JANE
"Willing to wait?" biro ko sa kanya. "Hindi pa naman siguro ako required sumagot agad 'no?"
Napakabilis ng mga pangyayari. Kung tutuusin kakakilala lang namin ni Regina. Kung hindi lang dahil sa kontrata ay hindi kami mapapalapit sa isa't-isa. Kung pabigla-bigla ako ay baka mapaaga ang pagsisisi ko. Okay na 'yong nasa hulian kaysa biglang aayaw ako dahil na-pressure lang ako.
Tumango siya saka ako muling hinagkan. "Sobrang gumaan ang pakiramdam ko. You just don't know how I feel so miserable when you're mad at me."
"Sige na. Sige na. Aalis na ako. Mag-iingat ka din."
Bumitaw na ako sa yakap niya. Baka mawili pa ako e ma-late ako ng sundo kay Miss Gigi. Nakakahiya kay Miss Pauleen.
---
"Blooming ka." Bungad sa akin ni Miss Gigi. "Sa inyo nag-sleep si Regi, right?"
Nagtataka akong tumango. "Bakit po?"
"Ahah! Kaya you're blooming. You and her? Did you-"
"Ma'am! Wala pong ganoon! Walang nangyari sa amin!"
Mapang-asar naman ang tawa niya. "Jane! Did you talk 'yon! Haha! You know, your misunderstanding. Okay na kayo?"
"Opo. Nag-usap na kami. Okay na."
"Good to hear that. She's stupid 'pag explaining 'no? Ganoon talaga kami e. Like, we wanted to be more understood, but we end up in mess. Be patient with her, Jane. She's the most misunderstood Vanguardia."
Nakarating na kami sa VE. Tig-isa kami ng bitbit sa mga gamit niya. Mga sesmosang empleyado! Aba! Sinusundan pa kami ng tingin. Baka gustong magpa-otograp kay Miss Gigi. May mga naghihintay sa elevator pero nang makita kami ay nahawi sila para bigyan kami ng daan.
Natatawa si Miss Gigi nang makapasok na kami sa elevator. Walang may gustong makisabay e. Nag-i-scroll siya sa selpon niya.
"They probably thinking you're so ma-chics. Bagay mo 'yong naka-tuck in no? You're hot. Probably kaya nagustuhan ka ni Regina."
"Magta-thank you po ba ako?"
"Hahaha! Nah. No need." Balik sa selpon ang attention niya. "Oh M G! nandito si Ralph Brony!" pinakita niya sa akin ang picture ng kinakikiligan niya. "Gumastos talaga si Ate Pauleen huh. I want to see him. Like ngayon na. Saang studio ba sila ngayon?"
Tanong niya, sagot niya. May tinawagan siya tapos naging hyper na naman siya. Hinila-hila pa niya ako sa braso.
"Jane! I need to sched a session with him. Long-timed friend ko 'to si RB. Masyado lang sumikat e. I will surprise him talaga today."
"Oo na. Pero 'yong braso ko baka matanggal."
Parang bata! Angbilis niyang maglakad! Hirap namang sundan. Panay achievement n'ong Gregory ang sinasabi niya. E ano namang alam ko sa mga international-international awards na 'yan. Ang alam ko lang e magmekaniko.
"Hayon! Doon tayo!"
Walang anu-ano ay binuksan ni Miss Gigi ang pinto. Photoshoot nina Regina at Blaire pala ito! Kasalukuyan silang nasa break. Grabe sa pagtili si Miss Gigi! Nilapitan niya agad 'yong sinasabi niyang phographer. Ah close nga sila. Mukhang chikadora din 'yong RB.
Pinakilala pa ako. Nahihiya ako kasi 'yong pagpapakilala ni Miss Gigi over pa sa oa. Nagkukwentuhan na sila. Englishan na naman ang labanan!
Inaayusan si Regina. Nagla-live stream siya. Napakadaldal naman. Mukhang wala nang bakas ng hang-over.