Chapter 16: "Almost a Confrontation"

1.2K 60 5
                                    

Chapter 16

 REGINA's POV

We're stuck in traffic! God! Hindi sinasagot ni Cindy ang calls ko. Custodio naman is talking to Kuya's bodyguard. I instructed her to to connect her phone to the car's speaker so I was able to hear their conversation.

"Anong last usap niyo ni Marco? Asan na ba 'yon?"

"Kanina lang tanghali. Mukhang lutang. Asan ka pa ngayon? 'Yong bulaklak? Asan na?"

"Expired na! Hanapin mo si Marco. Baka magpakamatay 'yon. Ayoko na mag-inom, Pigsa. Kausapin mo siya. Bye na."

After she cuts the call, her phone rings na naman. This time it's flashing that Marco's number. She immediately slides the answer icon.

"P're, saan ka ngayon? Kanina pa kita tinatawagan." Custodio said upon answering the call. "Kape sana tayo. Libre ko."

"Alis muna ako. Kung sakaling hanapin ako kahit sino huwag mong sabihing nagkausap tayo. Magpapalamig lang ako."

"Bakit? Naiinitan ka ba? Gagu! Anong nangyari?"

Nahilot ko ang noo ko sa stupidity niya. She could have told him that she knew about the break up!

"Kahit si Brian?"

"Iti-text ko na lang siya."

The call was cut after that. Napalo ni Custodio ang manibela.

"Gagu talaga! Saan na naman kaya 'yon maglulungga."

Sunod-sunod ang message ang dumating sa akin. Galing ang mga ito sa parents ni Cindy. They learned about their relationship. She's stupid to provoke them! Hindi pa man din siya nakakapagplano, sinabi na niyang seryoso siya doon sa lalaking 'yon.

Hindi na ako magtataka kung biglang maibalitang tiwaling pulis 'yong Marco. Cindy's parents are one of those people you should not trust.

We arrived at their home. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto ni Custodio. Sinalubong kami ng kanilang kasambahay. She looks so worried.

"Ma'am, nag-away po sila kanina. Pinagsasampal po ni Madam si Miss."

I was about to enter when I realized that I'm with this tactless woman. Huminto ako saka ko siya hinarap. "Isasama kita sa loob kasi for sure gusto kang makausap ni Cindy. But please, keep your mouth shut. You don't know who you're dealing with."

Tumango siya saka ako sinenyasan na pumasok na. How could she be this annoying!

"Tito, Tita..." bumeso ako sa kanila. Disappointment is all over their face. "How is she?"

"Umalis. Akala siguro ay pipigilan namin. We freeze her accounts. Tingnan na lang natin kung hindi rin uuwi 'yon," said Tita Lucia. "Did she call you?"

I nod. Now, where kaya siya pupunta ng ganitong oras?

"Siguradong hinuhuthutan lang siya n'ong lalaking 'yon. Ang anak mo naman hindi na natuto."

God! Not those words Tito!

"We don't know the guy, Tito. He's a public servant naman."

"Public servant na hindi nakakabuhay ang sweldo." Tito answered sarcastically. "Kapag may nangyaring masama sa anak ko ay talagang pagsisihan niya. Kakausapin ko ang mga kumpadre ko sa PNP. That guy will surely regret everything."

"Ipagpaumanhin niyo na po ang pagsabad ko sa usapan pero napakasama naman po ng tingin niyo sa boyfriend ng anak niyo."

Fvck?! Custodio! Ang mga tingin mo sa mag-asawa. The tension is unbearable! I'm pretty sure they had that guy checked! Nakilala yata nila si Custodio.

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon