HEARTLESS LOVE CHAPTER 34 #JaneDeLeon #JanellaSalvador #JaneNella #Darlentina
JANE
@Swell Surf Lodge
Kagagaling ko lang sa beach pero heto, dagat ulit! Enjoy ang outing! Ganito ang bonding! Happy-happy sa first sweldo. Three days, two nights ang in-avail namin. Achievement unlock dahil kami ang nanglibre. Panggulat nga si Marco kasi sumama. Akala ko e nalimot na niya ang kanyang promise. 'Yon nga lang hindi siya pwedeng sumama sa pictures. Haha! Pinagtataguan pa rin niya si Cindy. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan ay iti-timbre ko na siya.
Inuman na! Tinimpla ni Marco ang soju. Sosyal na kami dahil hindi na gin ang iinumin namin ngayon. Umi-international drinks na kami. Anneong haseyo! Anneong lupa! Anneong tubig!
"Sayang naman. Hindi tayo makapag-picture. Employed na tayong tatlo. Goal natin 'yon 'di ba?" sabi ko sa dalawa. "Ito kasing si Marco, gusto pang magpahabol kay Cindy."
"Hindi ako nagpapahabol, okay? Ayoko rin namang mapahamak siya. Kumbaga, ginagawa ko ito dahil sa pag-ibig."
"Haha! Yiiie! P're! Korni mo!" pang-aasar ni Brian sa kanya. "Pero angpogi-pogi mo ha. Deds na deds sa'yo 'yong ex mo."
"Pogi naman talaga tayong tatlo. Ito ngang si Jane, tingnan mo binakuran na nang matindi! Hahaha. Malakas naman ang kutob kong may magkakagusto sa kanya na babae, P're, pero 'yong isang Vanguardia? Anglakas mo, Lods!"
Pinalakpakan pa niya ako e. Gago din talaga siya.
"Basta suporta lang kami, P're. Tandaan mong pwedeng idemanda ang tsismosa, okay? Sagot kita diyan. 'Di ba, Bri?"
Tumango si Brian. "Oo naman."
Mga tropang tunay talaga 'tong dalawang kumag e. Si Marco ang nagbabangka ng kwentuhan. Naiipit nga daw siya sa sitwasyon dahil pinagbabantaan ang buhay niya.
"Grabe talaga ang mga matapobre 'no?" komento ni Brian. "Gamit na gamit ang pera. Akala mo naman ikakabuti nila 'yong pagtapak-tapak sa ating mahihirap."
"Naawa ako kay Ma'am Cindy," sabad ko naman. "Sa tingin ko naman ay mahal ka niya, P're."
"Buntisin mo kaya, P're?" Suhestiyon ni Brian. "Alam mo 'yon. Hindi daw matatanggihan ng mga magulang ang apo e."
"Gagu!" Napalo ko na siya sa braso. "Pangit ng mindset mong 'yan, Pigsa. Lasing ka na ba? Haha! Oh, shot mo na!"
Inabot ko ang shot niya.
"Nag-suggest lang naman e. grabe. Malay mo 'di ba?"
"Ate Jane!" Lakad-takbong lumapit sa amin si Ding. "Ano 'yang iinumin niyo? Patikim naman."
"Ilang taon ka na ba? Baka magalit si Lola." Nagtanong pa si Marco inabutan din naman. "Huwag mong sabihin kay Lola ah. Malalagot kami."
Ang loko! Tumatlong shot pa! Gusto pa pumirmi dito e baka ako naman ang malagot kay lola.
"Uy, Ate. Sabi ni Lola huwag ka daw mag-inom nang marami."
"Oo na. Balik ka na doon. Huwag mong sabihing pina-shot ka namin."
---
Panay na ang hikab ko. Pampaantok pala 'tong soju e. Itong dalawa naman bidahan na ng mga naging chix noong college.
"Jane, ikaw lang 'yong may jowa na hindi tutok sa cp." Pansin sa akin ni Marco. "Baka mamaya kami ang awayin ni Ma'am Regina, ah. Inosente kami dito."
"Nami-miss mo lang yata ang may ina-update e!" pang-aasar ni Brian sa kanya.