JANE
Grabe din 'yong kaba ko habang nagmamaneho! Baka maibangga ko itong kotse ni Miss. Kulang pa ang buhay ko sa pambayad nito panigurado! Napapatingin ako sa salamin. Favorite pose siguro niya ang paghalukipkip at pag-aabot ng kilay.
"Eyes on the road."
Shit naman. Nahuli pa ako e. Malas! Tsk. Dalawa lang kami ni Asher. Salitan siguro kami sa day off. 'Yon agad ang iniisip ko! Haha! Kasi kung duty naman siguradong makakauwi lang ako kapag nakauwi na rin si Miss.
Narating na namin ang Vanguardia Commercial Building. Wow! Matindi talaga ang pamilya nila. Imagine, What if pinaparentahan pa nila ang ibang offices dito. Angdaming kaching-kaching n'on! Sanaols na muna.
Hindi ko maiwasang tingnan ang mga signage. Halla! Dito ang location ng Vanguardia Entertainment! Angdaming famous influencers ang under nila. Sinusubaybayan ko pa nga 'yong iba.
"De Leon! Anong tinutunganga mo diyan?!"
Oh shit! Nasa entrance na sila ni Asher. Baka isipin ni Miss napakapabaya ko sa trabaho. Na-amaze lang kasi ako. Binilisan ko na ang paglalakad para abutan ko sila.
Narating na namin ang floor ng Vanguardia Entertainment. Itong mga empleyado niya parang takang-taka na may mga kasamabg bodyguard si Miss. Tapos magbubulungan. Parang na-imagine ko na ang kani-kanilang iniisip. Kung iba-bases sa mga sesmes ni Brian, baka iniisip nilang 'Bagong bodyguard na naman! Hindi 'yan magtatagal siguro. May susungitan na naman si Ma'am."
"Lexi, ano ang schedule ko ngayon?"
Secretary niya siguro 'yon. Aligagang tumayo saka binuksan ang clipboard. Pinagbuksan ni Asher si Miss Regina. Mukhang gamay na gamay na niya ang bawat gawain ng isang bodyguard. Alam ko naman ang mga 'yan! Duh! Nauunahan lang ako ng gulat for chudey's bidyow.
Hinintay n'ong Lexi na makaupo si Miss Regina saka niya binisa ang mga nakatakda niyang gawain ngayong araw. Hanggang 8:00 ng gabi ay mayroon pa siyang schedule. Mukhang frist day pa lang ay mapapasabak na kami sa overtime.
"Thanks, Lexi. 'Yong dinner with the vloggers, i-finalize mo kung sino-sino ang pupunta. Patingin rin ng update sa mga new contents nila. Each platform, Lexi. I need it by 3:00 Pm."
"Right away, Ma'am."
Lumabas na ang secretary niya. Bumaling sa amin si Miss Regina. Hindi ko mabasa ang kanyang expression. Basta pirmi na parang lagi siyang galit. Totoo nga yata na lagi siyang may masamang balak sa mga nagiging bodyguards niya.
"Si Kuya Paolo ang magdi-discuss ng inyong salary. As for your work, wala akong fixed schedules. Your work is done kapag nakauwi na ako. Who knows kung anong oras. Are you willing to sacrifice your time?"
Pareho kaming sumagot ng oo.
"May dalawang araw kayong day off. Mag-usap kayo kung anong schedule niyo. Pwede namang sabay."
"Ma'am, hindi po pwede." Sagot ko agad. Shit naman! Napatingin tuloy siya sa akin. Tsk! Angdaldal ko naman kasi! "Kabilin-bilinsan po ni Sir Phonse na hindi magsabay-sabay ng day off. Your safety is our priority, Ma'am."
"Kung nasa bahay lang ako kailangan pang bantayan?" sarkastikong tanong ni Miss.
Walang balak sumagot nitong si Asher! Tsk! Hindi ako pwedeng mapahiya. Ginusto ko 'to e. Dopat hindi ipakita kay Miss Regina na nakakakaba ang presensya niya. Laban, Self!
"Binabayaran po ang oras namin, Ma'am. Dapat pong sundin ang kontrata. Kahit nasa bahay lang kayo ay magdu-duty po kami. On call po, baka may biglaang lakad kayo."