REGINA
Humingi ako ng disposable fork. Ini-slice-slice ko lang ang fried blood ng chicken while acting like interesado akong nakikinig sa kanila but the thing is, ayokong kainin itong mga inorder na foods. I mean, yuck!
Sinisipa ko na nga ang paa ni Cindy pero parang walang nase-sense! They can always come back here para mag-date kahit ilang ulit pa. Gusto ko na rin sanang umalis but she got my wallet and phone! Damn her talaga minsan.
"P're, may bibilhin lang ako." Tumayo 'yong Jane.
"Fren, samahan mo naman siya." Siniko pa ako ni Cindy. Pinanlakihan ko nga siya ng mata! "Sige na, fren. Kayganda ni Jane e baka pagtripan. Brusko-brusko mo kaya. Matatakot sa'yo ang mga goons."
Alam kong nananadya siya e. Lagot talaga 'to sa akin.
"Kaya ko naman," sabi nitong si Jane.
Kaya naman pala niya e. Okay na e kaso may pinakiusap itong si Marco kay Brian.
"Frenny, kawawa naman mag-isa lang ni Jane."
Now I get it! Cindy talaga! Gusto mo masolo si Marco de sana hindi kinidnap mo na lang! God!
"Amin na ang wallet ko. May bibilhin ako."
But hell? Instead of giving me my wallet, she just handed me 100 peos! Seriously? Anong mabibili ko dito? I gave her an annoying look. I want to freak out but that would eventually fuck up the night.
I have no choice. Sinamahan ko itong Jane. Patuloy pa rin ako sa pangpapanggap. Isinuot ko pa nga ang shades kahit gabi na. Good thing she's not even attempting a conversation.
Narating namin ang JollyFoods. Malapit din sa entrance ang napili niyang mesa.
"Hintay mo na lang ako dito."
Siyempre! Alangan naman samahan ko siyang pumila. Ano kami? Close friend? Napatingin ako sa paligid without removing my shades. May mga napapatingin sa akin tapos biglang matatawa. Hindi naman malakas na tawa but I know they're laughing at me. Uh! People talaga! But I'm also a judgemental person sometime. So, no hard feelings towards them.
Papalapit na si Jane. What's gotten into her? Dine in? Funmeal ang inorder niya. 'Yong may kasamang toys. Too old for toys.
Nag-angat lang ako ng tingin habang nilalapag niya sa mesa isa-isa ang mga foods—spaghetti, dalawang burger and orange juice.
"Napansin ko kasi na hindi ka naman kumain kanina. Hinihiwa-hiwa mo lang 'yong Betamax."
"Ha?"
"Ah." She scratches her forehead. "'Yong dugo ng manok. Kaya kumain ka muna."
Iniaabot ko 'yong 100 peso bill na binigay ni Cindy. "Share ko dito."
"Naku, hindi na. Isipin mo na lang bumisita ka sa isang bahay. Bisita kasi kayo ni Marco kaya bisita na rin namin kayo ni Brian."
Whatever. Ayokong ipipilit ang isang bagay sa ibang tao.
"Ok."
Binulsa ko ulit ang pera. Now, this is food! Inumpisahan ko nang kumain. Nilagay niya sa plastic ang isang burger saka sinilid sa sling bag niya kasama ng mga laruan. She started munching on the other. She looks exhausted. Kapansin-pansin din ang mga bruises sa braso at kamao niya.
"Seryoso ba ang kaibigan mo sa kaibigan namin?"
Out of nowhere niyang tanong. Napatigil tuloy ako sa pagkain.
"Why?"
"Natanong lang. Sana seryoso siya kasi minsan lang mainlab 'yon si Marco. Disaster na naman kung mabo-broken. Nakakaumay mag-inom araw-araw at makinig sa paulit-ulit niyang kwento."
In that case, mukhang she'll get through the same cycle again. Dahil panigurado naman hindi seryoso si Cindy sa kaibigan nila.
"Hindi siya nagsasabi." Maikli kong sagot.
