JANE's POV
"Excuse me?! Pinipilosopo mo ba ako?"
Lagot na! Haha! Bueset na bibig din kasi 'to minsan e. Hindi nag-iisip. Tsk! Pangatawanan ko na nga lang.
"E naguguluhan po kasi ako e."
"God! Itikom mo 'yang bibig mo!"
E de itikom. Aba! Masunurin ako e. Nahagip ng tingin ko na natatawa si Asher saka nailing. Parang mapagsasabihan na naman ako mamaya.
Buhay pa naman ako pagkarating namin sa Happy Grillmore. Pinagbuksan ko ng pinto si Ma'am. Wow! Irap ang tugon. Buti hindi ko naibulalas ang "Welcome" kundi lagot na naman ako. Strike three na sa unang araw pa lang ng duty.
Ay exclusive yata itong restaurant for chudey's bidyow. Mayroong nakapaskil na reserved for Vanguardia Entertainment sa harapan. Capital letters pa lahat. Pinagsisigawan ang dating. Very very vip naman talaga oh. De VIP na rin kami ni Asher kasi nasa likuran lang kami ni Ma'am. Nagpalakpakan ang mga naghihintay na bisita. Panay nakatutok kay Ma'am ang mga camera nila.
Dapat pala nag-face powder man lang ako! Siyempre hagip na hagip kami! Tsk. Naisuklay ko ang mga daliri ko. Idadagdag ko sa akin mga necessities ang pampa-pretty. Expect the unexpected lagi.
"Good evening everyone!" bati ni Ma'am Regina. "Sorry we're late. It's so ma-traffic talaga. Order niyo lang kung ano ang gusto niyo. You deserved this celebration."
Siyempre hiyawan sila. Karamihan sa kanila ay nafa-follow ko sa iba't-ibang social media apps. Kilig na kilig ang pyuso ko! Busog na ang mga mata ko, didighay na ang mga ito mamaya. Haha!
Hindi kami lumalayo kay Ma'am sa ayaw at sa gusto niya. Dapat din ay poker face lang. Pero hindi ko talaga maiwasan e! Lalo naman n'ong nagkatinginan kami n'ong medyo kras kong FameTuber, si Tonton Agaton. Alam ko medyo mabaho ang pangalan niya pero pogi naman siya.
Nagbigay ng maikling mensahe si Ma'am. Parang angbait-bait niya oh. Naku! Hindi niyo nasasaksihan ang kasungitan niyan. Pero pare-pareho naman kaming umaasa sa sweldong galing sa kanila kaya makipalakpak na rin ako.
May sarili kaming mesa ni Asher. Malapit-lapit sa kinauupuan ni Ma'am Regina. Panay lang ang tingin ko sa kanila. Siya ang priority namin hindi ang mga nakakatakam na pagkain.
"Wow! We're hitting hundreds thousand viewers!" rinig kong sabi ng isang creator.
"Gagi. Naka-live pala ang event. Liliitan ko lang ang subo." Sabi nito Asher. Binawasan nga niya ang laman ng kutsara niya. "Hirap naman 'pag ganito ang kaharap ni Ma'am."
"Jusko! Pabebe pala dapat ang pagkain. Haha!" Biro ko pa.
Parang may kaguluhan sa entrance. Shit naman! Wrong timing na naman 'tong si Alex Monticillo.
"Ash, tangina. 'Yong Alex. Tara."
Huli na! Nakapasok na siya. Sumubo pa ako ng isang hipon bago tumungo sa kinauupuan ni Ma'am. I need energy para harapin second match with Alex Monticillo.
"Stop the livestream." Utos ni Ma'am Regina.
Tumalima naman silang luhat. Wala kahit isa sa kanila ang kumukuha ng bidyo. Ang ilang pang vloggers ay pinakiusapan ang mga crew ng restaurant na huwag magbidyow. Grabe 'yong authority ni Ma'am Regina. Matik tanggal angas oh.
"May nakalimutan ka yatang imbitahan, Miss Regina." Sarkastikong sabi ni Mr. Monticillo. "Have you forgotten na ako ang nagrekomenda sa karamihan sa kanila? Remember we pirated them?"
"Anong pirated? Iniscam mo nga kami e!" sagot n'ong isa. "Humingi ka pa nga ng porsyento sa kinikita namin."
"Oh bawal na palang bigyan ng percentage ang manager?" panunuya nitong Alex. "Saan ba kayo pupulutin kung hindi ko kayo dinala sa Vanguardia?"