Chapter 40 - "De okay, Be happy!"

1.4K 74 43
                                    


JANE

"Akala ko ay kasama mong uuwi si Regina ngayon." Bungad sa akin ni lola pagkadating ko. "Kumusta si Fifi? Nagbait ba siya doon?"

"Sa sobrang bait natulog lang! haha! Nagtatampo na ako, Lola ha. Si Regina na lang lagi ang bukambibig ninyo. Ako 'yong apo niyo, 'La. Paalala lang."

"Naku! Bakit ka ba nagtatampo? E kasintahan mo naman 'yong hinahanap ko. Kanina kasi e kausap ko. Nalulungkot daw na uuwi ka. Parang ayaw ka nang pauwiin e."

"Ho? Hindi nga. Ini-echus lang kayo n'on 'La."

---

Tambay na muna ako sa aking favorite spot sa aming bahay—sa bintana habang nagkakape. Angsarap ng kape! Nakakatakam itong mga foods na dumadaan sa feeds ko. Ini-screenshot ko 'yong mga gustong-gusto kong tikman.

Tsk! Panira ng moment 'tong si Miss Blaire. Nagsend na naman ng throwback nila ni Ma'am. Akala nito? Papatulan ko siya? May pa-message pa siyang maagaw daw niya si Ma'am sa akin.

Seenzoned ampucha. 'Pag papatulan ko 'to e mas lalong lalakas! Haha. Neknek mo, ano po? Pinusuan ko pa nga lahat ng sinesend niya. Haha!

Makapag-picture nga kasama ang kape. At may naisip na naman akong kalokohan. Masuka-suka na siguro si Ma'am sa mga kakornihan ko. Haha!

Pinili ko 'yong konting sideview para konting tangos.

"Sarap ng kape! Pero mas masarap ang Kape-ling ka..."

Ita-tag ko ba siya? Huwag na lang nga. Patahimikin ko naman ang notifications niya nang very light for chudey's bidyoh. Post!

Binalikan ko ang mga pictures na sinend ni Sir Dex. Anghusay noong photographer! Anglinaw ng mga kuha. Ganda ni Madam oh. Ay mayroong shot na nakatingin ako sa kanya. Ano bang mina-marites namin dito?

"Ate Jane! Nakita mo na 'yong bagong selpon ni Kuya Bri? Angganda kamo!" Pinakita ni Ding ang post ni Brian.

Ito 'yong nabanggit ni Sir Ruru na selpon. Tapos si Ma'am ang nag-sponsor n'on. Teka! Teka lang! Nag-throwback sa isip ko 'yong gusto ni Ma'am Regina na palitan ko ang selpon ko.

Halla! Pucha! Hindi kaya OA lang ako mag-isip? Angbabaw naman n'on kung 'yon ang rason. Saka ako lang 'to. Haha!

Inis siya kay Brian kasi pareho kami ng selpon? Ah! Anglabo! Walang rason para mainis siya kay Brian e.

---

Patulog na ako nang mag-notif ang CooCoo App. Isa ito sa mga papasikat pa lang na livestreaming app. @ReginaVanguardia is inviting you to watch her live...

Teka! Anong oras na ba? Mag-ala una na! Team puyat talaga! Gumawa ako ng dummy account. Hihi. Okay game nood!

Tawsan-tawsan ang viewers niya e wala naman siyang ginagawang tama. Char! Nagkakape lang naman siya. 'Yong mga comments naman oh. Name-mention 'yong post ko. Tapos may inaaya si Ma'am sa coffee date. Hindi ito updated!

Angdami namang proposal sa comment section! 'Yong iba mga influencers rin—verified pa with millions of followers din. Tapos hindi kayo aware na may gelpren 'yan pinopormahan niyo?

"Regina, kailan kayo magbi-break ng girlfriend mo?"

Pagkabasa n'on ay sumimsim ng kape si Ma'am. "Why? I don't really get it. Bakit may mga nag-aabang na maghiwalay kami. Like, guys, happiness ko 'yong gusto niyong mawala. Are you even real?"

Naks! Pang-pageant ang sagutan ni Madam Vanguardia! Lakas!

"Hindi kayo bagay n'on! Kilala ko 'yon. Kanto girl lang..."

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon