Chapter 27- "Closet"

1.3K 56 32
                                    


JANE'S POV

"Lola! Grabe! Angganda po dito! Tingnan niyo 'yong view oh!"

Nasa balcony ako ng hotel Nueva Vista. Binibida ko kay lola ang napakagandang view ng dagat!

"Hindi ka ba nahilo sa byahe, Apo?"

"Hindi po. Binilhan ako ng gamot ni Ma'am Regina po. May baon pang plastic. Nakakahiya! Hahaha!"

"Buti naman. Hindi pala niya nalimot ang mga bilin ko sa kanya. Saan nga pala siya?"

"May kausap po si Ma'am. 'Yong manager yata."

Saktong bumukas ang pinto. Mukhang badtrip si Ma'am na naman. Araw-araw yata nababadtrip.

"La, tawag po ako ulit mamaya."

Binulsa ko na ang phone ko. "Bakit init ulo na naman kayo, Ma'am Regina?"

"The other room na dapat io-occupy mo ay binigay nila sa iba. God! Sabi ko naman dalawang room ang kukunin ko e."

"E anong problema d'on, de dito ako."

"Is it okay with you? I mean..."

"Kasi?"

"Wala. I just thought hindi ka komportable na nasa iisang room tayo..."

"At iisang kama. Haha!" Dugtong ko. "Keribels lang 'yan, Ma'am. De 'yong matitipid niyo ibili natin ng maraming pasalubong. Saka anglaki ng kama. Kasyang-kasya tayo."

"Okay. Sabi mo e. Gutom ka na ba? Is it okay if we go out for dinner mamaya? Then I'll post it. Ano lang, kunwari we're getting close? Alam mo na ang ibig kong sabihin. Fancy date or something."

"Ayoko ng magarbo, Ma'am ha? Kahit doon lang tayo sa mga nasa gidli na resto. Ayoko ng may pa-led-lights pa o violin. Anggastos n'on. Hindi naman tayo true e."

"Well, atleast I can date you naman sa paraan na gusto ko."

"Bahala ka, Ma'am. Ikaw naman ang gagastos e." Dumapa ako sa higaan. "Anglambot. Pucha. Gusto kong bumili ng ganitong kama."

"Jane..."

"Uy!" Umupo ako bigla. "Ma'am, ulitin niyo nga po?"

"Alin?" Pinatong ni Ma'am sa kama ang maleta niya saka inumpisahang ilabas ang mga gamit niya. "Ilagay mo sa closet 'yong mga damit mo. Mag-stay tayo dito ng ilang araw dahil sa wedding. Bukas darating 'yong mga wardrobe na pagpipilian natin ng isusuot."

"Ma'am Regina, tinawag niyo ako sa pangalan ko. Ulitin niyo nga. Dali na po, Ma'am."

Naiirita na naman ang tingin niya sa akin.

"Sige na ah. Para kasing tunog mayaman. Haha!"

Tumigil siya saka tiningnan na naman ako nang masama. "Inuuto mo ba ako, Custodio?"

"Grabe! Bilis magbago ng mood. One-word lang ang name ko. Hindi pa mabanggit-banggit. Kay pag si Asher first name basis. Pag ako apilyedo. Mas maganda kaya na tinatawag sa pangalan."

Hahaha! Malapit na siyang mapikon. Ramdam ko na! Napikit at huminga na siya nang malalim e.

"Fine. Jane, okay na? Happy ka na, Jane? Huh?"

Nagtaas-baba ako ng kilay. "Nagiging expensive ang pangalan ko talaga. 'Yan. Para masanay kayo, Ma'am. Baka 'pag kaharap niyo si Miss Blair e tawagin niyo akong Custodio. Hahaha! Gusto niyo naman Bebelabs_Jane_Mapagmahal. Haha!"

Ibato ba naman sa akin ang tshirt niya. Sapul ako sa mukha! Haha.

De tinupi ko na lang nang maigi. "Bango, Ma'am. Amoy baby....ko! Hahaha!"

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon