JANE'S POV
Gusto ko nang matapos ang mga meeting ni Ma'am Regina dahil gulong-gulong-gulo ako sa sinabi niya kanina. Gusto ko lang naman makabawi sa mga kasalanan ko tapos biglang Jowa ang magiging papel ko? Ne hindi pa nga ako nagkakaroon ng boyfriend tapos ang seste magkakaroon ako ng gelpren? Hindi ako homokojic, nasa-shock lang akong tunay.
Hindi kalayuan ang kinatatayuan namin ni Asher sa mesa nina Ma'am Regina. Nasa pampublikong lugar kami kaya kailangan ay maging alerto.
"Tingnan mo naman kung gaano ka-intilehente tingan si Ma'am Regina," puri ni Asher. "Women empowerment."
Majority ng mga ka-meeting ni Ma'am ay babae. Mukhang nakikinig naman at sumasang-ayon sa kanya ang mga ka-meeting niya. Si Ma'am ang Mama Duck. Haha! 'Yong mga ka-meeting niya ay mga bibe duck! Panay lang ang tango sa kanya e.
Nasobrahan yata sa talino sa Ma'am Regina e. Bakit naisipan jumowa ng babae. Baka gusto mag-experiement? Itong si Ma'am parang tanga talaga minsan. Kukuha na nga ng majojowa, 'yong hindi niya pa ka-level.
Sabi ni Ma'am Regina "girlfriend for a couple of months". Ibig sabihin ba noon makakatanggap ako ng bonus kay Sir Paulo dahil kung sakali makakaisang buwan ako sa serbisyo?
Hu-wait lang! Marami-raming pera 'yon! Ibig sabihin secured na ang birthday ni Lola! Baka sumobra pa nga! Makakabili ako ng appliances! Mapapalitan ko na 'yong refrigerator naming na sing-edad ko na. Makakabili na ako ng tv na flatscreen!
Nahuli niyang nakatingin ako sa kanya. Weh? End of the world na ba? Bakit siya ngumiti? Kinilabutan ako. Pucha. Lumingon pa ako kasi baka may ibang tao e. Baka kako tumagos lang sa akin 'yong ngiti ni Ma'am.
"Hoy, okay ka lang ba?" Siniko ako ni Asher.
"Ha? Oo. Baka may dumaan lang na multo kaya nagsitayuan ang balahibo ko."
"Angyaman namang multo niyan sa five-star resto pa talaga." Natatawang sagot niya.
---
Nagsialisan na ang ibang ka-meeting ni Ma'am Regina. Maliban doon sa isang medyo mature na babae. Hindi ko rin bet ang aura ng mga bodyguard niya. Babae rin sila pero mas pormahang lalaki. Jusko! Ganyan-ganyan itsura ng mga nagsisitsit sa kanto tapos pag nakursunada ka e gigripuhan ka kapag natsambahan kang mag-isa.
"Lapitan na natin si Ma'am Regina," Suhestyon ni Asher. "Ano 'yan si Mrs. Lambino e. Matinik sa chics."
"Pucha. Hindi nga? 'Di ba may asawa at anak naman siya."
"Basta komplikado. Chika ko sa'yo pag may time. Tara."
Dali-dali akong sumunod kay Asher. May kung ano siyang binulong kay Ma'am Regina. Elibs ako kay Asher. Kalmado lang. Ako kasi hindi kakalma sa tingin ng mga bodyguards ni Mrs. Lambino. Parang nararamdaman ko ang mga tusok ng icepick sa tagiliran ko.
"Mukhang bago na naman ang mga bodyguard mo, Miss Vanguardia."
Infairness dito kay Mrs. Lambino ha, hindi siya mukhang nambababae! Haha! Todo feminine pa nga ang make up. O sadyang mahina ang radar ko. Di bale na nga. Hindi ko naman 'yan dapat pinoproblema. Makikisesmes na lang ako kay Asher mamaya-dagdag kaalaman!
"Yeah. You know I hate bodyguards, but I don't know baka this time I'll get use to it. Right, Custodio?"
Nambibigla naman si Ma'am! Dapat iniinform niya ako kung may batuhan ng dialog.
"Ah . Opo naman. Quality kaya kami ni Asher. Very right po, Ma'am."
Humalukipkip si Mrs. Lambino saka tumingin sa akin. Hoy! Ano 'yan mula ulo hanggang paa. Judgmental naman ang tingin niya.