REGINA
It's thirty minutes passed 6:00 in the morning. Jane is still in deep slumber. Should I consider myself lucky 'coz she let's me sleep here with her? I really don't know! The temptation is just next to me. Hay, Regina! Maging masaya ka na lang na hindi na siya galit sa'yo.
She moves and faces me. "Morning." God! That voice! She puts her palm on my cheek and pinches it. "Natulog ka ba?"
"Ahuh. A little bit difficult kasi you're hugging me and you know?"
Nagmulat na siya. Lahat na lang yata ng gawin niya natutuwa ako kahit paghikab lang at pagtatanggal ng muta. God! What have you done to me, Jane?
"Hmm. Anong gustong almusal ng baby na 'yan? Gusto mo ba ng tinapay? Magra-rice ka ba?"
"Jane, I love you."
She stares at me. She then smiled. "Ganda ng gising mo siguro. Masaya ka ba?"
I nod. "Waking up next to you, sobrang saya ko."
"De pumalakpak ka? Hahahaha! Joke lang!"
God Jane! Mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ko 'coz yeah. Papaluin ko talaga siya sa braso sa kalokohan niya! I was damn nervous and close to crying kagabi tapos ganon pala 'yong karugtong ng sinabi niya?
"Haha! Regina! Itsura mo naman. Kalma! Huwag masyadong seryoso. Umagang-umaga e. Bangon na ako. Iinit ko 'yong pancit. Masarap na palaman sa tinapay 'yon."
"But it's too early pa, Hon." I'd love to hug her pa kasi. Kung makakalusot pa. "Please? Five minutes?"
"Masyado ka nang ma-swerte naman, Regina. Nanliligaw ka pa lang niyan ha? Bangon na ako. Ihahatid pa kita sa VE e."
Tuluyan na nga siyang bumangon. She messy buns her hair before tinupi ang kumot.
"You gonna watch my rehearsal? Or si Gigi ulit ang sasamahan mo?"
"Si Miss Gigi ulit. Doon lang naman sa VE ang rehearsals niya. Pwede kitang bisitahin or pwede mo akong puntahan. Balwarte mo 'yon. Huwag kang kabado bente. Haha!"
"Jane! Hindi joke lang pagseselos ko sa pinsan ko ah. Parang ginagawa mong katatawanan naman." Simangot ko sa kanya. "Nakaka-paranoid kaya."
"Hmm. Anong magagawa ko ba doon? Uhm, magselos ka lang para mas mahalin mo ako. Pabor sa akin 'yon. Haha! Biro lang. Bili tayo ng kape mamaya."
She's impossible naman talaga oh. Sinundan ko siya ng tingin papalabas ng room. Hmm! Gusto kong ilipat sa likuran 'yong funmeal toy na binibigay ni Brian. Tsk! Naiinis ako na naman ha. Kaso baka mahalata naman niya.
Teka, I don't have picture here sa room niya! Uhm, wait. I think I have something sa wallet ko. Lemme check on it. Alright! Here! This is taken a few months ago lang. I think I'm still pretty naman dito. I put the picture sa frame sa side table niya. Ininsert ko lang sa harap. Like nakasingit lang talaga siya.
There, now I feel like a real member of the Custodio family. Probably gonna bring another pic 'yong magkasama naman kami.
My phone rings. It's Kuya Pau.
"Kuya, why?"
"How are you, bunso? Just checking on you. Na-kwento ni Pauleen 'yong incident between you and Blaire. How can I help you? We can file a case if you want."
"Kung uulitin pa niya Kuya Pau, magpa-file na ako. Nandito ako sa house nina Jane. Kuya, si Gigi kasi."
"What about her?"