Chapter 12: Reign

1.3K 61 59
                                    


JANE'S POV

Every gising is a blessing! Morning selfie muna sa akin bagong selpon. Post ko nga agad. Wala akong maisip na caption.

"Good morning ebrebadih." 'Yan okay na 'yan.

May naririnig akong kausap si Lola. Babae e. Kaaga-agang tsismosa naman n'on. Matingnan nga. Mukhang pamilyar ang boses nga.

"Angsarap po ng sangag!"

Natigilan ako sa may pintuan. Si Ma'am Reign!

"Oh, apo. Ano ka ba naman. Nakakahiya sa boss mo. Ikaw pa talaga ang sinundo."

"Ho? Sundo? Saka hindi po si Ma'am Reign ang boss ko, La. Bakit po kayo nandito Ma'am?"

"Hindi ganyan ang pakikipag-usap sa Boss mo, Apo."

Aray naman! Nakurot pa ako ni Lola! Anggrabe namang gigil 'yon! Napaigtad ako e!

"Okay lang po, Lola. Hindi po naabisuhan ni Dad si Ate Jane e. Kasi ako lang napumilit pumunta dito ngayon. Wala po kasi akong ginagawa. Bored po ako sa bahay."

Dumulog na ako sa hapag kainan. Hinahaplos-haplos ko ang tagiliran ko. Siguradong pulang-pula ito. Si Lola naman kasi.

"Nagsabi po sana kayo na pupunta dito. Hindi ako nakapaglinis."

"It's okay, Ate Jane. Hanggang kailan po ang day off mo?"

"Hanggang bukas pa."

"May gagawin ka po ngayon?"

Papasyal sana sa talyer at magsa-sideline. Haha! Pera is life e.

"Kung may iuutos po kayo ay ika-cancel ko na lang."

Parang umaliwalas ang mukha niya. "Gusto ko pong matuto magluto. Magpapaturo po sana ako kay Lola Rosita. Pwede po ba ako dito muna ngayong araw?"

Napatingin ako kay Lola.

"Ano bang gusto mong matutunan, Hija?"

"Pancit po saka 'yong lumitaw. Natikman ko sa canteen ng friend ko e."

Natawa ako sa lumitaw e. haha! "Baka palitaw ang ibig mong sabihin." Pagtatama ko sa kanya. "Tamang-tama pupunta ako sa palengke. Bibili ako ng ingredients."

"Lola Dearest! Good morning!" Anglakas ng pagkakabukas at pagkakasara ng gate. Siguraong si Brian 'yon. Rinig na rinig pa ang mga yabag niya sa hagdan. "Jane! Ja—"

Gaya ko ay natigilan din siya nang makita si Ma'am Reign.

"Wala ka talagang palya. Upo ka na dito." Tinapik ko ang bakanteng upuan sa tabi ko. "Gulat ka 'no? Ako din e."

"Ah. Good morning Ma'am Reign. Napasyal po kayo."

Parang biglang naging si Ma'am Regina ang expression ni Ma'am Reign. Kunot ang noo niya e. Magtiyahin nga sila.

"Boyfriend mo ba si Kuya Brian?"

Nagkatinginan kami ni Brian bago natawa. Haha! "Ito si Pigsa? Hindi 'no! haha!" Nandidiri kong sagot. "Magkababata kami."

"Parang ampon ko na 'yan si Brian. Mula pagkabata e mas madalas dito mag-almusal 'yan." Sabad ni Lola. "Mukha ba silang magkasintahan, Hija?"

Tumango si Ma'am Reign. "A guy doesn't barge in a girls house ng this early po e."

"Naku Ma'am, angsarap po kasi magluto ng almusal ni Lola Dearest kaya nakikikain ako dito."

"Kahit 'pag may boyfriend si Ate Jane?"

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon