HEARTLESS LOVE #JANEDELEON #JANELLASALVADOR #JANENELLA #DARLENTINA
JANE'S POV
Kinakalampag na ako ng alarm clock. Snooze ka diyan! Pikit muna ako konti. 10:00 pa naman ako pinag-rereport ni Ma'am Regina. Grabe! Salamat sa flexible na oras ng trabaho.
Parang may nauulinigan akong kakwentuhan ni Lola. Baka si Reign. Nambibigla na naman ng pagbisita. Kahit papano ay nasanay na rin akong nandito siya.
"Hihintayin na lang po namin siya..."
Napamulat ako. Hindi si Reign 'yon! Dali-dali akong bumangon. Lakad-takbo ako patungo sa kusina. Ilang hakbang lang naman pero hiningal ako. Pucha naman!
Siya nga! Mas maaga pa sila kay Brian! Grabe 'tong mag-ante na 'to!
"Ma'am Regina!"
Nagulat din yata siya sa itsura ko. Napako ang tingin niya sa dibdib ko. Bigla akong nahiya! Manipis lang ang suot kong tshirt e. Saka hindi ako naka-bra. Takip agad ng dibdib! Haha! Shit naman!
Nananaginip ba ako? Parang nangyari na 'to. Saktong naman bumukas ang gate at tumahol si Fifi. Anglakas ng boses ni Brian! Pagtingin ko kay Ma'am Reign at Ma'am Regina pareho silang nakahalukipkip.
Gagu! Hindi ito panaginip dahil 'yong pag-aabot ng kilay ng dalawa, real na real!
"Saglit lang, La. Magbihis lang ako."
"Lola Dearest! Good mor—"
Natigilan din si Brian saka napatingin sa akin. Parang automatic na nag-play sa isip ko 'yong tugtog na may lyrics na "Do you get déjà vu?"
"Parang nangyari na 'to." Sambit niya.
"Nangyari na talaga. Maupo ka na doon. Sana nagdala ka ng tinapay."
---
Umalis na rin si Brian pagkatapos maki-almusal. Sina Reign naman at lola nagdidilig ng mga halaman sa labas. Si Ma'am Regina, heto kinorner ko dito sa favorite kong spot ng bintana.
"Anong ginagawa niyo dito, Ma'am?"
"May program sa school ni Reign. Her dad is on a business trip kaya ako ang mag-aattend. Ako at ikaw."
"Ha? Bakit ako?"
"'Coz I said so? Nga pala bakit napaaga ni Brian? Does he always do that?"
"Normal na 'yon sa amin, Ma'am."
"Normal din na haharapin mo siya na wala kang bra?"
"Hindi! Nagba-bra ako kapag may ibang tao 'no! Grabe ka sa akin, Ma'am." Pinag-krus ko ulit ang braso ko sa tapat ng dibdib ko. "Ma'am ha? Napaghahalata. Haha!"
Pinaningkitan na naman niya ako. "I can't find the courage to talk to your lola."
"Tungkol saan naman 'yon, Ma'am?"
"This supposed to be panliligaw sa'yo."
"Kailangan pa ba? Kahit huwag na. Ako na lang magpapaliwanag. Saka parang kabado trenta ka, Ma'am! Haha!" Maalala ko 'yong buesita nila kagabi. "Kumusta pala 'yong friend ng ex mo, Ma'am? Sigurado naichika na niya 'yong yakap. Hahaha!"
"She keeps on mentioning Blair and a possible collab sa work. I'm giving that project to Kuya if ever."
"Ganyan, Ma'am! Huwag paapektuhan sa emotion kapag pera ang pinag-uusapan."
"I don't know. I still don't want to see her."
"E di don't. Ako na lang tingnan niyo, Ma'am. Cute ko kaya." Nagtaas-baba pa ako ng kilay. "Okay din 'yong deal natin, Ma'am e. Makakapagpraktis din ako na may jowa-jowaan haha! Baka pag nagkajowa ako perfect girlfriend na ako. shit! The one!"