Chapter 35 - What Am I Gonna Do With You?

1.2K 71 10
                                    

HEARTLESS LOVE CHAPTER 35

 #JaneDeLeon #JanellaSalvador #JaneNella #Darlentina

kindly share this post and page to help me reach more GL readers. :)

you can also send stars if nakaka-LL for chudeys video. :)

Thank you for supporting HEARTLESS LOVE! nakakatuwa na nalampas sa 10 na ang reacts ng Non-Freenbecky story. :)

REGINA


"Ma'am Regina! Wait lang. Hatid na namin kayo!"

I ignore her. Kung hindi lang dahil kay Cindy ay kanina pa ako umalis. Binilisan ko na ang paglalakad. May mga nagkukumpol-kumpol sa parking area. What's going on? May mga tanod din. Bigla akong kinabahan.

"Madam, sa inyo po ba itong kotse?"

Darn! Flat ang gulong! May ikakapangit pa ba ang araw na 'to? Fvck naman oh! Anglinis ng pagkaka-cut ng gulong!

"Frenny! Lahat ng gulong ng kotse mo, pinagtripan!"

Naisip ko agad ang gagastusin ko! Nahilot ko ang noo ko sa stress. Mahina rin ang signal para makahingi ako ng help.

"This is your fault! Damn it!"

"Sorry na, Frenny. Ako na lang gagastos diyan."

"As you should!"

Nakaka-frustrate talaga ang signal! Napakahina! Gusto ko nang makaalis dito!

---

We're at the brgy. Hall. Abala si Marco sa pakikipag-coordinate sa mga barangay officials at ibang biktima. Dahil nasa sampu ang biktima ng pambubutas ng mga gulong, matatagalan pa daw ang proseso. Wala man lang CCTV! Nakakainis lalo!

Nandito na rin lola ni Custodio. Akala daw niya ay kung ano na ang nangyari dahil sa commotion sa labas ng hall.

And that Brian. Why is he here?He's not even a cop to ask a lot of questions sa mga victims. God!

"Wala bang nawalang gamit?" tanong ni Custodio. "Na-check mo ba ang loob ng kotse?"

"Wala."

"Sure ka ba?"

"Paulit-ulit na lang? Sabi ko wala. Okay? Angkulit mo."

"Nagtatanong lang naman e. Tingnan ko kung pwede pang gawan ng paraan 'yong gulong."

Ganoon siya ka-excited na makaalis kami?

"Huwag na, Jane. Papapalitan ko na lang 'yong gulong. Pero baka bukas na makuha kasi may ibang trinatabaho 'yong contact ko dito," said Cindy. "Ako naman may fault bakit kami nandito e. Dito ka lang. Pakalmahin mo itong si Frenny."

Whattahell? Gusto ko na ngang umalis e! This ridiculous! I have a bad feeling about it.

"Ang Mabuti pa, Hija, ay dito na muna kayo. Maluwag pa naman 'yong silid namin ni Jane." Hinawakan ni Lola ang kamay ko. "Nang makapag-usap na rin kayo nitong apo ko. Mukhang may hindi kayo pagkakaunawaan e."

"Hindi na po, 'La. Nakakahiya po sa mga kasama niyo. Maghahanap na lang kami ni Cindy ng ibang place mamaya. Tapusin lang itong process po dito."

"Naku! Hindi ako makakapayag, Apo." Hinigpitan pa ni Lola ang pagkakahawak sa akin. "Huwag mo na lamang pansinin itong apo ko. Puro kasi barkada ang iniisip. Hayaan mo siya at hindi natin yan bati."

"Lola!" Reklamo ni Custodio. "Parang ewan naman."

Looking at Cindy parang gustong-gusto niya ang idea na mag-stay pa kami. God! I can't believe she's my friend!

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon