Chapter 36- "Tangina, Jane!"

1.4K 65 7
                                    

HEARTLESS LOVE CHAPTER 36

#JaneDeLeon #JanellaSalvador #JaneNella #Darlentina

JANE

Nagising ako sa lakas ng tugtugan. Halla! Napaayos ako ng upo.

"Regina..." baling ko kay Ma'am. "Matagal pa akong nakaidlip?"

"Yeah."

"Galit ka pa ba?"

"Kumain ka na lang. Here." Iniusog niya sa tapat ko ang isang order ng rice and sisig. "It tastes okay lang. But food in Bora is better."

Hindi ko na ito hihindian dahil nagugutom na rin ako. Napansin kong ubos na ang laman ng dalawang shot glass sa harapan niya.

"Nag-rice ka?"

Umiling siya.

"Regina naman e. Bakit ka uminom nang hindi nagra-rice?"

"'Coz I can tolerate alcohol and hindi ako magsa-sign of the cross 'pag lasing?" sarkastiko pa niyang sagot. "Eat. Then aalis na tayo."

Hindi na ako mag-iinarte pa. baka biglang mag-walk out e. Buti nga kinakausap na ako hindi gaya kanina na para akong hanging amihan.

May dumating pang isang order ng fries at softdrinks.

"Angtakaw mo naman. Dami mong order."

"That's for you. Ubusin mo."

"Daya ah! Sa'yo alak? Sa akin softdrinks? Hustisya." Pero nauuhaw na ako kaya dinampot ko na ang bote ng softdrinks.

"Wait." Kinuha niya ito sa akin. Pinunasan niya ang bibig ng bote. "You should always do this. Kahit saan ka kumain."

"Oo na po, Mommy." Pang-aasar ko sa kanya. "Goods na tayo. Sugar mommy? Hahaha!"

Tumango siya pero hindi ko pa rin feel na good na goods na kami. Magpapakamabuting nilalang na talaga ako.

"Your phones keeps ringin kanina. Tumatawag ang lola mo."

"Sinagot mo?"

"Hindi. But I texted her that you're asleep."

"Hay. Buti naman. Nag-aalala na 'yong siguro sa'yo. Mas mahal ka na noon kaysa sa akin na apo niya e." Kumuha ako ng isang pirasong fries. "Tikman mo, dali. Mukhang malinis naman dito e."

"I'll get mine na lang."

Nagtangka siyang dumampot ng isa pero pinalo ko ang kamay niya. "Sabi mo goods na tayo. De pwede na kitang pagsilbihan nang very light? Say Ah na kasi."

Inirapan ba naman ako. "You and your silly acts, Custodio. Bilisan mo na diyan."

"Jane kasi dapat itawag mo sa akin. Hindi apilyedo ko." Kunwaring pagtatampo ko din ah. Siya lang may karapatang magtamporurots?

De sinubo ko na lang ang fries. Pahiya ako doon ah! Tsk! Naaninag ko ang password ng wifi ng bar. Hihi. Team poor data ako kaya sinamantala ko na ang komonek!

Sunod-sunod ang notifs naman ng selpon ko. Feeling ko may mga matatalim na matang nakatingin sa akin.

"Ito na nga. Kakain na nga muna bago magselpon."

Sinalinan niya ng malamig na tubig ang baso pagkatapon niya itong punasan. Wala namang namamatay sa dumi.

"Nakapagpahinga ka ba? O nag-work ka agad?"

"Ate Pauleen is in charge. I just went to a bar. Hired a stripper. Nahuli ako ni Ate. Cindy saw Ding's post and here I am. In flesh."

"Wait." Napahawak ako sa braso niya. "Stripper? As in 'yong mga nagsasayaw tas nagtatanggal ng damit? Ganito?" Gumiling pa nga ako nang very light para i-demo e.

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon