JANE
Nakakagaan pala ng pakiramdam kapag binigyan si Regina ng bulaklak. Next time sampagita naman. Haha! Di joke lang. Bakit ko nga ba siya binigyan ng bulaklak? Uhm, kasi gusto ko lang. Deserve naman niya e.
Grabe 'yong kaba ko kanina pagpasok ko doon sa studio. Nawala na lang n'ong nakita ko na siya. Kalma, self!
Tumalon-talon pa ako para kumalma. Grabe! Sana nagustuhan niya 'yong bulaklak. Sabi nang kalma e!
"Are you okay, Jane?"
Ampucha naman!
"Miss..Ate Pauleen! Ah opo. Okay po ako. Testing lang po ng shoes ko kung okay pa." Tumalon pa ulit ako. "Okay pa naman po."
"Hindi naman dito ang rehearsal ni Gigi. Why are you here?"
"Sumilip lang po kay Regina. Baka 'yong Blaire e todo lingkis po ulit e. Aba! Hindi po pwede 'yon."
"Suddenly, you became more out spoken. Sumilip lang ba talaga?"
Pinakita ni Miss ang screen ng phone niya. Halla naman! 'Yong mga ganap kanina! 'Yong pagkiss ko pa kay Regina talaga ang naka-post. Nahiya ako bigla kay Miss Pauleen. Nag-init pa nga ang pisngi ko sa tingin ko. Hoooh! Mas lalong kalma, self!
"Nanuklaw konti." Nahihiya kong sagot. "Sorry na po. Pa-epal kasi 'yong si Blaire e. Ano lang po, pabida din ako dapat. Para quits. Pero Miss Pauleen pwede pong mag-request?"
"What is it?"
Lumapit akong konti kay Miss-baka may makarinig e. "Pwede ko po bang lasunin nang very light si Blaire sa mismong concert? 'Yong magtatae lang siya para hindi siya bida-bida. Aba! Masama ang kutob ko po."
"Jane ha? You're wishing ill of others."
"Joke lang po. Nakakairita lang kasi siya. Hay! Di bale na nga. Balikan ko na po si Miss Gigi. Baka sumalisi e. Inutusan niyo po ba nang marami si Lexi? Iba rin po ang kutob ko sa dalawang 'yon e."
Tumango si Miss. "I had talk to her na. She found out daw na may babae 'yong boyfriend niya kaya napunta siya sa bar."
"Naku po! Angperfect naman ng timing ni Miss Gigi. Parang hindi ako naniniwala."
Natawa si Miss Pauleen sa sinabi ko. "Hayaan mo na. Kunwari ay naniniwala ka na lang. If Gigi turns out to be like Regina is doing right now, baka increase-san ko pa ang sahod ni Lexi."
"Baka kailangan po ay matinding orasyon ni Miss Gigi para po magbait na siya. Pray-over niyo na lang po. Tubig at dasal."
"Is that how you tamed my Sister? Water and prayer?"
"Sinamba ko pa nga. Haha! Joke lang po."
---
Nag-eenjoy naman ako sa rehearsals ni Miss Gigi. Hanep ang boses niya. Napakahusay. Sanaol songerist.
Naka-live stream pa siya niyan. Negosyanteng tunay! Haha.
Hindi ko pwedeng malingat e. Kaya kahit vibrate nang vibrate ang selpon ko hindi ko pinapansin. Huwag sana si Regina 'yan.
Oh 'yan tapos na ang rehearsal ni Miss Gigi. Konting pa-cute na lang siya sa mga viewers niya. Lumapit na ako sa kanya saka inabot ang kanyang bag.
"Thanks, Jane. Saan ba si Asher? De sana doon ka kay Regina nakabantay ngayon."
"Kasama po si Reign. Okay lang po. Nandun naman si Miss Cindy. Mukhang nagka-catch up po silang magbespren. Matindi pa po 'yon magbantay kay Blaire."
"I saw 'yong scene niyo kanina. You're so sweet naman. Nakakatawa itsura ni Regi. Shock na shock! Thanks, Jane. Finally, nagiging tao na si Regina. Haha!"