Chapter 55: "You can take me home."

1.6K 72 39
                                    

REGINA

Sometimes, your home is a person. For me, it's Jane. After some hectic days, I finally have this chance of be with her. Well, at least for a bit of time 'coz I need to go back to VE, again.

It was really embarrassing kanina. Lola caught us! I was just really planning to kiss her sa cheek, but it was so tempting. Hay!

Jane is all dressed up. But she's kinda tahimik lang at pinagmamasdan ako while I'm doing my makeup. I bet may gusto siyang sabihin.

"What is it, Hon? 'Yong mga mata mo may sinasabi."

"Pwede akong sumama sa VE? Promise, hindi ako makikialam." Tinaas pa ni Jane ang kanang kamay niya. "Swear. Peksman. Bored na kasi ako dito sa bahay. Wala naman nang aasikasuhin sa birthday ni Lola. All set na."

Nagpapaalam siya pero bihis na. Nice, Jane!

"Nagsabi ka na kay Lola? Baka sa akin naman siya magalit."

"Kainis naman kayong dalawa. Sabi niya magsabi ako sa'yo. Ikaw naman tatanungin mo ako kung nagsabi na ako sa kanya. Ginawa niyo naman akong bata."

She's such an adorable dork din talaga sometime.

"Fine. Pwede na. Palibhasa, you know how ako konsensyahin, Right?"

And parang walang narinig. Agad ba naman siyang naghanap ng maisusuot niyang sapatos. She also got her belt. She's talking and talking about stuff while wearing it. Why so hottie Jane sa pagla-lock ng belt? Hay! God! No, Regina! Stop the thoughts!

"Goods na ko! Okay ba?"

Nag-okay ako sa kanya. She's wearing plain white v-neck shirt, tucked in her black jeans.

"Irarampa mo ako kahit ganito lang pormahan ko?"

"Of course. Why? You bothered ba?"

"Yaan mo na nga. Nag-aalala lang ako baka may masabi ang mga kaibigan mo kasi ganito ako."

"Crazy. Who needs their opinions ba?" I walk towards her. I fold the sleeves of her shirt. "Flex mo 'yang bicep mo, Hon. Para mainggit ang iba sa akin. You know? My girlfriend is hottie and has these curves."

"Baliw! Batak na batak sa pagmemekaniko 'yan. Untog kita diyan, Regina, kapag niloko mo ako. Aba! Sinasabi ko sa'yo."

Maybe I do like her kasi ganito siya. Like she can boss me around? But I love her 'coz I love her. Haven't felt contented like this even when I was into those gorgeous women. Sobrang empty ang pakiramdam ko noon.

"Ilan ba ang ex mo na kapatol-patol? Parang kailangan ko na ulit ito i-work out."

"I don't know. But nothing that I can't handle, Hon." Inayos ko na rin ang kabilang sleeves. I also fix the knots of her shoes. "There. That should do it."

Tumayo na ako. Nagtataka ako sa tingin niya sa akin.

"Why?"

Umiling siya. She lazily leans towards e-wrapping her arms around my waist. Maybe she loves to hear my heartbeat or I don't know? "Hindi pa ako humihingi ng pasensya sa nangyari kahapon. Sorry. Susubukan ko pang habaan ang pasensya ko at unawain ang trabaho mo."

"That made me think, Hon. We were like wives having some itzy bitzy love-hate relationship. Haha! Cute."

Dumistansiya siya sa akin. "Wife ka diyan. Hindi mo pa nga nasusubukan kung paano ako maging girlfriend. Feeling ko talaga mahihirapan ka rin e. Ako nga nahihirapang intindihin ang sarili ko kahapon. Baka pag sinagot kita away-awayin na lang kita. Tsk! Bastedin na lang kaya kita?"

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon