Chapter 15- Emergency

1.2K 65 28
                                    

 JANE'S POV

Tuloy-tuloy sa kanyang opisina si Ma'am Regina. Ako naman ay sa station namin ni Asher magtatambay muna. Napansin ko agad ang tray ng biskwit at water dispenser.

"Nilipat na namin diyan, kasi gawain ni Ma'am Regina na utusan ang bodyguards niya sa pantry tapos tatakas siya." Natatawang sabi ni Lexi. "Aja! Huwag kang magku-quit!"

"Salamat."

Sinampolan ko na agad ang dispenser. Magtitimpla muna ako ng kape. Konting amoy sa aroma, limang minutong tulala. Nag-ooverthink tuloy ako sa mga nalaman ko kanina. Paano na lang kung trip lang ni Ma'am Cindy si Marco? Paano na lang ang mga sikmura namin ni Pareng Brian? Wala sa sarili kong napahawak ako sa tiyan ko. Naalala ko kasi 'yong mga gabi hanggang madaling araw na inuman.

Hoooh! Biglang feeling hang-over ang sikmura ko. Higop muna ng kape. Magbubukas pa sana ako ng biskwit nang may dumating na delivery. Hinahanap si Ma'am Regina.

Itinawag ito ni Lexi kay Ma'am. Ako ang pinaharap niya sa delivery boy. Ako na rin ang pumirma. Gusto pa ng picture e. De pinagbigyan ko. Mukhang ako tuloy 'yong receiver. Dapat serious ang face para bodyguard na bodyguard ang dating.

"Kanino daw galing?" tanong ni Ma'am Regina pagkapasok ko sa opisina niya.

"Wala pong sulat , Ma'am."

"Throw it."

"Okay po." Madali akong kausap. Siyempre, itatapon ko 'to agad. Kapansin-pansin na parang may malalim na iniisip si Ma'am Regina. Kunot ang noo nitong nakatutok sa kanyang computer.

"Damn it. Ayaw nila de huwag." Nag-angat ng tingin si Ma'am. "Anong tinatayo mo pa diyan? Pinapatapon ko na 'yang bulaklak 'di ba?"

"Okay lang po kayo, Ma'am?"

"Ano bang trabaho mo?"

"Bodyguard niyo, Ma'am. Dapat i-sure ko na okay kayo. Sa lahat ng oras."

Ano bang sinabi kong mali. Parang mas nabueset pa siya.

"Custodio, ang trabaho mo protektahan ako kapag may nagtangka sa buhay ko. Other than that, wala ka nang pakialam. Hindi tayo magkaibigan para itanong ang ibang aspeto ng buhay ko."

"Nandoon na ako, Ma'am. Pero paano kung sa sobrang stress niyo tumaas ang blood pressure niyo? O kaya maputukan kayo ng ugat? E de deads din naman kayo. Kargo ko pa rin po 'yon."

"Go out!" sigaw na naman ni Ma'am. "Don't enter my office until ipatawag kita."

Paatras pa akong naglakad kasi baka anytime e batuhin niya ako ng kahit anong madampot niya. Hay! Itong boss ko napakataas ng bp lagi. Parang magiging dragon na.

"Itapon na daw 'to." Sabi ko kay Lexi. "Lagi bang nagpapatapon si Ma'am ng bulaklak?"

Tumango siya. "Usual na 'yan. Hindi siya tumatanggap ng kahit anong regalo."

"Kahit chocolate mula sa manliligaw niya?"

"Yep. Pinapamigay niya sa amin. Parang angtagal na rin noong may mga pachocolates. Sayang."

"Sama mo ako sa hatian 'pag may pasokoleyts ha?" biro ko pa sa kanya. Pero seryosong biro 'yon. Sayang din! Haha!

Nagitla ako nang bumukas ang pinto ng opisina ni Ma'am Regina.

"Lexi, ipatawag mo ang members ng Clique. We're terminating their contract."

Nalungkot ako bigla! 'Yong favorite girlgroup ko!

"Balak mo bang iuwi 'yan, Custodio?"

"Po? Hindi po. Nangongolekta lang ako ng basura para minsanan ang tapon. Amin na 'yong trash bin mo, Lexi."

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon