HEARTLESS LOVE CHAPTER 45
#JaneDeLeon #JanellaSalvador #JaneNella #Darlentina
Jane
Natuod ako n'ong makita kong naghahalikan sila ni Blaire. Mas matindi pa sa naramdaman ko n'ong sumasayaw sila. Parang nanlalamig ang mga palad ko at 'yong binti ko nanghihina. Bueset!
Hinawakan ako ni Miss Gigi sa braso saka hinila papalayo. Hindi na nga napigilan ang luha ko. Bakit siya nakikipaghalikan sa ex niya? Angrupok naman, Regina!
Bakit ko ba iniiyakan? Bakit baa ko nasasaktan? Dapat hindi e—kasi papel lang naman 'yong pinirmahan ko.
"Asshole talaga si Regina minsan. Gosh! No wonder, nagpa-panic si Ate Pauleen. And that Blaire! Fvck her kahit kailan."
Jane, nasa trabaho ka. Umayos ka, self! Tangina. Pinunasan ko ang luha ko. Hindi pwedeng maging mahina! Kontrata lang 'yon. Papel lang 'yon!
"Tuloy na po tayo, Miss."
"You sure? Kahit ako na lang pumunta doon."
Tumango ako. "Nakakahiya po kay Miss Pauleen kung hindi ko kayo sasamahan."
"Okay. Here." Binigay niya ang panyo niya sa akin. "Punasan mo maigi 'yang luha mo."
---
"Jane, it's ah! Damn it! It's not what you're thinking."
"Hindi mo naman alam kung anong iniisip ko, Ma'am."
"You guys need to talk. Thank you sa tour, Jane. See you around." Umalis na si Miss Gigi. Hindi pa rin ako makatingin nang deretso kay Regina. Naiinis ako! Bumabalik-balik sa isip ko 'yong eksena kanina. At kung ano pa ang pwedeng nangyari n'ong hinila ako ni Miss Gigi.
"We're going home." Hinawakan niya ako sa kamay pero winaksi ko iyon.
"Ihahatid kita sa inyo pero uuwi din ako agad." Garalgal na ang boses ko. Bueset kasi! Bakit ba nakakaiyak? Hindi nga naman ako totoong gelpren e. Kung tutuusin dapat hindi ako masaktan kahit makipaghalikan siya kahit kanino. Tangina, Jane!
"No. I'm your boss. Ako ang masusunod."
"Kahit ngayon lang. Pwedeng sundin ko naman kung ano ang magpapagaan sa nararamdaman ko?"
"Fine. But please, believe me. Hindi ko siya hinalikan. Hindi ako nag-respond. Not a single moment na nagustuhan ko 'yong ginawa niya."
"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag, Ma'am. Alam naman natin ang totoong sitwasyon."
---
Wala nang lingon-likod pagkarating namin ng mansion. Dumeretso na ako sa quarters para kunin ang ilang gamit ko saka umalis. Angbigat lang talaga ng pakiramdam ko. Hindi ko magagawa ang trabaho ko nang maayos kung ganito.
Napakabilis naman ng bawi ng kasiyahan. Angsaya ko pa n'ong nagsayaw kami sa studio. Tapos ilang oras lang okay na sila ni Blaire.
Naabutan ko pa nga ang hapunan.
"Ate Jane, ito na ang pinakamaagang pag-uwi mo. Sarap ng luto ni lola 'no? Tumulong ako diyan."
Adobong pusit ang hapunan namin. Naparami lang ng kamatis kaya medyo maasim.
"Bakit ka nga umuwi nang maaga, Apo? Kinakabag ka na naman ba?"
"Lola naman."
Pati si Ding pinagtawanan na ako. Gets na yata din niya 'yong biro-biro ni lola sa kabag.