JANE
Siguro ay nasa bente kaming trainees. Tatlo lang kaming mga babae. Familiar ang mga mukha ng mga kasama namin. Mga kasamahan namin sila sa academy. Kinakabahan na nga ako dahil sila 'yong mga itinuturing na crème of the crop! Kami ni Brian ay mga aliping sagigilid lang kung ihahanay sa kanila.
"Custodio, may problema ba?" tanong ni Sir Phonse. Siya pinakalider ng mga moonshine. "Namumutla ka. Magku-quit ka na ba?"
"Sir, no sir!"
Nagtungo siya sa harapan ko. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, pabalik.
"Huwag kang magpakita na naiintimidate ka sa iba, Custodio. Understood?"
"Yes, sir!"
Alalahanin ang goal, Jane! Five-digit na sweldo para sa magandang bukas! Huminga ako nang malalim. Focus! Focus!
---
Tangina! Gusto kong isigaw 'yan with feelings. Sobra-sobra 'yong pagod ko ha. Ni-refresh kami sa mga pagdi-disarm ng kalaban. Hindi ko pa naman limot pero 'yong paulit-ulit naming ginawa na may kasama pang self-defense ang nakakaubos ng energy!
Hapong-hapo nga din 'tong si Brian pero parang punong-puno ng motivation ang pagmumukha. Ngiting-ngiti pa e!
"OA ka pa sa inspired." Pansin ko sa kanya. "Ngiting-ngiti yern?"
"Alam mo kasi, ito na 'yon e! tingnan mo ha? nagti-training pa lang tayo pero may allowance na. Saan ka pa nakakita ng ganoon. Good as hired na ang feeling."
"Ang feeling. Hindi pa talaga hired." Pagkontra ko sa kanya. "Saka pagpipilian pa tayo. Tingnan mo mga kasama natin. Anggagaling nila oh."
"Gawin lang natin ang best natin. Adik ka talaga. Huwag kang panghinaan ng loob." Sinuntok pa niya nang marahan ang braso ko. "Malakas ang instinct ko, maha-hire tayo."
"Weh? Manifesting 'yan?"
"Oo naman! Apir tayo diyan. Para sa pera! Pampapogi at pampaganda! Haha!"
Nag-highfive pa nga kami saka muling bumalik sa pagsasanay. Idadaan ko na lang sa ointment ang lahat ng muscle pain pagkauwi!
---
Uwing-uwi na ako e! Kaso naman nagyaya sila ng team dinner. Tsk tsk. Dumating kasi itong kaibigan ni Sir Phonse at pamangkin niya. Very generous niya na lahat kami ay iti-treat niya. Dati rin daw siyang bodyguard pero nag-level up na. Nakapangasawa ng mayaman. Itong si Brian ang nagtsismis sa akin kanina lang.
Sa isang resto sa loob ng mall ang napagbotohan. Hindi naman ako bumoto. Sabi ko lang kung saan ang gusto nila. Mas gusto ko pa nga na magsiuwian na lang kami e. Panay ang check ko sa relo ko. Natawagan ko naman si Lola na late akong uuwi pero nag-aalala na ako. Alas-otso na! Baka hindi pa 'yon kumakain.
"Angtahimik mo yata, Custodio," pansin sa akin ni Sir Ali.
"Inaalala ko lang po ang lola ko."
"Wala ba siyang kasama sa bahay?"
Tumango ako. "Kaming dalawa na lang po ang magkasama. Ayaw ko rin pong ipagkatiwala siya sa mga ibang apo niya. Baka mas mag-alala po ako."
"Paano na kung ma-hire ka? Sinong priority mo? Ang kliyente o ang lola mo?"
"E de pareho po." Sagot ko agad. "Palagi ko lang ia-update ang lola. Basta dapat alam niya kung nasaan ako. "E hindi pa naman ako naha-hire sir kaya hindi ko pa ino-orient si lola." Nahihiya kong sagot saka ako napakamot sa ulo ko kahit hindi makati.
"Busog na ako. Maglibot-libot muna ako. Gusto kong bumili ng libro." Sabi n'ong pamangkin niya. "Pwede ba akong samahan ni Ate Jane?"
Huh? Bakit ako?
"Pero hindi pa siya tapos kumain." Saway ni Sir Ali sa kanya.
"E okay lang po," kako naman saka uminom ng tubig. "Halika na po kayo, Maam. Baka magsara na 'yong bookstore e."
Isinukbit ko ang bag ko saka ko sinundan palabas ng resto ang pamangkin ni Sir Ali. Hindi ko nga pala alam ang pangalan niya. Haha!
"Saan po ang magandang bookstore dito?" tanong niya. Anggalang naman ng batang ito. Bihira na sa teenager ang magalang ha. Well, kung ikukumpara naman sa mga teenager doon sa lugar namin na namamakyu e di hamak na mas mabait itong si Maam.
"Sa fourth floor po, Maam."
May kalayuan ang kinaroroonan ng elevator. Parang bawat store na madaanan namin ay tumitingin siya. Nasa tindahan namin kami ng sapatos. Nagsusukat siya. Napansin ko naman ang dalawang lalaking panay ang tingin sa kanya. Aba! E hindi sila mukhang teenager para magka-kras kay Ma'am 'no. Mukha silang mga goons na walang mabuting hatid. Nilapitan ko si Ma'am.
"Okay ba 'to sa paa ko?"
"Opo, Maam. Bagay po."
Ura-urada niya itong binili! Lumipat naman kami sa boutique. Ang sabi niya bookstore pero parang shopping galore ang nagaganap. Napansin ko ulit 'yong dalawang lalaki. Nagsusukat rin sila ng mga damit pero panay ang tingin kay Ma'am tapos nagse-selfone.
Agad kong dinukot ang selpon ko saka tinext si Brian. "Uy, sabihin mo kay Sir Ali may sumusunod sa amin. Kanina pa e. Ayokong maging judger pero parang trip si Ma'am."
Tatlong beses kong sinend para sure na mari-receive niya. Hindi na rin ako lumalayo kay Ma'am. Gusto ko sanang sindakin 'tong dalawang kumag e kaso baka maling hinala lang ako. Mabaliktad pa ako. Haha!
Nang pumunta sa fitting room si Ma'am ay nakabantay pa rin ako sa labas. Hindi pa rin umaalis ang mga kumag ah! Sukat-sukat pa kayo ng tshirt pero panay ang sulyap sa kinatatayuan ko? Nag-ring ang phone ko. Si Brian. Agad ko itong sinagot. Pero si Sir Ali ang nasa kabilang linya.
"Sir, nandito po kami sa Sharaia. Nasa fitting room po si Ma'am."
"Okay. Papunta na ako diyan."
Binaba na niya ang call. Saktong lumabas ng fitting room si Ma'am. Umikot-ikot siya para ipakita sa akin ang fit ng dress.
"Bagay din po. Bagay doon sa shoes na binili niyo kanina."
Pinihit ko na siya paharap sa fitting room. "Magpalit ka na, Ma'am. Papunta na ang Tito mo dito."
Gustuhin ko mang lapitan 'yong mga nakakasorang totoy ay hindi ko naman pwedeng iwan 'tong si Ma'am. Baka may iba pang kasama 'yong mga stalker e. Naku! Dapat advance tayong mag-isip.
Nang dumating si Sir Ali ay parang pasimpleng umalis iyong dalawa. Sabi na e! Bad people sila!
"Si Reign?"
Ah Reign pala ang pangalan niya. "Nasa loob po."
"Reign, are you okay there?"
"Yep! Wait lang."
Lumabas na nga siya. "I'll buy this one. Tapos 'yong iba-ibang kulay pero same design. Bakit namumutla ka, Ali?"
Ano?! Teka! Tiyuhin niya pero first name basis?
"I like her for Ninang," baling sa akin ni Reign. "Those goons. You'll surely get them next time."
Teka? Ibig sabihin napansin din niya 'yong mga kumag?
"Sasabihan ko si Phonse, Ma'am."
Teka ulit! Gulong-gulo na ako. Ma'am? First name basis?
"Habaan mo lang ang pasensya mo sa Ninang ko. Bugnutin 'yon pero mabait naman. Huwag kang mag-aalala. Ba-back-upan kita. Hindi ka niya aapihin. Hahaha!"
Dumagdag pa talaga ang mga sinabi niya sa kalituhan ko!
"Reign's family is one of Moonshine's clients. At gaya ng narinig mo, you'll get recommendations from her naman para sa mga Vanguardia. Sa ninang niya specifically."
Nagtaas-baba ang kilay ni Ma'am Reign. "Can I meet your lola din? Siguradong mabait siya."
"Ha? Sige."
'Yong na lang ang nasabi ko dahil parang bumagal ang takbo ng utak ko sa mga narinig ko. Recommendations. Ibig sabihin very close na ako sa five-digit sweldo?! Oh shit na malagkit! Ito na talaga 'yon!