JANE'S POV
Pumunta muna ako sa mansion. Nagbaka-sakali lang naman ako. Pero waley! Hindi daw umuwi. Natatawa si Ma'am Pauleen sa akin. Aligaga na nga ako, pagtatawanan pa ako.
"Hindi po kasi niya sini-seen ang messages ko, Ma'am Pauleen. Nag-aalala rin po ako."
"Believe me, nabasa niya 'yon. Hindi lang siya nagre-reply. She has done that to me so many times."
Napabuntong-hininga ako. "Pati si Asher hindi sumasagot ng tawag. Hindi ko alam saan ko po siya susunduin."
"Baka napagsabihan niya si Asher. Puntahan mo na lang sa office niya. Sa Vanguardia Entertainment lang 'yon mamamalagi. Nga pala, Jane. Is Brian your boyfriend?"
"Po? Hindi po. Kababata ko po siya."
"Uhm, okay. Seems hindi lang kababata ang turingan niyo. Baka rin umiiwas si Regina dahil nagseselos siya."
Impossible naman 'yon! Angtindi naman ng acting ni Ma'am pati kapatid niya napapaisip na nagseselos siya. Hahaha! Bigyan ko ng award kaya 'yon. Isaw na sampu, pwede na. Haha!
"Baka mapadalas ang pagkikita nina Regina at Blair dahil sa trabaho. Sana ay magawa mo ang pinakiusap ko sa'yo, Jane. Ayokong magkalapit sila dahil nagiging tanga ang kapatid ko."
"Tsk. Susubukan ko, Ma'am ha? Pero hindi ko maipapangako. Nakay Ma'am Regina pa rin po kasi 'yon kung marupok siya."
"Just do what you can. Huwag mong palalapitin si Blair sa kanya as much as possible or just be close to her." Tumunog ang phone ni Ma'am. Mabilis lang niya itong binasa. "Nasa Vanguardia Entertainment na daw si Regina sabi ni Lexi. Puntahan mo na."
Naabutan ko pa si Brian sa garahe. "Uy, Nano. Bakit nandito ka pa? Off mo?"
"Hindi. Pupunta ako sa VE. Ikaw ba?"
"Tamang-tama. Doon din ako pupunta. Pero susunduin ko pa si Ma'am Blair."
"Ha? Bakit? Sinong nag-utos sa'yo?"
"Si Sir Ruru. Sabay ka na ba?"
"Hindi. Gagi. Kaya ko na."
---
"Highblood ba si Ma'am Regina?" tanong ko agad kay Lexi pagdating ko. "Wala rin si Asher?"
"Oo. Siya lang ang dumating kanina. Mag-ingat ka diyan kung papasok ka. Nambabato ng figurin si Ma'am pag badtrip."
Napalunok ako sa warning niya. Dapat yata naka-protective gear ako e. Paano na 'tong kape na dala ko?
"Lex, itawag mo muna kay Ma'am Regina kung pwede akong pumasok."
Ginawa naman niya. Hay! Kahit papano ay nabawasan nakahinga ako nang maluwag nang pumayag siyang istorbohin ko siya. Dahan-dahan kong pinihit ang siradora ng pinto. Inuna kong ipinasok ang kamay ko para makita niyang may bitbit akong kape.
"Ma'am Regina, peace offering. Kape para kabahan po kayo. Pwede na po ba akong pumasok, Ma'am?"
"Come in."
Nice! Tuluyan na akong pumasok. Nakatutok siya sa mga papeles.
"Kape para sa aking number one boss. Pwede kong ilapag sa mesa niyo?"
Nag-angat siya ng tingin. "May iba ka pa bang boss bukod sa akin?"
Umiling ako saka nangiti. "De the only one boss of my layp? Haha! Doon na lang kaya sa sofa magkape, Ma'am? Parang kanina ka pa diyan e."
"Ano nga ulit kita, Custodio?"
"Hmm. Bodyguard at..." Nag-bend ako para mahinaan ko ang boses ko. "Kunwari po jowa. Saka ibabalita ko lang din sa inyo na sinusundo ni Brian si Ma'am Blair po. Papunta daw po dito. Utos ni Sir Rudolf."