Chapter 61- Touch Me Not

1.7K 84 212
                                    

Warning... painful end of chap...  :) 

JANE

Niyaya ko siyang mag-dinner sa labas, ayaw naman niya. Gusto e sa mansion kami uuwi. Kaya heto, umuwi kami sa bahay namin. Hahaha! Aba! Magtatampo na ang lola kung sa mansion ulit ako uuwi. Kaya sa ayaw at gusto niya iniuwi ko siya.

Grabe naman 'yong lalim ng iniisip niya. May pagtanaw pa sa favorite spot ko sa bintana. Feel na feel ang moment naman. Sana kumuha ng upuan para hindi mangawit sa pagtayo e.

Next time bibilhan ko siya ng light colors na pantulog. Bagay naman niya 'yong suot niyang nighties ngayon na black e. Buti pinatungan pa ng robe. Naku! Kung hindi, ikukulong ko na siya sa kwarto. Sobrang hot ng gelpren ko po!

"Regina, gusto mong mag-gin?" biro ko sa kanya. "Para borlogs ka bukas. Haha!"

Siyempre hindi ko 'yan tototohanin. Gusto ko lang siyang asarin.

"Not in the mood to drink, Hon. Iced coffee would do."

Walang effect! Seryoso pa rin e. Bawal na ang kape, gabi na. Baka gising siya buong magdamag. Naupo ako sa may bintana. "Kinakabahan ka para bukas?"

"Yeah." Nakatingin naman siya sa ibaba kung saan nagkukwentuhan sina Lola at Ma'am Fili. "Type siya ni Ate?"

Tumango ako. "Pero secret lang natin." Kinwento ko nga 'yong nangyari n'ong isang araw. "Grabe 'yong pak awra ni Ate Pauleen. Akala ko susuhulan si Ma'am Fili e. Haha! Gusto mong i-interrogate?"

Umiling siya. "Too tired to talk."

Wow! Parang bago 'yon ha? Pinadaanan ko nga ng likod ng hintuturo ko ang tungki ng ilong niya.

"May problema nga? Sabihin mo na. Makikinig ako. Gelpren nga 'di ba?"

Parang ewan naman 'tong tumingin sa akin. "You want a place like this 'pag may sarili na tayong bahay? Hmm?"

Aba! Iniba pa talaga ang usapan ha.

"Hmm. Oo. Tapos may duyan na kasya tayo. 'Yong parang bilog lang. Nai-imagine mo ba 'yon? Kita ko lang sa Bookfame 'yon e. Parang suspended na duyan. Tapos dun ka magaasikaso ng mga streams habang tulog ako. haha!"

"Lagi mo na lang akong tutulugan? Madaya ka ha."

"Haha! Gan'on talaga 'pag buntis! Laging tulog! Haha! Charot! Gagi. Na-imagine ko nga sa duyan buntis ako. De hayahay ako n'on. Bahala ka sa buhay mo. haha!"

Tamo 'to lagi na lang parang magugulatin. Hinila ko nga siya papunta sa harapan ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. Cute naman nito. Sarap siguro kagatin ang pisngi niya. Roar! Parang marshmallow!

"What now?"

Sungit pero nakakatuwang kasungitan. Grabe pala 'yong progress ng pagsasama namin. Mula sa pagno-novena kong hindi siya ang maging boss ko hanggang sa pagno-novena ko ngayon na sana magbabait siyang gelpren. Haha!

"May dumi ba ako sa mukha?"

Umiling ako. Hinawi ko ang buhok niya patungo sa likod ng kanyang tainga.

"Bakit pakiramdam ko po, may problema kang pinapasan?"

"Wala talaga. Pagod lang at kaba 'to."

"Talaga? Mamatay man ako?"

"Jane naman! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!" Aray naman 'to! Namamalo pa. "You're not funny! Okay?" Angtindi n'ong irap naman niya. "Lahat na lang ginagawa mong biro."

Para sa pagod na ferson, may energy pa siyang mag-walk out. Hay! Bumaba ako agad para masundan siya sa kwarto. Sa pakiramdam ko kasi ay mayroon talaga siyang problema. Kung ayaw niyang i-share sa akin, siguradong parte ako ng problema. Gan'on lang 'yon.

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon