Chapter 64.1 - "Something Unholy"

1.9K 83 65
                                    


REGINA

It has been like two weeks full of interviews! God! Family namin ang humaharap sa press. I want Jane to have the rest she needed and for her to take care of lola. Sa mga pulis lamang siya humarap like twice lang to give statement.

Back to business ang VE. We had a blast with the minicon and the aftereffects got us into a bunch of projects for our creators. We postponed the Davao extension dahil ayokong magkaproblema kami ni Jane. Si kuya na lang ang makikipag-deal sa kanila after his holiday vacation.

"Ma'am Regina, paano po 'yong position ko dito? Itutuloy ko po kasi 'yong leave ko. Mukhang hindi pa kaya ni Jane," said Lexi.

"And I won't allow her either. Why the need to take a leave, Lexi? Hindi naman na mabigat ang trabaho mo. May iniiwasan ka ba?"

"Opo. Ayoko po sanang mapalapit pa sa pinsan niyo. Narinig niyo naman si Ate Fil. Baka kami pa ang mag-away kung pinatulan ko si Gigi. Knowing na mas malaki ang chance na masaktan ako. Ayokong sila ang magpang-abot."

"But leave won't help you. Gigi will stay for good. I don't want to pressure you, Lexi. But Gigi is trying her best na magbago. If you can't love her, please try to be her friend lang."

"Diyos ko po naman, Ma'am Regina. Masyadong demanding ng pabor na 'yan." Mabilis siyang pumunta sa may pinto saka ito ni-lock. "'Yong pinsan niyo tawag nang tawag. Nahihilo na daw tatawag pa. E anong gagawin ko? Siyempre pupuntahan ko. Ang tanga e nahimatay na sa sahig! Hindi daw kumain kasi wala ako. Dala ko ba ang kaldero? Kainis ah!"

God! She sometimes talks like Jane!

"Tapos heto pa po, naawa ako kaya pinagluto ko siya kaso lahat ng tumatawag sa akin siya ang sumasagot. Pati tiyahin ko sinungitan niya. Ano ba naman. Sinong hindi maiinis sa kanya?"

"And? Ano pa?"

"Marupok! Diyos ko, Ma'am! Pinagbigyan ko na ngang kumain kami sa labas, tapos may nakita lang na sexy na babae na-magnet na ang mga mata. Sinong matutuwa doon?"

God! I burst in laughter! Gigi talaga is a walking red flag!

"I'll increase your salary, Lexi. Huwag ka lang mag-leave. Like about 50%? Kasi for sure kung magle-leave ka kukulitin ka lang ni Gigi. I'm telling you, mas makulit 'yon sa akin."

"Cuz! Yohooh! I'm here! Bakit wala si Lexi dito?"

"See? I told you. Hayaan mo siyang i-interrogate ni Filipina. I'm sure uurong ang dila niyan."

Lexi opens the door and Gigi just smiles. Umiwas si Lexi nang yayakapin sana siya ng magaling kong pinsan.

"Problema n'on?" nagmamaang-maangan pa niyang tanong.

"Stupid. Iniiwasan ka. Ano pa ba? Bakit ka ba nandito?"

"'Cuz I had a business na! Pa-promote naman, kulang ang powers ko e." She proudly sits on the couch. "Kapagod. Shocks."

"Anong business?"

"Bar! Siyempre! Like all colors allowed bars."

I frustratedly run my fingers through my hair sa naisip niyang business.

"Remember 'yong nabili ni Blaire? Binili ko 'yong share niya. Mas mura pa nga e."

I raise my hands to stop her. "Gigi, are you not thinking? You're trying to win Lexi, tapos 'yan talaga ang naisip mong business?"

"Why? What's wrong? What do you want me to do? Magtinda ng flowers? Doon ako magaling, Regi. Kaya doon ako magbi-venture."

"Ah! Ewan ko sa'yo! Bahala ka nga. Matanda ka na. Also, ligawan mo muna si Filipina bago mo ligawan si Lexi. You're in big trouble."

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon