JANE
Dinaldalan ako ni Regina kasi pumayag ako sa alok ni Miss Pauleen. E grabe naman kasi. Accountability ko 'yon kasi binasag ko 'yong vase. Angmahal pala ampucha! E siyempre ang reply ko lang sa mahabang message niya ay smiley gif. Haha! Tas sinundan ko ng sad gif tas mukha ko din na kunwari masama ang pakiramdam. E de okay na agad.
Kaso dalawang araw na siyang hindi nakakapasyal dito. Busy ang anteh sa minicon.
Bored na bored na ako dito sa bahay. Huhu. Nakakaiyak naman. Herbal kape na naman ang iniinom ko. Masuka-suka na ako dito. Itong si Brian, tinatawanan pa ako.
"Ubusin mo 'yan, hoy. Mabisa 'yan sa cleansing."
"Saan-saan mo ba 'to napupulot ha? Pigsa naman. Purgang-purga na ako sa mga herbal."
"Haha! Para hindi ka mahimatay next time na manuntok ka. Haha!"
"Lagi na lang kayong nagbabangayan. Si Marco ba hindi pupunta dito? Ilanga raw ko nang hindi nakikita ang anino ng batang 'yon." Nilapag ni lola ang bandehado na puno ng pancit! Huhu! Napakabango! "Sayang at abala din si Regina. Hindi niya matitikman itong luto ko."
"Dadalhan ko na lang kaya lola? Malakas na ako oh." Nag-flex pa ako ng biceps ko. "Baka may ipapadala ka pa."
"Naku. Magpahinga ka na muna, Apo. Putlang-putla ka pa. Huwag mo namang ipahalata na miss na miss mo si Regina. Konting pakipot naman, Apo."
Sige! Angsaya nilang pagtawanan ako. "Huwag kang mag-alala, Nano. Solid Jane Custodio si Ma'am Regina. Kaso dragon na naman sa VE. Napi-pressure siguro sa concert. Aligaga ang mga tao doon."
May bumusina. Si Brian na ang tumingin sa may bintana.
"'Yong team na sinasabi ni Ma'am Regina na tutulong sa bortday, Nano. Grabe naman. Isang van? Anong gagawin nila?"
Huh? Sabi ko naman hindi kailangan maging bongga. Naku! Natawa ako nang makita ko ang mga nagsibabaan. Hahaha! May pictorial pa si Lola!
"Good morning, Miss Custodio. We're from VE po. Ready na po ba si Ma'am Lola para sa pictorial niya?"
"Hmm. Oo na lang po. Liligo lang siya at mukhang na-shock. Haha! Si Regina talaga. Hindi naman niya kayo pinilit, ano po?"
"Naku Miss, hindi po. Sobrang pressure po sa VE ngayon. Mas gusto namin magtrabaho dito sa inyo muna."
Si Lola na ang kinausap nila. Siyempre ang gusto ni lola ang masusunod. Aba! Ang gusto ay kasama sa pictorial niya ang mga amigas niya! Jusko po naman ang lola.
"Nano, check ko muna mga invitations kung naipadala na lahat. Puntahan ko rin si Kapitan."
"Sige, sige."
Iwas na iwas si Brian kay Fifi. Haha! Ewan sa asong 'to biglang uminit ang ulo sa kanya e.
Chinat ko si Lexi. Kinamusta ko sila sa VE. Nag-send ng video na nagha-highblood si Regina. Hay! Kulang na lang talaga umusok ang ilong niya.
Kaka-send lang ni Lexi ng picture ni Regina. Nakapameywang na naman.
Matawagan nga. Sobrang busy naman! Dalawnag beses pa akong tumawag bago niya nasagot.
"Jane..."
"Hmmm? Jane?"
"Hon! Uhm hello. Sorry. I'm too pre-occupied. How are you? May problema ba?"
"Oo e."
"What is it? Tell me. May masakit ba sa'yo?"
"Regina kasi..."