Chapter 5

1.4K 66 5
                                    


JANE

"Fifi! Hinintay mo ako 'no?"

Nauunawaan siguro ni Fifi ang sinasabi ko. Panay kawag ng buntot e. Gustong-gusto pa niyang hinahaplos ko ang tiyan niya.

"Sus naman! Napuyat ka pa tuloy. Oh, tulog ka na."

May sarili naman akong susi pero itong si Lola hinintay pa talaga ako. Anong oras na oh. Dapat e mahimbing na ang tulog ng lola dearest. Nakuha pa talaga niyang magkape. Inalok pa nga ako.

"Lola naman. Hindi ka na bata para magpuyat."

"Hindi kasi ako sanay matulog nang wala ka pa."

"Paano na lang kung may trabaho na ako? E hindi naman sure ang oras ng uwi ko lagi. Magbago ka na lola. Huwag ka nang puyaters. Binilhan pala kita ng beger, oh."

Natuwa siya sa pasalubong ko sa kanya. "May aalmusalin na ako bukas. Oh siya magpahinga ka na. Maaga ka ba bukas? Ipagluluto kita ng masarap ng sinangag at tuyo."

"Hindi po pero ipagluto niyo pa rin ako." paglalambing kay Lola. "Tulog ka na rin, La. Double check ko lang ang gate tas mga pinto."

Pumasok muna ako sa kwarto ko. Kinuha ko sa sling bag ang mga bagong jollytoys ko. Pangdagdag sa collections!

Malapit nang mapuno itong stante. Alagang-alaga namin ito ni lola dahil ito na lang ang alaala nina Nanay at Tatay. Binili nila ito para kay Lola. Paglalagyan niya ng mga gamit sa hapag kainan na pang-espesyal na okasyon lang.

Bale, 'yong ibabang bahagi ay para sa mga kobyertos niya. Itong itaas naman ang para sa aking mga jollytoys. Angcute nitong bagong edition nila. Mga trolls na chibi. Labas tiyan pa nga 'yong isa. Cute naman. Ni-lock ko na ulit ang stante. Nakakatuwa silang pagmasdan!

Lumabas muna ako para siguraduhing nai-lock ko ang gate. Si Fifi tinatahulan na naman ako. May nakikita yata siyang hindi ko nakikita.

"Nakakahiya sa kapitbahay, Fifi. Shut up ka."

Hindi natigil! Tsk tsk! Kinuha ko iyong maliit na upuan. Kukutuhan ko muna itong si Fifi. Hindi pa naman ako inaantok.

"Hoy, Fifi. 'Pag may work na ako behave ka. Huwag mong paalisin si Nanay."

"'Pag sumagot 'yan, huwag kang tatakbo. Hahaha! Buksan mo muna 'tong gate."

Bueset 'tong si Brian! Umakyat pa sa gate para sumilip.

"Ano bang ginagawa mo dito? May naiuwi ba akong gamit mo?"

"Wala. Hindi ako makatulog kaya idadamay kita. May dala akong kape! Haha!"

Binuksan ko na nga ang gate. Alasdose na e nakuha pa niyang mang-istorbo. May dala nga siyang thermos, kape at dalawang tasa. May tinapay pa!

Ako na ang nagtimpla gaya ng nakagawian. Inamoy pa niya ang aroma ng kape bago humigop.

"Sarap naman talaga, Nano."

"Hindi ko na sana nilagyan ng asukal 'no? bueset ka. Akala mo katangkaran."

Tatawa-tawa siyang nagsawsaw ng tinapay sa kape. "Alam mo ba? Balita ko made-destino tayo sa mga Vanguardia."

"Oh, tapos?" Kung makapagsalita naman siya parang nakakatakot 'yong pamilya. E mas nakakatakot kung walang maihaing pagkain sa mesa.

"Nakausap ko 'yong mga dating bodyguard nila. Dapat daw iwasan 'yong bunso. Si Miss Regina."

"Bakit daw?"

"Masyado daw masungit. Tapos nananakit pa daw. Pinabugbog pa nga sila."

Bigla akong kinabahan sa parteng pinabugbog.

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon