Chapter 24: 'Till Dawn

1.2K 58 6
                                    

HEARTLESS LOVE

Chapter 24
#jane #janenella #darlentina #fanfiction

REGINA'S POV

Sinalubong kami ng lola niya. Naliligo pa daw kasi si Custodio. Wala naman silang bisita, pero sino 'yong sumagot ng call ni Lexi? Is she just pranking me?

"La! Magdadala po ba ako ng tubig?"

Napunta ang tingin ko sa may bintana. Isang binatilyo ang nakadungaw dito.

"Pupunuin ko 'yong dalawang litro?"

"Oo apo. Mayroon 'yong nagyelo na. 'Yon na lang ang dalhin mo. 'Yon ang gusto ng Ate Jane mo e."

"Who is he po?"

"Ah. Si Ding 'yan. Apo ko pamangkin. Galing sa Baguio. Gusto e dito tumira dahil lagi daw wala ang Ate Jane niya."

"Close pala kayo sa mga apo niyo."

"Ganon talaga siguro, Hija. Kung nagtatanim ka ng pagmamahal sa iba ay pagmamahal din ang isusukli sa'yo. Naku, kung dito titira lahat ng gustong mag-alaga sa akin ay mamumulubi itong si Jane. Pati mga kapatid ni Brian ay gustong mamalagi dito."

Baka pati 'yong si Brian mismo e gusto din. She should also count my niece na laging bumakbibig ang pagpasyal dito.

Pumanhik na kami sa bahay nila.

"Asher, halika Neng. Pasok. Kumain muna kayo."

Nakahain na sa sala ang pancit, puto at softdrinks. Dumulog agad si Asher. "Binibida ni Jane lagi ang luto po niyo Lola. Siguradong masarap po ito."

"Ang apo ko talaga. Baka mapahiya pa siya e."

"La, okay na po. Si Ate Jane na lang po ang hihintayin natin. Kumakanta pa po sa banyo e." Napatingin sa akin si Ding. "Good afternoon po."

Napansin ko agad ang hawak-hawak niyang phone.

"Naku, e charge mo muna 'yang phone ng ate mo. Magagalit 'yon kung malobat 'yan."

"Powerbank na lang, La. Wala namang boyfriend 'yon. Walang tatawag sa kanya. Haha! Sa baba na po ako."

Baka siya nga 'yong sumagot sa call kanina.

"Lola Dearest, 'yong tshi—"

Natigilan siya nang makita niya ako.

Holy shit! Nakatapis lang si Custodio! Whattaheck is she thinking? Paano kung hindi lang kami ni Asher ang nandito? She must have seen my dismayed look.

"Hanapin ko na lang sa kwarto, 'La."

Nagmadali siyang pumasok sa room niya. Such a careless woman! Paano na lang kung may ibang tao dito?

"Ang batang 'yon talaga, minsan hindi ginagamit ang mata e. Panay bibig ang gamit sa paghahanap. Kumain lang kayo, Ma'am Regina. Mabilis din 'yong magbihis."

Just a few seconds passed, lumabas na ng kwarto si Custodio. She tucked her white shirt and tightening her belt. I gulp with how she does it. Damn her. Iniiwas ko ang tingin ko.

"Ma'am Regina, pasensya na po kayo. Mainit dito sa amin."

Yeah. It is.

"Okay lang." tugon ko naman.

Tinutulungan ni Asher si Lola sa ibang gamit na isasakay sa kotse. Ito naman si Custodio nagda-dry pa ng buhok gamit ang towet habang ini-interogate ako.

"Kumusta ang pagkikita niyo, Ma'am? Wala talagang spark?"

Umiling ako.

"As in? Walang tigidig your heart?"

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon