naman po."
"Ganoon ba? kailan ba ang kaarawan ng iyong lola?"
"November 20 po, Sir. Medyo malapit na rin."
Tumango-tango si Sir. "Huwag kayong padadaig sa kapatid ko. Then you surely can give her a great birthday celebration." Binigyan pa niya ako ng 500 pesos bago umalis. Danyos daw sa kalokohan ng kapatid niya.
"Ganito po ba sila dito? Laging may katapat ng pera?" usisa ko kay Manang. "Hindi ko naman hiningi kay Sir e."
"Naku, hija. Hiyang-hiya na si Sir Pao sa mga kalokohan ni Ma'am. Kaya ganyan. Ibili mo na lang ng kakailanganin mo. Saka tiyaga lang talaga, Jane. Sadyang pilya si Ma'am Regina."
"Yakang-yaka. Nagdala na nga ako ng extrang damit baka maisipan na naman niyang mag-super-overtime e."
"Oh, kumain ka muna. Baka topakin si Ma'am at biglang mag-aya. Baunin mo na rin itong sandwich. Sinasabi ko sa'yo iba ang toyo ng boss mo."
"Pang-pancit at adobo ba manang? Haha!"
"Adobong pang-baranggay kamo, Neng."
---
Walastik! Hindi nga nagkamali si Manang Leony! Wala pang ala-una e umalis na kami. Buti talaga nagpakabusog pa ako! Tutungo naman daw kami ngayon sa mall show ng The Clique. Ito 'yong kinabibilangan nina Rogue at Ava. Kinilig ako bigla!
Gagamit kami ng escalator. Naku si Ma'am! Kaiksi ng skirt! Marami-rami pa namang fanboys sa likuran namin. Hinubad ko ang blazzier ko saka itinakip sa likuran niya. Nasagi ko yata siya kaya siya napalingon. Umiwas ako ng tingin. Focus lang tayo sa work. Saka hindi ko pala siya bati kasi masyado niya akong maaga pinag-duty. Kasora!
Kahanay niya sa VIP seats ang manager ng grupo. Ako naman ay katabi niya sa kaliwa. Akalain mong binigyan pa ako ng isa pang trabaho. I-take note ko pa daw kung ano reaksyon ng mga manonood. Matindi talaga sa toyo itong si Ma'am. De sana nagdala siya ng secretary niya. Tsk!