Chapter 29: "Isa pang tawag..."

1.3K 65 44
                                    

HEARTLESS LOVE CHAPTER 29 #JaneDeLeon #JanellaSalvador #Darlentina #JaneNella #GL #WLW

JANE

Angganda nitong inihanda niyang date! Na-carried away pa ako sa pag-popropose niya. Kasi naman! Angsweet ng gaga.

First time ko magsabi ng I love you sa ibang tao ah! Tsk! Muntik pa ako mabulol sa pagbanggit ng pangalan niya. Tama ba 'yong ginawa ko? Pramis ko pa naman 'yong I love you ko e para sa majojowa ko. Gagi ka, Jane! Siyempre dapat may I love you, too. Pumirma nga pala ako na magiging jowa niya muna ako. Sige, counted na lang 'yon.

Bumitaw ako ng yakap kay Ma'am. Si Ma'am parang tanga, hindi naman lasing. Mukhang shock e. Ako nga yong shock sa dami ng surprise.

"Uy, bakit parang nakakita ka ng multo. I love you na nga. May name mo pa. Kulang pa ba? Huwag muna kiss. Hindi pa ako ready." Biro ko sa kanya.

"Ha? Wala. It's just new to me, I guess. Thank you. I forgot this." Tinanggal niya sa kwintas niya ang dalawang singsing na pendant. "Wear this ring, Jane. And isuot mo sa akin 'yong isa."

"Parang sobra naman na 'to."

Inabot niya ang kaliwang kamay ko saka isinuot sa ang singsing sa palasingsingan ko. "Uhm, I wanted to have the date engraved in it sana. Pero let's just make every day memorable. What do you think? Isuot mo naman sa akin 'yong isa."

De ginawa ko ang sinabi niya. Grabe! Totoo kaya 'tong bato nito? Sana puwet lang ng baso 'to!

"There! So, we're official na." Pinaglakip niya ang mga palad namin. "And it comes with a necklace. Para if you don't want to wear it, you can make it into a pendant. I'll give it to you later."

Anglaki na ng ginastos niya sa bakasyon na 'to tapos may singsing at kwintas pa. Ano ba naman siya? Sinenyasan ko ang nagbi-video na stop na pati 'yong mga tumutugtog.

"Ah pwede pong quality time na muna namin?" Nahihiya kong sabi sa kanila. "Don't worry na po. Okay na po."

Hinintay ko pang makaalis sila bago ko hinarap si Ma'am. Aba naman! Nag-busy-busyhan sa selpon!

"Ma'am naman..."

Hindi niya ako binigyan ng pansin. Naghalukipkip pa siya saka tumingin-tingin sa langit. "Ganda naman ng langit ngayon. I should have set up fireworks too. Sayang."

"Ma'am! Kinakausap kita e." Hay naku! Parang walang narinig! Alam ko na kung ano ang gusto niyang marinig. Gumaganti ha. "Regina..."

"Yes, Hon?" nakangiti pa siyang hinarap sa akin. "What is it."

"Tsk! Wala na ang video e. Magsungit ka na ulit. Bakit may ganito pa? Mahal 'to sigurado."

"Nope. Mura lang. May discount pa nga e. Let's try the inihaw na pusit na. I think masarap. Let's drink din. Pero konti lang. I don't want to make alaga."

Iniiba na naman niya ang usapan e.

"Naman e! Seryoso ako."

"Don't spoil the night, Jane. Serious din ako. Imagine this is a real date. Uhm, let's enjoy the rest of the night. Please?"

Angbilis din magbago ng mood niya pati expression niya.

"There's a church near. Let's offer a mass for our parents tomorrow. Let's bring some of the flowers. Hindi mo naman maiuuwi ito lahat."

Hay! Anglambot ko lang 'pag tungkol na sa mga magulang ko.

"Tikman mo 'tong streetfoods. Ginusto mo to e." May inis ko pa ring alok sa kanya.

"Have a seat then." Tinuro pa niya niya ang upuan ko. "Come on, Jane. We're on a date. Sisimangutan mo ang girlfriend mo?"

Parang bulang nawala nga 'yong bugnutin na Regina. Nagpapa-cute ba 'tong boss ko? Angas-angas ni Ma'am sa harap ng ibang tao pero heto siya feeling baby ah! Strong independent woman pero pa-baby! Diyos ko naman, Ma'am Regina!

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon