Chapter 23: "Easy for her to say"

1.2K 58 12
                                    

HEARTLESS LOVE CHAPTER 23 #JANEDELEON #JANELLASALVADOR #JANENELLA #DARLENTINS

REGINA'S POV

Naabutan ako ni Ate Pauleen sa mini bar. Nagpapaantok ulit ako as usual.

"Hey. Bakit hindi ka nagyayaya?" she joked after getting herself a wineglass. "Ayaw mo na sa balcony?"

"Come on! Stop mentioning about it, Ate." Nainis kong sabi. Sinalinan ko ang wine glass niya. "So? Are you watching over me? Don't worry. Wala akong gagawin ikakasama ng pamilya natin."

"Nah. Gawin mo na lahat ng gusto mo. Matanda ka na, Valentina." A sarcastic smile drew in her face. "So, tell me. Totoo ba itong nakarating sa akin na nagkakalapit kayo ni Jane?"

I nod then drinks my wine. "There's nothing wrong with that, right?"

"Timing naman yata na uuwi si Blair saka ka nagkaroon ng interest sa bodyguard mo? Perfect timing?"

I sighed and looked around. "Fine. Since I can't hide anything from you. You know how I hate Blair. She just told Cindy about her plans. Her family has done the worst thing to me. To us. They pulled their investments just because of me. Sinaraan pa tayo sa mga businesspartners nina Mama at Papa."

"I don't like that Rionjae."

"Same." Nag-cheers kami and laughs. "Ewan kay kuya Ruru. Baka naman He's keeping his enemy closer."

She shrugged her shoulders. "Ang alam ko lang iniwan tayo ng mga pinagkatiwalaan nina Mama at Papa. Pati kamag-anak natin. God! Hinihintay na sila ng impyerno."

"But hey, we're even richer than them. Hinihintay ko lang na magbenta sila ng ari-arian nila. I'll surely buy it at palalayasin ko sila agad-agad."

"Thanks to you. Mas malaki ang naging ambag mo sa pagbangon natin."

"Ako naman ang dahilan kaya it's but right na ako ang gagawa ng paraan. I just got lucky I guess." Nagcheers ulit kami.

Reminiscing those bittersweet memories makes me appreciate what we have now. And we really don't trust our kamag-anak. Matatapatan lagi sila ng pera.

"Beware of Blair. Alam kong hindi basta-basta mawawala ang nararamdaman mo sa kanya. I know you, Regina. Konting pagpapaawa lang ni Blair baka madala ka na."

"I'm a changed person na, Ate. And I have Custodio. I mean, you know. She knows what to do. Siguradong mahihiyang lumapit si Blair."

"A desperate woman knows no hiya. Ngayon pang pabagsak ang company nila. I'm just giving you a heads-up my dear sister. Alam ko kung gaano ka karupok sa first love mo."

---

Si Asher lang ang naka-duty ngayon dahil death anniversary ng parents ni Custodio. Maghapon na akong nakatutok sa laptop. It's quite boring na walang bigla-biglang papasok ng office just to ask kung gusto ko ng kape.

I found myself watching 'yong pinagmamalaki ni Custodio na ship from The Clicque. Nanghihinayang ako. Malaking pera sana ang maipapasok ng dalawang ito sa VE. Hay!

I guess, Custodio is right after all. Iba ang chemistry nina Rogue and Ava. Nagbasa na rin ako ng comments. Napa-scroll up ako nang may nakita akong #JaneCustodio.

Why the hell are they looking for her? Pagka-click ko ng hashtag, may mangilan-ngilang clips na magkasama kami. It must have started n'ong nag-viral siya sa pagsipa doon sa lalaki.

So, totoo nga ang sinabi ni Cindy na marami ang nagkakagusto sa kanya? All gender pa nga. Like pati gay man? Seriously? Magpapakalalaki daw kung ganoon kaganda ang jowa? Ano bang nakikita ng mga ito kay Custodio?

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon