REGINA
Damn! I was just teasing her!But it's too late! My lips just touched hers! God! Nabuwal kami sa lakas nung alon. I manage to hold her waist. Panay ang hilamos niya tuloy.
Umahon na rin kami. Natatawa pa talaga siya.
"Gagi! Alat ng pers kiss ko! Lasang Boracay! Haha! Ma'am naman kasi!"
I thought magagalit siya! That's a relief! Anglambot ng labi niya. Damn! What am I thinking?
Inabot niya sa akin ang shirt ko. "Dami-dami mo kasing alam. Naku! Natuluyan ampucha."
"My bad. Sorry."
"Okay na, aksidente naman 'yon. Sisihin natin ang alon! Haha!"
---
We're having mini bonfire by the beach. We bought a bucket for beer, rice meals and chichiria.
"Angdaming resto, you chose to eat here. I could treat you in the most expensive resto around Boracay. May five-star resto dito."
"Hep! Huwag nang magreklamo." She pointed at the sky. "Billion-star dinner pa. Paramihan ng stars oh."
Binuksan niya ang styro ng rice meal saka inabot sa akin. "Kain well ka, bago ka mag-beer-beer".
She posted our pictures in her account. She created an album for it. Regina and Jane only ang album title. May tatlong rainbow emoji at tatlong heart emoji pa. She proudly shows it to me. Cute.
She has these kwentos that she can't go to night swimming noong nag-aaral pa siya kasi nag-aalala daw ang lola niya.
"Kahit nga sina Brian at Marco hindi ako pinagpapaalam sa lola kasi alam nilang hindi siya papayag. Alam mo ba ang rason ni Lola?"
"Kasi delikado?" I answered confusedly.
"'Yon ang sabi ni Lola. Pero kalaunan nalaman ko din naman. Wala kasi kaming pera. Haha! Ibig kong sabihin extrang-extrang pera ha? Kasi sapat lang ang kinikita ni Lola sa pagtitinda noon. Kaya nagpaturo nga din ako magmekaniko sa tatay ni Brian e."
"You know mechanics?"
"Opkors. Tamo 'tong biceps ko?" She proudly flexes her arms. "Pinatatag ng pagmemekaniko 'yan. Bago po kami nakatanggap ni Brian ng imbitasyon sa Moonshine marami na akong suki na mayayaman din. Alam mo ba, Ma'am?"
I furrowed 'coz I heard that honorific again.
"Regina..." She laughs and corrected herself. "Sorry hindi pa sanay. So hayon, alam mo ba una akong natutong mag-vulcanize. Inaaway ko si Brian kapag tinutulungan niya ako. Bait nga ni Manong Ed e. 40 ang bayad pero 5 pesos lang kinukuha niya. Yong 35 akin na."
"Alam mo rin magkompuni ng makita?"
"Yes naman! Marami akong suki. Halos lahat ng alam ni Manong Ed, tinuro niya sa amin ni Brian. Para daw kapag hindi pa kami makapasok as trabaho ay may pagkakitaan kami."
"Why do I get this feeling that he's pairing you with his son?"
Muntik pa niyang mailuwa ang sinubo niyang food. Nginuya-nguya pa niya ito saka uminom ng tubig.
"Gagi hindi! Mabait lang talaga si Manong Ed. Anglaki ng pasasalamat ko nga sa kanila. Nakakatulong ako kay Lola. Tapos nakakaipon din ako. Ayokong forever maging mahirap 'no. Sa mga libro lang romantic maging mahirap. Haha!"
"You agreed with our deal because of that?"
"Isang rason na rin yon, siyempre. Hindi na ako magpapaka-plastic 'no. Kasi kailangan ng pera para mabuhay 'di ba? Saka gusto kong suklian lahat ng pagsakripisyo ni Lola sa akin. Pero ano ha? Hindi ako plastic sa'yo." Tinaas niya ang kanang kamay niya. "Swear, lahat ng pakikitungo ko sa'yo ay tataa. Pipitikin ako ni Lola kung magsisinungaling ako."