Heartless Love chapter 20 #janenella #jandedeleon #janellasalvador #darlentina
JANE'S POV
Alam ko naman maraming galit sa akin si Ma'am Regina. Pero 'yong pauwiin na niya si Asher tapos ako magdu-duty pa? Hindi katanggap-tanggap ha. Hintayin pa daw namin si Ma'am Cindy. Diyos ko po!
"Nano, hindi ka uuwi ngayon?" Bihis na ah. Sinusuklay na lang niya ang buhok niya. Kulang na lang palawayan niya sa baka. Uuwi na nga at lahat dapat pogi pa din. "Hindi na ako magdi-dinner dito."
"OT e. May lakad pa yata sina Ma'am Regina at Ma'am Cindy. Shit. Naalala ko kahihiyan ko. Kulang pa sa laway 'yan buhok mo, Pigsa. Try mo 'yong may konting plema. Haha!"
"Gagu. Huwag kang makikijoin kung inuman 'yon. Nakakahiya ka. Pinapaalala ko lang."
"Baliw. Alangan uulit pa ako. Ginawa ko na ngang santo si Ma'am Regina."
Pumalatak siya ng tawa. "Haha! Tangina nga! Itsura mo n'on. Haha! Buti hindi ka pa tinanggal e. May ipapabili ka ba para kay Lola? Idadaan ko na lang."
"Bilhan mo nga ng goto. Saka balut. Isa lang. baka tumaas ang bp niya."
Huhugot na ako ng pera e pinigilan niya ako.
"Libre ko na, Nano. Tawagan mo na lang si Lola baka maghintay e."
"Sige sige." Saglit kaming nagyakap saka ko siya tinapik sa balikat. "Ingat ka. Si Fifi din ha? Bilhan mo ng atay. Kawawa naman 'yon."
Hinintay ko pang makaalis siya. Swerte ko lang talaga dahil may mga tulad ng pamilya ni Pigsa. Ang turing na nila kay Lola ay parang kadugo na rin. Tapos wala pang malisya. Walang nambubuyo sa amin na jowain ang isa't-isa. Wala din naman talagang spark! Haha!
Okay! Ready for duty na!
"Shit naman!"
Paglingin ko ba naman ay si Ma'am Regina. Nakahalukipkip na nakatingin sa akin.
"Tapos na kayo maglambingan? Papunta na daw si Cindy dito. Hintayin mo siya then dalhin mo sa library ko."
"Okay po, Ma'am. Saka Ma'am. Hindi po kami naglalambingan. Gan'on lang po talaga kami."
"K."
Lakas maka-chat ah. K. Makahanap na nga ma-boyfriend na pwede kong replyan ng "K" pag nainis ako. Haha! Tapos susuyuin niya ako. Bibilhan niya ako ng berger at pemprays! Kaka-fliptoker ko 'to e.
---
Tanginuh! Nilatagan ako ni Ma'am Regina ng kontrata. Witness naman daw si Ma'am Cindy. May mga rules pa! English naman lahat. Dapat may tagalized para mas madaling unawain e.
"Do you need to know why kailangan kang magpanggap ng girlfriend ko? Does my preference bother you?"
Umiling ako. "Lahat tayo anak ng Diyos, Ma'am. Pero tanong ko lang po, bakit kayo galit kay Ma'am Blair?"
"Iniwan niya ako sa ere dahil naduwag daw siya. Lame excuse."
"E sa naduwag nga e. Anong magagawa natin Ma'am? Ganda pa man din niya."
"Gusto mo bang lumipat ng employer, Custodio?"
Galit na naman! Kaya siguro siya iniwan kasi lagi siyang galit.
"Game na, Ma'am. Pa-explain na po. Pipirma naman ako kasi kailangan ko ng pera. Pero explain niyo po muna."
"Alright, as per Cindy, baka uuwi ng Pilipinas si Blair next month. And she wanted to win me back. Kasama sa plans niya."
"Haba ng hair. Nag-rejoice ka ba, Girl." Hindi ko pa napigilang kumanta. "Ayt. Sorry po."
"Haha! Jane, wala nang matinong usapan sa'yo! Haha!" nag-echo ang tawa ni Ma'am Cindy. "Ako na nga magpapaliwanag, Frenny. Hindi maniniwala si Blair kung boyfriend ang ipapakilala ni Frenny. Kasi mataas ang tingin n'on sa sarili niya. Siya kasi ang dahilan kung bakit attracted sa girls si 'tong si Frenny."