JANE'S POV
Nabalikwat ako ng gising! Parang pinitik bigla ang magkabilang sintido ko. Grabe! Wait lang. Anong ginagawa ko sa kwarto ko? Teka nga. Rewind ng mga nangyari kagabi.
Sugod kami sa bahay ni Ma'am Cindy kasi broken siya. Muntik na ako makipagsagutan sa magulang niya. Hinila ako palabas ni Ma'am Regina. Tinulak niya ako sa may kotse. Shit naman. Parang otomaik na sumakit ang likuran ko. Fast forward na nga. Pumunta kami sa bar tapos...
"Tanginuh!"
Hinatid ba ako ni Ma'am Regina?! Nakakahiya ka Jane! Madali kong hinanap ang selpon ko. Asan ba 'yon? Wala 'yong bag ko dito. Shit!
Nagmadali akong lumabas ng kwarto. "'La! Sinong— Brian."
"Uy, Nano! Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Anong ginagawa mo dito? Saka paano ako nakauwi?"
"Naku kang bata ka. Nakakahiya ka. Suka ka nang suka pagdating niyo. Bakit ka naglasing? May problema ka ba?"
Umiling ako. "Na-carried away lang ako, La."
Natawa si Pigsa. Bueset 'to.
"Tinawagan ako ni Ma'am Regina. Pinasundo ka sa bar. Nakakahiya kang tunay, Nano. Inubos mo 'yong alak tapos sarap na sarap ka ng higa sa sofa. Bigatin mo, Lods! 'Yong boss mo ang nagbantay sa'yo. Haha!"
"Si Ma'am Cindy? Kasama namin si Ma'am Cindy kagabi."
"Aba, ewan ko. Kayo lang ni Ma'am Regina ang nadatnan ko doon. Buti nga hinintay pa ako. Natakot pa nga ako kasi kunot ang noo tapos nakakahiya ka talaga. Sorry ka pa nang sorry kay Ma'am. Ginawa mo pang santo! Haplos-haplos mo pa ang buhok niya tapos magku-krus ka. Haha! Nakakahiya ka!"
Tanginuh! Angdami kong nagawang kahihiyan! Tulala akong dumulog sa mesa. Hindi kaya sisantehin ako agad?
"Kumain ka na muna, Apo. Nagluto ako ng sopas."
"'La, kung masesanti ako sa trabaho patawarin mo ako ha? Hanap na lang ako agad ng bagong raket."
"Pinapasabi ni Ma'am Regina na huwag ka munang mag-duty ngayon. Bukas ka na lang daw mag-report. Nakakahiya ka talaga, Nano. Alagain ka kapag lasing."
---
Mag-a-alas-tres na. Iniinda ko pa rin ang sikmura ko at maya't mayang pagsakit ng ulo ko. Kasalanan ng mahal na alak 'to! Tambay muna ako dito sa bintana. Magandang tumambay dito dahil pasok na pasok ang hangin.
"Meryenda ka muna, Jane. Bumili ako ng banana cue sa labas. Gusto mo pa ng kape? O tsokolate? Iinit ko iyong cocoa kung gusto mo."
"Tubig malamig na lang po, La. Parang mainit ulo ng mga alaga ko e."
"Ikaw naman kasi, bakit ka naglasing."
Umayos na ako ng upo. Naikwento ko ang mga naalala ko sa mga ganap kagabi. Uminit na naman ang ulo ko sa mga binitawang salita ng mag-asawang hukluban.
Tinapik ni Lola ang binti ko. "Jane, pumunta ka ba doon bilang kaibigan ni Marco o bilang bodyguard ni Ma'am Regina?"
Hindi ako sumagot. Alam ko kasing mali ako e. "Nakakainis kasi. Grabe silang manghamak ng mga tulad natin. Akala mo naman mga pataygutom tayo na sabik na sabik sa pera nila."
"Dahil may mga ganoong tao talaga. Gaya ng hindi lahat ng mayayaman ay matapobre. Habaan mo ang iyong pasensya, Apo. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong lumaban. Humingi ka ng paumanhin sa boss mo. Sa inasta mo ay hindi mo ikinonsidera ang iyong tungkulin sa kanya."