Chapter 10

1.2K 68 22
                                    

 JANE'S POV

"Sir, ligwak na ba ako sa trabaho? Bakit hindi ako magdu-duty ngayon?" Alalang-alala ako pagkagising ko tapos ang nabasa ko ay hindi ako magre-report ng tatlong araw. Kaya tinawagan ko agad si Sir Ali. "Sir, sorry na po. Kailangan ko po ba gumawa ng sorry letter? Medyo badtrip kasi si Ma'am Regina sa akin e."

"Maghunosdili ka Custodio. Mayroong biglaang out of the country sina Miss Regina at Rudolf kaya mga superiors ninyo muna ang kasama nila."

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko talaga jobless na naman ako. Na-imagine ko na ang mga motor at kotse na aayusin ko para makadiskarte ng pera.

"Kumusta si Miss Regina sa'yo?"

At wala na nga akong naitago kay Sir Ali. Kinwento ko na lahat ng kinainisan ni Ma'am. Ewan sa kanya bakit tatawa-tawa pa siya e, naiiyak na ako dahil malapit-lapit na akong mawalan ng trabaho sa mga tingin ni Ma'am.

"Kaya pala mainit ang ulo e. Kaya mo pa ba ang ugali ni Ma'am?"

"Siguro po. Balitaan ko na lang po kayo kung malapit na akong mabaliw."

Tinawanan lamang niya ako. "Oh siya. Magpahinga ka na muna. Siguradong pagbalik ng magkapatid ay hindi ka na naman magkakaroon ng day off. Usually, maraming backlogs sa trabaho si Ma'am Regina."

"Copy po!"

Binabaan na ako ni Sir Ali ng tawag pero hindi pa rin natatanggal ang image caller niya sa screen.

"Jane, kain na." Tawag sa akin ni Lola.

Ni-restart ko ang selpon ko pagkadulog ko sa mesa. Angtagal! Inalog ko ito ulit.

"Ano ba 'yang ginagawa mo? shake-shake to win ba 'yan?"

"Si Lola, kakanood mo ng tv 'yan." Biro ko sa kanya. "Nagha-hang na kasi itong selpon ko. Naku alam niyo ba, kahapon, hindi ito makapag-rush ng trabaho. Haha! Stuck e kailangan ko ng screenshot ng trending."

Yan. Okay na. Nag-flash na ang picture namin ni Lola kasama si Fifi.

"Lola dearest! Jane! Yohoooh!!!"

"Sumasakto talaga lagi sa almusal si Brian." Natawang sabi ni Lola.

Dumungaw ako sa bintana para kawayan na siya. "Pasok! Wala ka namang hiya! Hahaha!"

May dala siyang mainit na pandesal. Pasalubong daw niya kay Lola.

"Sakto talaga ako lagi. Para kasing naamoy ko itong tocino sa bahay e."

"Anglayo ng bahay niyo dito, hoy. Mauubos na ang amoy ng tocino sa mga madadaanang bahay bago pa makarating sa inyo. Ang sabihin mo, na-late ka na naman ng gising at wala nang tirang almusal para sa'yo." Pang-aalaska ko dito.

Kapal ng mukha! Kumuha na ng sariling plato at kutsara. Nagsalin na rin siya ng mainit na tubig.

"Kumusta ba ang trabaho ninyong dalawa?" tanong ng lola. "Parang angsaya mo, Brian. Itong si Jane e parang pinagbagsakan ng langit ng lupa."

"Cool kasi ang boss ko, La. E si Jane? Lampas langit ang kamalditahan."

"Inaapi ka ba, Apo?"

Umiling ako. "Hindi po, Lola. Huwag niyong paniwalaan 'yan si Brian. Mabait naman si Ma'am. Hindi ko pa lang nahuhuli ang kiliti."

"Imbitahan mo dito minsan. Nang matulungan kita."

Natawa itong si Brian. "Lola naman. Paanong tulong naman? Hindi nga 'yon nakakausap nang maayos. Laging galit, laging nag-aabot ang kilay. Sa mga kapatid lang siya mabait."

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon