JANE
Napagalitan nga ako ni Miss Pauleen pero dinelete ko na 'yong message niya. Baka kasi mabasa ni Regina. Kinokonsinte ko daw kasi ang bunso nila. Hmm. Magle-leave kasi ako. Basta! Gusto ko rin naman siyang makasama habang hindi pa ako busy sa pagpe-prapare sa birthday ni Lola.
Traffic! Tulog si Regina.
Naiinis ako sa kanya e dahil si Blaire talaga 'yong iniisip niyang rason bakit lagi silang nagbabangayan ni Miss Gigi. Hindi ko na siguro 'yon matatanggal sa Sistema niya. Bahala na kung gaano pa ako maiinis sa babaeng 'to. Kung magsisisi man ako na bibigyan ko siya ng pagkakataon na ligawan ako e hayaan na-sa huli pa naman 'yon.
"Malapit na ba tayo?" tanong niya nang maalimpungatan siya.
"Malapit nang maubos ang pasensya ko sa trapik." Sagot ko naman. "Pwede ka pang maidlip."
Umayos siya ng upo sa hinarap ang phone niya. "Mag-live ako so I won't get sleepy. Hindi kita ipapakita ah. Kasi marami na namang magsasabi na pwede kang ligawan? Like. Nakakainis na sila."
As if walang nagko-comment sa live na niya pwedeng siya ang ligawan. Hay Naku ka Regina!
"Mamaya ka na mag-stream. Kapag busy na ako."
"Then make kwento na lang? hmm. Anything! Would you like to go on vacation with me again, Hon?"
"Next year. Kung okay pa rin tayo. Ngayon e. huwag ka nang gumastos nang marami. Hindi ka na nakakatuwa."
Sabi ni Miss Pauleen hayaan ko daw na gumastos tong si Regina kasi doon siya masaya pero ayoko rin nang sobrang gastos niya. Lakas maka-sugarmommy huh. N'ong kontrata pa ang namamagitan sa amin, okay lang. Kasiyahan niya 'yon e. Pero ngayon nanliligaw na siya, gusto ko sana ay less gastos. Hindi na praktikal na puro siya waldas sa akin.
"How can I help sa birthday ni Lola pala? Can I buy her something? Or can I give din ambag sa foods? Or what if band? Anong magugustuhan ni Lola?"
"Presence mo." maikli kong sagot. "Magugustuhan ko rin 'yon. Pero baka busy ka din n'on. Kahit late ka. Pumunta ka pa rin."
"I will siyempre! I'll cancel my sched that day."
Parang malabo 'yon! Ilang araw na lang bago ang mini concert 'yon.
---
Nakarating kami ng safe sa bahay. Si Fifi talaga napaka-bias! Hayan at parang winelcome pa si Regina! Ang asong 'to! May kinikilingan!
Nandito na rin sina Marco at Brian. Nagkakape na nga sila sa sala e. Hindi ko sila sinabihan na kasama ko si Regina kaya gulat pa sila. Haha! Muntik pang mabulunan si Marco!
Dumeretso na nga si Regina sa kwarto ko. Mukhang tototohanin ang hindi mang-iistorbo ah.
"Nano, anong ginagawa ni Ma'am dito? Nagtanan na kayo?" mahinang tanong ni Brian nang makapasok na sa kwarto si Regina.
"P're, mas matindi ka pala sa akin. Haha! Iniuwi moa gad! Lods, P're! haha!" May pagmasahe pa sa balikat 'tong si Marco e. Tukmol talaga 'to. "Hanep! Iba ka! Matinik!"
"Gagi! Ikaw diyan! Kayo na pala ulit ni Miss Cindy! Shutaka, Marco ha?! Baka ikapahamak mo pa 'yan."
Tinawanan lang ako ng gagu e. "Wala e. Tinamaan ni Kupido. Kakayanin naman, P're. Huwag kang mag-alala. Nakakatapang ang pag-ibig."
"Ewan ko sa'yo. Teka, tingnan ko 'yong invitation mamaya, Pigsa. Puntahan ko lang si Regina."
"Sige sige. Pahiram ng extension para sa outlet. Alam mo namang de-saksak itong laptop ko. Haha!"