Wala naman siyang naging reaction. She just seems so worried. Baka nga may gusto siya kay Marco. Hindi ko na problema 'yon.
"Hay. Sana talaga." She sighs. "Bilisan mo nang kumain. Balikan na natin sila para makauwi na tayo pare-pareho."
Oh, damn her! How dare her to order me around. But as much as gusto ko siyang mainis, e gusto ko na ring umuwi.
---
Sa main house ng mga Vanguardia kami uuwi. We still live in the same roof kahit may family na si Kuya. Well, most of the time doon pa rin ako umuuwi. At hindi ako pwedeng matulog sa condo ko nang hindi niya alam. The paranoid kuya talaga ang bagay sa kanya.
Tawang-tawa pa si si Cindy sa katakot-takot na murang inabot niya sa akin, in all language that I know!
"Girl, enjoy naman e. minsan lang naman malagyan ng streetfoods ang tiyan mo."
"Correction, hindi ako tumikim ng chicken blood! Not even a little!"
"Fine! De hindi. Pogi ng new boyfriend ko 'no? Pogi rin n'ong Brian."
The heck? May ibang ngiti akong nakita sa kanya.
"God! Don't tell me, you wished mas nauna mong nakilala 'yon Brian?"
"Exactly! But okay na ako kay Marco. Mukhang magtatagal kami."
"Ganyan ka rin noon sa ex mong German. Tumagal ba kayo? Hindi."
She rolled her eyes and scrolls her phone. "Magfocus ka na sa pagda-drive girl. Para ka ngayon Sugar Lesbi! Hahaha!"
"Your choices of words, Cinds. Hindi na nakakatuwa."
Binilisan ko na ang pagmamaneho. Nangangati na ako sa suot ko. Must be the usok from the streets kanina. Matindi pa yata ang kapit ng amoy nito sa damit. God!
Naratnan namin sina Kuya Paolo sa receiving are. He's my oldest sibling. Daddy siya ni Reign. He's totally out of words pagkakita sa akin. I know! I look awful!
"Kuya Pao, wala nang bee— Regina?" And that's Ate Pauleen, Ate ko. "What happened to you?" Napatingin din siya kay Cindy. "Nagko-cosplay ba kayo?"
"Naku! Hindi po. Chaperon ko lang si Regina." Sagot ni Cindy.
"Buti pumayag siya."
"Of course naman. Mari-resist ba niya ang only friend niya?" mayabang na sagot nitong si Cindy.
"Magbihis ka pa makita ni Rodulf. Alam mo namang pinapangarap n'on na makita ka sa worst OOTD mo. So far, yan na 'yon. Nag-make up ka pa. Why do I get this feeling that you got into trouble? Kayong dalawa?"
"Guni-guni mo lang 'yon, Ate Leen," said Cindy. "Ano kami? Teenagers para mapa-trouble? Haha! Mid twenty's. Duh!"
"Panhik na kami. Don't you tell Kuya about this."
Minuestra lang ni Kuya Pao na umalis na kami. "Nga pala, magre-report na ang mga new bodyguards mo next week. Sana this time tumagal naman sila sa'yo. Please be kind, Regina. Para din naman sa'yo ang pag-i-strikto namin."
"Two weeks." Sagot ko sa kanya. "Probably ganoon lang ang itatagal nila sa akin." Nagtaas-baba pa ako ng kilay para mas mainis siya.
"One month." Sagot naman ni Kuya. "Kung makatagal sila ng isang buwan, you better keep them."
"Baka hindi nga sila tatagal ng isang linggo. Bet on it, Kuya. Ako ang magpapasweldo sa kanila kung umabot sila ng isang buwan."
"Call. Let's sign it tomorrow."
Hinigit na ako ni Cindy. "Baliw ka talaga. Kuya mo 'yon, ginaganoon-ganon mo."
"Let him be. Sabi ko sa'yo, I don't need a bodyguard. You know what to do. Tawagan mo na ang mga actors mo. Dapat mag-quit sila nang mas maaga."