HEARTLESS LOVE (Jane De Leon x Janella Salvador Fan Fiction) (FREE STORY)
REGINA
"Cancel all my meetings today. Gusto kong magpahinga," utos ko sa aking secretary. "As in walang bisita kahit kaibigan ko. Naintindihan mo ba?"
"Yes, Ma'am. Kahit po ba kapamilya niyo?"
I annoyingly look at her. "May nabanggit ba akong pamilya?"
Umiling siya. "Sige po, Ma'am."
Minuestra kong umalis na muna siya. Hindi pa naman ako ganoon ka-badtrip para hindi harapin ang pamilya ko kung maisipan nilang bumisita dito. Kumuha ako ng wine sa mini ref saka nagsalin sa kupita. Just the rest I badly needed! The view from my office is quite relaxing. Pero mas mare-relax siguro ako kung kalikasan ang makikita ko. Hindi itong puro building kahit nasa mataas na floor na 'tong opisina.
Ilang araw pa lang nang mag-quit ang tatlong bodyguards ko, naghahanap ulit sina Kuya ng kapalit. Hay! They just don't know how to give up. I don't need a bodyguard. I can handle myself.
My phone keeps on ringing. It's my niece slash inaanak, Reign. Obviously, kinuha ang pangalan niya sa akin. Kaya halos magpakapareho din daw kami ng ugali. I just hope she does well in making money soon.
"What is it this time, Kid?"
"Hindi na ako kid ninang! I found the perfect bodyguard for you! Mabait siya! Alerto! Maganda! At may bangs! Hahaha! You'll like her!"
"Hold your horses, Reign! Who gave you the authority to choose my bodyguard, abir?"
"Hmm. Ako? Haha! Ninang, give it a try. Promise, she's magaling! Don't you want to toy around someone new, Ninang?"
"Reign! Stop it! Manahin mo na lahat sa akin huwag lang 'yan! I'll drop this call. Bye."
Hindi talaga magandang idea na isinama ko siya mga pangliligaw ko ng bodyguards. Hindi ko na uulitin 'yon! Baka masisi pa ako ng daddy niya kung lumaki siyang mas pasaway sa akin.
If only our parents were alive. Siguro hindi ako ganito. Siguro hindi ko ginugol ang halos kalahati ng buhay ko sa pagpapalago ulit ng mga negosyo. Pinakamahirap itong Entertainment company na inumpisahan ko. This is new in the country. We handle famous content creators. We produce their contents and stuffs. Muntik nang pumuti ang buhok ko sa dami ng perang inilabas ko dito. Good thing nakabawi na rin kami.
For now, Vanguardia Entertainment is the fast-rising social media entertainment productions. Thanks to my charm in pirating content creators and sponsors.
I think need to unwind more. I called my secretary through intercom. Agad naman siyang pumasok. Pinupunasan pa niya ang bibig niya. Napatingin ako sa relo ko. Lunchbreak pala.
"Yes po, Ma'am?"
"Kung hanapin ako ng family ko, sabihin mo hindi mo alam kung nasaan ako. Okay?"
"Pero, Ma'am. Baka po pagalitan ako ni Sir Pao."
"Sino ba ang boss mo dito?"
"Kayo po."
"Good. You know kung sino ang pwedeng magtanggal sa'yo sa trabaho." Masungit kong tugon sa kanya. "Lumabas ka na. Mag-early out na rin kayo."
Atleast, may pakonsuelo ako. Dinampot ko na ang bag saka lumabas. Walang lingon-lingon sa iba ko pang empleyado.
---
"Girl, pang-ilang bodyguard na ba 'yong pinag-quit mo? Grabe ka ha." Cindy rolled her eyes. "Worried na worried pa silang nakidnap ka."
"Hayaan mong magwaldas si Kuya ng pera niya. Sinabi ko naman na ayoko ng bodyguard e. Angkulit."
Nagsalin pa ako ng whisky. The best itong inumin kapag stresses na stressed ako sa buhay.
"Alam mo? Imbes na alak ang pagtuunan mo ng free time mo? Mag-lovelife ka kaya. Hindi ka naman mahihirapan maghanap ng boyfriend."
"I'm done with that. They just give me pain and trauma. Remember the last guy I liked?"
"'Yong pa-victim pa n'ong hindi mo na kinausap?"
"Sino ba namang gaganahang kausap 'yong maraming reserba? He doesn't know who he's dealing with."
He's famous kaya madaling malaman kung may pini-flirt na iba. And like magic? Halos lahat well-known business women ay nai-date na niya. He's probably saving his own ass kaya he's desperately looking for wealthy partner.
"Gagawin ka pang sugarmommy! Haha!" pang-aasar niya. Her phone beeps. "Uy, wait. Nagyaya si Jowa. Pakilala daw niya ako sa mga college friends niya."
"New jowa na naman?"
"Of course! One ordinary guy. Huwag kang magugulat. Haha! Pero mabait siya. Tara. Disguised ka lang. Hindi naman niya alam na friendship tayo. Do your expertise Vanguardia. Magpapangit ka nang konti. Mahiya ka sa akin. Haha!"
---
When she said ordinary guy, I didn't imagine na ganitong lugar sila magkikita. I think, my friend has gone crazy! Really? Street foods like sa streets talaga! God! Those iisang sawsawan ng mga foods tas baka may bahid pa ng laway 'yong stick! Kinikilabutan ako!
Nobody will recognize me for sure. I wear simple baggy clothes and manly make up. Nagsuot pa ako ng cap to complete the boyish look. Nakakairita lang! This is the first time that I wear this kind of outfit. God! Hindi ako dapat magsalita or else baka mabisto ako.
"Huwag na sanang maulit ito, Cinds. Next time pick someone na hindi naman sa ganito ka idi-date. Look naman!"
Siniko niya ako. "Bibig mo. Ano nga pala ang name mo ngayon? Haha! Gwapo mo, Girl. Huwag mo na ring ulitin 'yang disguise mo. Pangit! Para kang tomboy na walang ligo! Haha!"
Wala pa akong naiisip. Maya-maya ay may kinawayan na siya.
Pulis ang boyfriend niya?! He's still in his uniform. Pa-impress ba 'to? Parang tanga na makikipag-date na nakauniporme.
"Hi, Love."
Masusuka pa yata ako sa tawagan nila. Nauna pa talagang bumati si Cindy ha? Umiwas ako ng tingin n'ong nagkiss sila sa lips.
"Friend ko nga pala..."
"Val." Kumaway lang ako. "Valentina."
"Ah, Hi. Marco." Pakilala din niya. "Ikinagagalak kong makilala ka, Val."
Tumango ako. Ginaya ko lang 'yong mga gestures ng content creators namin na parang lalaki din kumilos.
"Malapit na rin 'yong dalawa. Dito muna tayo."
Ito na siguro ang pinakamalinis na pwesto sa lahat. May sariling mesa at upuan. Inalok ako ni Cindy ng bottled water. Nagdadalawang isip ako baka hindi naman talaga ito mineral water e. Angdami ko talagang trust issues sa ganitong lugar.
Sine-serve na ang mga inorder ni Cindy. Parang wala akong balak tikman sa mga ito. Napatingin ako sa kanilang dalawa na umoorder pa. Parang ansaya ni Cindy. Hay! I'll just let her be. Buhay naman niya 'yan.
"P're!"
Someone approached Marco. Niyugyog pa siya nito sa balikat. That must be the friend. Kasunod niya ay isang babae. I thought mga lalaki ang tinutukoy niyang kaibigan. That's weird. He also hugged that girl. Saglit lang naman. But that a no-no for me. Cindy must be cautious. I don't believe in girl friends of boyfriends. Again, trust issues.
Dumulog na rin sila sa mesa. Mukhang mas close ni Marco itong lalaki. Nagsisikuan at nagbibiruan pa nga sila.
"Ah trops, siya si Val. Kaibigan siya ni Bebe love."
Oh God, this kind of people! Nagtatayuan na ang balahibo ko sa mga terms nila!
"Brian." Inilahad n'ong Brian ang kamay niya.
Just like kanina, tinanguan ko lang siya. My hands are too precious, no one can easily hold it.
"Jane." Pormal naman ang tono nitong isa. She slightly bowed. "Nice to meet you."
Natuon ang pansin ko sa logo ng kanilang t-shirst. Moonshine Security. Wow! What a hell of small world.