Chapter 59: Galit ni Jane

1.7K 80 154
                                    


JANE

Pareho kaming walang imikan pagkarating sa mansion.

Pinagbuksan ko na ng pinto si Regina. "Baba."

"Hon..."

"Bababa ka o dito ka matutulog?"

Wala na siyang nagawa. Kinuha ko na rin ang bag niya sa backseat. Nagmamadali si Ate Leony na sumalubong sa amin. Dala-dala niya ang pinabili ko sa kanya bago kami umalis ng VE.

"Ano ba naman 'to, Jane. Bakit ka nagpabili ng gin?" Saka lang niya siguro naamoy si Regina. Inalalayan niya ito agad. "Madam! Bitin pa ba sa alak at iinom pa kayo?"

Kinuha ko ang paper bag kay Ate Leony. "Alalayan mo si Regina hanggang sa kwarto."

Chinat ko si Ding na hindi ulit muna ako makakauwi. Nag-stretching pa si Ate Leony nang maihiga niya si Regina.

"Aguy! Likod ko! Ma'am Regina. Mag-diet na po kayo. Diyos ko! angsakit!"

"Salamat, Ate Leons."

"Wala 'yon. May nagsend ng picture sa Gc kanina. Parang alam ko na kung bakit kayo cold war." Mahina nitong sumbong. "Pinatikim mo rin sana ng sampal, Jane."

"Tapos na 'Te. Gigil pa nga ako."

Tinapik-tapik pa ako ni Ate Leony sa braso. "'Yan! Ganya ang manok ko! oh siya. Hinay lang sa pag-inom. Chat ka lang kung kulang pa 'yan. May reserba ako sa kwarto. Haha! Magdadala na lang pala ako ng pitsel dito. Pulutan ba?"

Umiling ako. "Sermon ko ang pulutan niya, 'Te."

---

Nakaupo ako sa tabi ng higaan. Nakalagay naman sa side table ang tinimpla kong alak. Ilang minuto rin akong naghintay para maalimpungatan si Regina. Handa na rin ang inumin. Akala niya makakalusot siya? Sinend sa akin ni Ate Leony 'yong mga pictures sa GC. Nag-live pala si Gigi! Angdaming screenshots. Ito namang babaeng 'to akbay-akbay din. Angsarap tuktukan sa noo! Sandaling nalimot yata na may girlfriend siya.

"Hon..." Naupo siya. "Paano ako nakauwi?"

Binuhusan ko ng kalahati ang shot glass saka inabot sa kanya. "Oh shot mo."

Takang-taka siyang napatingin sa akin.

"Ayaw mo? Sige ako muna." Saka lang nagbago ang ekspresyon niya nang binottoms up ko ang shot. "Oh, ilan sa'yo? Dalawa? Baka bitin ka pa sa opisina."

"God! Hon! Sorry. Sorry." Madali siyang umahon sa kama saka lumuhod sa harapan ko. "Sorry kanina. I fvcked up God! Hindi na mauulit, Hon."

"Ayaw mo?" Ininom ko ulit ang dalawang magkasunod na shot. Sinubukan niya akong pigilan pero dahil hindi pa siya nahuhulasan maigi ay madali ko siyang natatabig. "'Yan pareho na tayong may tama. Ano bang trip mo, Regina? Masaya ba kanina? Tsumansin ka bang maigi? Ha?"

Kailangan kong maging matatag kahit panay lang ang iyak niya.

"No! I didn't! Swear! I just... umakbay ako yes. Kasi..."

"Kasi demand ng viewers? Kahit may nagbigay ng diamonds kay Gigi at 'yon ang dare?"

Pinanood ko ang replay! Ampucha dapat hindi ko na pinanood e. Nabueset lang ako lalo.

"Wala akong pakialam kung ano ang gawin ni Gigi dahil live niya 'yon. Ang sakin lang Regina, may girlfriend ka. Aakbay-akbay ka doon sa babaeng 'yon dahil lang sa pisting dare ng mga fans? Forever na sa internet 'yong live na 'yon! Angsaya diba? Nakikipaglandian ka live. Nalimot mo ako."

Hindi na siya umimik. Wala rin naman siyang mairarason na tama.

"Sorry talaga, Hon. I'll make it up to you. Hindi na mauulit 'yon."

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon