Chapter 43: Check your phone

1.4K 64 53
                                    

HEARTLESS LOVE CHAPTER 43

#JaneDeLeon #JanellaSalvador #JaneNella #Darlentina

JANE

Umalis na rin kami agad sa café dahil baka daw biglang may sumulpot na spy si Blaire o si Blaire mismo.

Nag-park siya malapit sa park. Hindi na kami bababa. Nagmu-music lang kami.

"Inaantok ka na ba?"

Umiling ako. "Simula n'ong nagtrabaho ako sa inyo parang hindi na uso 'yong maagang antukin. Oh mag-11:00 na nga dilat pa rin ako."

Si Ma'am. Dinama na naman ang noo, pisngi at leeg ko.

"Okay ka na talaga ha?"

"Wala naman akong sakit."

Inuubos na nga niya 'yong frappe. "Alam mo ba? Noong buhay pa sina Mommy madalas kami sa mga ganito. Naghahabulan kami nina Kuya. Then madadapa ako kasi lampa ako."

"Miss ko na sina Nanay at tatay. Minsan naiisip ko ngang sana kunin na nila ako."

"I know. You said that when you're sobrang lasing. You shouldn't think like that, Jane."

"Ewan ko rin. Siguro kasi frustrated ako minsan. Pero naalala ko rin si Lola. Paano na lang din siya kung mawala ako."

"Paano ako?"

"Huh?" anong paano siya?

Hinarap niya ako saka hinawakan ang mga kamay ko. "Jane, bakit mo iisipin mawala? Paano na lang ako. Hindi ka lang basta bodyguard."

"Siyempre, gelpren-gelpren mo ako. Gagi. Hindi ko na nga alam kung ano ako dapat pag nasa VE. Bodyguard pa o jowa-jowaan. Anggulo kaya. Anggulo mo pa."

"Paanong magulo ako? I'm not even doing anything."

"Ewan ko sa'yo. Pinapainit mo ang ulo ko ah." Winaksi ko nga ang kamay niya. Naalala ko na naman 'yong pagsayaw-sayaw nila ni Blaire. Susko! 'Yong titigan na parang naghuhubaran na ng damit. "Marupok ka e. Konting-konti na lang bibigay ka na doon kay Blaire. Ramdam ko."

"God! Haha! Jane! You're overthinking!" tumingin na nga ako sa labas.

Dami pa niyang tawa ah. Happy masyado? Naalala ang nakaraan? E di wow!

"Are you...hey... Look at me..." hinawak pa niya ako sa baba para tumingin sa kanya. "Jane, namumula ka."

"Naman e!" pinalo ko nga nang marahan ang kamay niya. "Regina ha? Napipikon na ako."

Pumalatak na naman siya ng tawa. "I never thought you'll be this cute, Jane. Oh, sige na. Hindi na ako tatawa."

May message siya.

"Uhm si Reign. Umalis na raw si Blaire. Ihahatid na kita sa inyo."

---

Nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Hindi na ako bababa. Get mo na lang mga foods sa likod."

"Late na. Matulog ka na lang kaya dito."

"As much as I wanted to, hindi pwede. Baka sobra akong masanay na katabi kang matulog e pikutin na kita. Ikaw rin."

"Ganyan-ganyan ka siguro sa mga chics mo, Ma'am 'no? Parinig nang parinig."

"Haha! No, Hon. Never did I mention such things to them. Baba ka na. Na-text ko na si Lola na ihahatid kita. Sa VE na lang tayo magkita bukas. Okay? 12:00. Sabay tayong magla-lunch sa office."

"'Di ba pwedeng i-share 'yong location sa chat?"

"Yeah. Why?"

"Share mo location mo sa akin, Ma'am. Para mabawasan ang pag-aalala ko pag nagmamaneho ka na."

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon