Chapter 58 - Bad Habits are hard to change

1.5K 79 107
                                    

JANE

Nagtaka pa ako na bakit may nakadagan sa binti ko. Loading ko naman masyado. Hello, Self! Katabi mong natulog ang girlfriend mo. Maingat akong humarap sa kanya. Ganda, gagi! Himbing ng tulog ano? Bawi ka muna, Hon. Siguradong marami kang stress dahil sa minicon.

Maingat akong bumangon. 4:30 pa lang ng madaling araw. Namamahay ang peg ko kahit ilang beses na rin akong natulog dito ah.

Tatambay muna ako sa kusina. Tinakasan na ako ng antok ko e. Akala ko maaga na ako. Mas maaga pala si Ate Leony. Haha! Nagpapainit na nga siya ng tubig.

"Ang-aga mo namang gumising, Jane. Hindi pa sumisikat ang araw e. Gusto mong magkape?"

"Ako na magtitimpla Ate Leons."

Inabot niya sa akin ang tasa na may mainit nang tubig. "Malapit na ang konsyerto. Siguradong stress ang mga boss niyan. Lalo si Ma'am Regina. Alam mo ba? Timing na timing ka talaga sa mga Vanguardia."

"Po? Bakit naman?"

"Naku! Noon e napakabugnutin niyan ni Ma'am Regina. Umagang-umaga pa lang parang dragon na. Pagbuga na lang ng apoy ang kulang."

"Talaga po?"

"Sus! Sobra! Saka congrats talaga sa inyo ni Asher. Tumagal kayo sa kanya. Achievement na 'yang isang buwan ha. Alam mo ba? may mga pinabugbog na bodyguard yan. Matakot lang sila. Matindi 'yan si Madam Regina talaga."

"Angdami mo pong sagap ng sesmes, Ate Leons. Baka naman meron ka din sa mga chics ni Regina?"

Ako na ang maisyu! Haha! Naisip ko lang baka may alam kasi siya 'no?

"Ito e hindi naman tsismis." Inilapit pa nga ni Ate Leons ang upuan niya. "Maraming nagkakagusto kay Ma'am. Pero hindi 'yan nag-uwi ng babae dito. Pero madalas noon uwi na lasing. Ihahatid ni Miss Cindy. Pero 'yong huling uwi niya ng lasing nag-away sila ni Ma'am Pauleen."

"Hmmm. Lalaki? Merong bumibisita sa kanya?"

Jusko, self? Bale kung maiinis man ako sa mga kakatanong ko e okay lang. Sa huli pa naman 'yon.

"Mayroon din. Pero hindi natutulog dito. Magagalit 'yong dalawang Pau." Natatawang sagot ni Ate Leons. "Pinakamasugid 'yong Alex. Tamo umabot pa sa demandahan! Haha! Boploks e. Buti nga nanahimik na."

"Grabe! Alam mo 'yon? Grabe ang radar mo talaga!"

"Kailangan alam namin 'yong mga ganong bagay-bagay. May listahan pa nga 'yong guard natin sa main gate kung sino ang mga ban dito e."

Parang sa opisina lang ni Regina pala. Biglang inilayo ni Ate Leons ang upuan niya at sumenyas na manahimik na ako. Tinuro niya ang pinto.

Paghihinalaan ko na talaga si Ate Leons na may third eye! Haha. Sakto ba namang pumasok si Regina. Nakasimangot e umagang-umaga!

"Good morning po, Ma'am Regina." Bati ni Ate Leons sa kanya.

"Morning." Lumapit siya sa akin saka sumandal sa mesa. "You up early. Why?"

"Hmmm? Kasi hindi na ako makatulog e. Nahihimbing ka pa ayoko namang gisingin ka kasi kailangan mo rin ng pahinga.?"

Olats si Ma'am! Haha. Bumuntonghininga na lang e. Pero inis ang tingin sa akin.

"Kape?" Alok ko na lang sa kanya. "Tea or me? Hahaha! Di joke lang. Ipaghanda na lang kita ng almusal mo. Maupo ka na lang dito. Ate Leons, anong iluluto natin ngayon?"

"Manang Leony, kausapin ko lang po si Jane saglit."

Paktay! Napainom ako ng kape nang lumabas na ng kusina si Ate Leons.

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon