Chapter 56- "That Day!"

1.6K 84 156
                                    


REGINA

It's Lola dearest's big day! We all cleared our schedule for today para maka-attend kaming lahat. Mag-i-start 'yong party ni lola bandang 6:00 daw. Gusto ko na nga pumunta doon nang mas early pero pinigilan ako ni Jane. Like, gusto kong tumulong pero ayaw niya. I-blackmail pa ako na magagalit daw siya kung sobrang aga namin. Weird things she does.

Anong oras pa lang oh. Like three hours pa akong mabo-bored dito sa mansion. Nainis rin si Cindy kasi pati siya damay. Unfair naman daw kasi sa akin kung nandoon siya sabi ni Marco. Kaya 'yan napala niya. Baka pinagsisisihan na niyang kaibigan niya ako.

"Tutuktukan ko sa noo talaga 'yong lalaking 'yon. Hindi naman ako ang jowa ni Jane bakit pati ako bawal magmaaga?"

"Just a few hours na lang naman. Tiyagain na lang nating maghintay." Napabuntong hininga na lang ako. "Why is she too bossy ba? Nakakainis!"

"E bakit submissive ka? Weirdoh! Hahaha!"

Inirapan ko nga siya. We're like pinagkaitan ng happiness dito sa living room.

"You two." Napalingon kami kay Ate Pauleen. "Hinawalayan na ba kayo ng mga kasintahan niyo? Bakit angbibigat ng mga mukha niyo?"

"Ate naman! Huwag kang magjo-joke ng ganyan." Reklamo ni Cindy. "Aba! Binigay ko na ang puso at kaluluwa ko ha."

God! Grabe rin ang bibig ni Cindy!

"We're just bored. Kasi angtagal pa ng pag-alis natin." I explained calmly. "Is this like ikakasal? Hindi pwedeng magkita?"

"Stop imagining things, Regina. 'Yong gift mo kay Lola, okay na ba? How about 'yong monthsary gift mo kay Jane? All set na ba?"

Nag-okay sign ako kay Ate Pauleen. Well, as per social media is concern-monthsary namin ngayon. So, I prepared something for her also.

While we're still waiting, nag-scroll ako sa bookfame. Nangunguna sa pag-greet sa amin sina Kuya. Angpapangit naman ng mga pino-post nilang pictures namin. I mean, Jane here is pretty. But me? Nakapikit ako sa ibang pictures or nakatutok ako sa phone ko. Nag-edit pa si Reign ng isang poster ng movie saka nilagay ang faces namin ni Jane. I really don't know kung family ko ba talaga sila or ampon ako?

"Ano pala ang gift mo kay Jane, Frenny? Hindi naman siguro house and lot 'no?"

"If only pwede. I bought her a car." I said bluntly.

"What? Tangina ka? Hindi nga?! As in?"

"Joke!" I said teasingly. "Baka itakwil ako ng mga kapatid ko if I do that. Maybe someday. I bought her a necklace and lola, also. Ding naman, a phone."

"Sugarmommy na sugarmommy ka, Frenny." Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko e. "Support kita lagi diyan, Frenny. Alam mo naman. I support women's rights and wrongs."

"Falling for her in a short span of time, weird 'no?" napayakap ako sa throw pillow while reminiscing how things between us happened. "Sometimes, I am also paranoid. What if biglang ma-realize niya na I'm no good for her."

"Sige negative ka pa. Tamo ikaw magiging toxic niyan sa relationship niyo." Kulang na lang ay pitikin ako ni Cindy. "Walang perfect na relasyon, Hoy! Higit sa lahat e ikaw ang dapat makakaalam niyan. Angdami mo kayang chinurva tas akala mo mahal mo tapos iniwan mo."

"This time kasi iba na, Cinds. Natatakot akong magkamali na. Alam mo 'yon? I feel like I need to be perfect for her."

"Tao ka lang 'no. Magkakamali ka pa rin. Naku! Isa lang naman ang hindi mo dapat gawin e. Huwag mong lolokohin si Jane. Bare minimum 'yon Frenny."

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon