Chapter 38: "Last drink is yours."

1.4K 68 31
                                    


JANE

Kaybilis mag-drive ni Ma'am Regina-overtake kung overtake! Daig pa ang najejebs e! Dalawang busina lang niya pinagbuksan na kami agad ng gate. Nakita ko na agad si Reign habang papalapit kami sa garahe.

"You're my niece's new favorite. That makes us even, right?"

"Ah eh. Hehe. Sorry naman. Hindi ko sadya. Haha! Pero malapit na akong magselos kasi ikaw na mas love ng lola ko kaysa sa akin."

Naku si Fifi! Mukhang natatakot. Angbilis ng tibok ng puso niya.

"Fifi, relax lang. Hindi kita ibebenta! Haha!"

Parang totoong baby naman talaga si Fifi. Nagsumiksik pa. Umibis na kami ng sasakyan. Naku! Totoong magseselos na ako! Si Fifi ba naman pagkarinig sa boses ni Reign ay parang baliw na gustong lumapit sa kanya. De pinakawalan ko na nga.

"Gagi! Fifi! Taksil ka ah!"

Natawa pa si Ma'am. "Looks like she knows kung sino ang pipiliin, Jane."

"Tsk. Anggara niyong mag-tiyahin. Kinuha niyo na ang lahat sa akin ah!"

"Nope. Not yet, Hon." May pang-aasar na tugon niya. "Get your things na. May gagawin lang ako."

Pumasok na siya sa bahay. Si Reigh naman nawala na! So ako ngayon ay confused. Ako ba ang gustong makita ni Reign o si Fifi? Tsk! Kayo talagang mga Vanguardia! Isinasantabi niyo ang presensya ko ha. Babawi din ako! Hmpf!

---

Nagkukwentuhan na nga kami ni Ate Leony. Nakipag-selpi pa nga siya tapos pinost sa Bookfame.

"Kasama na ako sa GC ng mga fans niyo. Pero ibang account gamit ko. Aba! Dami niyong pictures ni Ma'am doon ha. Angganda niyo."

"Gagi! Bakit may ganon. Haha. Ano kami artista? Grabe kayo! Kakaloka, Teh!"

"Naku! Marami doon mga followers pa ni Madam noon, noon, noon pa. Mga nainspired daw ni Ma'am na nag-out sa family nila. Ako naman e natutuwa kasi kahit masungit si Madam e may mga inspired sa kanya. Tapos masaya pa sila na may gelpren an siya."

"Masungit legit 'no? Angbilis topakin. Grabe! Hindi ko lang suot ang singsing ko angtaas na ng highblood Ate Leonz! Feeling ko mamamatay na ako. haha!"

"Ikaw naman pala ang may kasalanan e. Ganyan 'yan si Madam. Kung may binigay siya gusto niya nakikita niyang ginagamit mo. Dito nga nache-check niya pa kung hindi na namin nasusuot 'yong mga niregalo niya noong mga nakaraang pasko pa."

Sumenyas si Ate Leony na tigil na ako magtalk. Anglakas naman ng pakiramdam niyang paparating nasi Ma'am! Haha! Gravity!

"Jane, why are you still here? Magdi-dinner na tayo."

"Ah dito na ako kakain."

Nag-abot na naman ang kilay niya. Saka bumaling kay Ate Leony. "Manang, tapos na ba kayong magkwentuhan ni Jane? Can I borrow her for a while muna?"

"Naku po, Madam. Huwag niyo nang ibalik." Natatawa pang sagot ni Ate Leony na bumaling sa akin. "Sinusundo ka na, Jane. Alis na. Haha."

"Nakakahiya kasi makisabay sa kanila, Ma'am."

Lumapit si Ma'am sa akin. "Family ko pa lang ito. What if we're going to attend meetings and events? You can't just stay away from the limelight, Jane. Vanguardia ang girlfriend mo. Just making it clear to you."

Hinigit niya ako sa kaliwang kamay. Grr! Pucha naman! Performance level kahit sa harap lang ni Ate Leony.

"Ma'am, magse-serve po ba ako ng wine mamaya?"

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon